Gotta Have Her (25)

998 34 0
                                    


Magkatabi sa upuan si Kim at Josh ng dumating na ang Science teacher nila.

"Our topic for today is about Evolution. Any thoughts?" Tanong ni Mr. Magbantay at may nagtaas ng kamay sa klase.

Classmate#1: Sir, diba po galing tayo sa unggoy?

Classmate#2: (Sumabat) Ikaw lang!

Nagtawanan ang buong klase pero pinatahimik sila ni Mr. Magbantay.

"Charles darwin has provided evidences about his theory na galing tayo sa unggoy."

Classmate#3: Pero diba sir sabi sa bible gawa tayo sa putik.

"But Charles darwin has the evidences." Sagot ni Mr. Magbantay.

Classmate#3: But god created all that evidences including Charles darwin.

"So, do you really want to have an argument between Science and God?"

Classmate#3: Hindi po sir. Sabi ko nga po galing tayo sa unggoy tingnan nyo po si Raymond kamukha ni Kingkong.

"Hayop ka dinamay mo pa ko!" Sigaw ni Raymond.

Nagtawanan na naman ang buong klase at pinatahimik sila ni Mr. Magbantay.

"We will have a surprise recitation today. If I call your name, you will give me an exact answer. Let's start."

Classmate#1234: Aww!

"I told you yesterday to study about evolution and fossils didn't I?" Pinatago ni Mr. Magbantay lahat ng notebook at libro sa bag at nagsimula ng magtawag.

Halatang kinakabahan si Joshua kaya tumingin sya kay Kim.

"Wag kang kabahan." Bulong sakanya at hinawakan sa ilalim ng desk yung kamay ni Josh pero binitawan din. Mahirap na baka mahuli.

"Kimberly Sanchez. Where are you?"

Tumayo agad si Kim at inantay yung tanong para sakanya.

"Ok, tell me about Homo erectus."

Nakatingin lahat ng classmates nila kay Kimberly at nagaantay kung masasagot nya. Si Heather nakangisi at tinatawanan sya pero inirapan sya ni Kim at sumagot sa tanong ni Mr. Magbantay.

"Homo erectus means upright human, looked more like humans than any of the previous groups. They lived .5 to 1.6 million years ago. They built fires to cook their food and used stone tools to help them."

"Very good. You may take your seat." Tinaasan ng kilay ni Kim si Heather at umupo ito.

"Galing talaga ng Prinsesa ko." Cheer ni Joshua sakanya.

Sunod na tinawag si Heather na pasimple pang tumingin sa notebook bago tumayo.

"Tell me about homo sapiens."

Napakagat labi ni Heather at sinusubukang humingi ng sagot sa mga classmates pero walang nagdidikta sakanya.

"Um...Homo sapiens are the...people who are...Homo sapiens are the..tayo po ito sir."

Nagtawanan ang ilang classmates nila at hinampas naman ni Mr. Magbantay ang board para tumahimik sila.

"Did you study about our lessons yesterday Ms. Aragon? Or did you ever listen to me when I'm discussing it yesterday?"

Umiling si Heather at pinaupo na lamang sya ni Mr. Magbantay.

"You got 70 for recitation today Ms. Aragon." Nakayuko lang si Heather dahil nahihiya ito.

Sunod na tinawag ay si Josh. Konti nalang tatalon na puso nya sa sobrang kaba.

"Joshua Perial stand please."

Hinawakan ni Kim ang kamay ni Joshua bago pa to tumayo at bumulong.

"Ito yung nireview natin kahapon, just relax." Ngumiti si Josh sakanya at nagantay ng tanong.

"Tell me about fossils."

Medyo natagalang sumagot si Joshua dahil inaalala pa nya yung mga tanong sakanya ni Kim nung nagrereview sila tungkol dito.

"Joshua Per--" Naputol ang sasabihin ni Mr. Magbantay ng magsimulang magsalita si Josh.

"Fossils are remains of traces of one's living organism uncovered from the crust of the earth." Napangiti si Kim dahil nakasagot si Josh.

"Very goo--" Akala ni Mr. Magbantay tapos na magsalita si Josh ng may ihabol pa ito.

"Fossils like imprints-- Im sorry sir, should I stop?"

"No no no.. go on"

"Fossils like imprints of a leaf or stem in a rock, an animal trapped and frozen in ice, bones and an insect trapped in a hardened plant sap in tar pits."

"Very g--"

"Most fossils were formed at the bottom of the sea." At nagsmile si Joshua kay Mr. Magbantay.

Nanahimik ang lahat dahil sa sagot ni Joshua ng pumalakpak naman si Kimberly na halatang proud na proud sa boyfriend.

"Done?" Paniniguro si Mr. Magbantay dahil baka may ihahabol na naman si Josh at nagtawanan ng mahina ang mga classmates nila.

"Yes sir."

"Okay, take your seat. Well done Mr. Perial. You really studied about our topic yesterday, that's good."

"See, nasagot mo. Proud na proud ako sayo." Nakangiting sabi ni Kim kay Josh at pinisil nito ang pisngi ng girlfriend.

"Pinalakpakan mo pa ko nakakahiya."

"Anong nakakahiya dun? Ang galing nga ng boyfriend ko e." Nagngitian silang dalawa sa isa't isa at nakinig na sa lessons ni Mr. Magbantay.

--

Comment and tell me all about it :) Lovelots! ❤

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon