Gotta Have Her (28)

953 26 0
                                    


Nagkulong lang sa kwarto si Kim ng makauwi sya galing kila Joshua at ng malaman nyang sa states na ito magaaral ng kolehiyo.

"Anak ok kalang ba?" Kinakatok na sya ng mama ng ilang beses ng buksan nya ito at yumakap sa ina.

"Ma, iiwan din pala ako ni Joshua. Nangako sya na hindi sya aalis sa tabi ko tapos sa mama nya ko pa malalaman na sa ibang bansa sya magaaral ng college." Humahagulgol na si Kim sa ina habang nakayakap sya.

"Anak kung mahal mo talaga ang isang tao, kahit magkalayo kayo kakayanin nyo parin. Trials yan anak, sinusubukan kayo ng tadhana kung talagang mahal nyo ang isa't isa."

"Pero ma, 4 years? 4 months pa nga lang kami ngayon. Hindi ko kaya ma, hindi ko kaya." Inayos sya ng mama nya at pinunasan ang luha ng anak.

"Anak kaya mo. Natatakot kalang ngayon pero kakayanin mo. Mahal mo ba si Joshua?" Tumungo si Kim.

"Oh, mahal mo pala e. Trials lang yan, kayo nyong lagpasan yan. Kung sa ganyang sitwasyon susuko kana pano pa pag mas mabigat pa dyan ang dumating na problema sainyo? Kung mahal mo, magaantay ka. Aantayin mo sya." Pagkatapos magsalita ng mama nya ay nagvibrate ulit ang phone nya.

*Joshie calling..*

Tumayo ang mama nya at inayos ang bangs nya.

"Sagutin mo na yan, magusap kayo. Walang mangyayari kung iiyakan mo lang ang problema mo." At bumaba na ang mama nya.

Kinuha ni Kim ang phone nya at sinagot ang tawag ni Josh.

Josh: Thankgod sinagot mo rin. Kimberly, please hear me out. Hindi ko sinasabi sayo yunh pagalis ko dahil gumagawa na ako noon pa ng paraan para hindi ako matuloy. Akala ko masusolusyonan ko sya bago ko pa sabihin sayo. Hindi ko gustong  iwan ka, pero kung yun ang paraan para mabigyan kita ng magandang buhay in the future gagawin ko yun. Kahit na ang ibig sabihin nun ay ang malayo sayo ng matagal na panahon. Iloveyou sobrang mahal kita please antayin mo ko. Bibisitahin kita tuwing makakakuha ako ng chance. Please Kim, kailangan kita." Huminga ng malalim si Kimberly at inalis lahat ang mga negative thoughts na naiisip nya bago magsalita.

"Sorry din, nabigla lang ako sa nalaman ko at hindi ako galit, natakot ako. Siguro nga kaya naman natin yung 4 years diba? I mean, kakayanin natin. Hindi kapa umaalis pero parang miss na miss na agad kita." May tumulong ilang luha sa mga mata ni Kim.

"Hindi siguro lang Princess, kaya talaga natin. And I promise, sa pagbabalik ko hindi na ko aalis ulit. Bukas at sa mga darating na araw susulitin natin kada segundo na magkasama okay? Magpahinga kana bukas akong gigising sayo." Ngumiti si Kim at naggoodnight kay Joshua. Nilagyan nya ng ringtone yung phone nya para pag tinawagan sya ni Josh bukas ng umaga magigising agad sya.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon