Gotta Have Her (29)

994 26 0
                                    


"J-josh??" Nabubulol si Kimberly ng dahil sa nakita nya.

"Kim? Anong ginagawa mo dito??" Dali daling nagbibihis si Josh at tinakpan ang katawan ng babaeng katabi nya sa kama.

"Binibisita ka. Si-sino sya? Ba't..bakit magkatabi kayo? All this time niloloko mo lang ko?" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Kim at tumakbo palabas ng hotel.

"Kim! Please let me explain! Kim ple--

*PEEEEEEP!*BLAG!*

K-KIMM!!!!" Hindi namalayan ni Kimberly ang bus na nasa likod nya at nabundol sya nito mula sa likod. Agad na tumakbo si Joshua papunta sakanya at pinatong ang ulo nya sa hita nito. Bumaba ang driver ng bus at nilapitan si Kim kung ano ang lagay nito.

"Call an ambulance! Now!" Nagsisisigaw na sabi ni Joshua sa driver ng bus.

"Kim please, breath don't leave me please. C'mon open your eyes please Kim breath for me. Please wake up....Kim I'm so sorry, please wake up. Kim! WAKE UP!"

"Kim wake up!!"

*BLAG!*

"What the..." Nalaglag sa kama si Kim at bumagsak sa likod nito.

"Ok kalang?" Blurred ang paningin ni Kim pero ng luminaw ito ng paunti unti naaanigan nya si Joshua.

"KIM!" At inalog alog na sya ni Joshua dahil pumipikit na naman sya.

"Josh?? Anong mo ginawa mo dito?? *tumingin sya sa paligid ng kwarto* At anong ginagawa mo dito sa kwarto ko??" Tumayo si Kim at inalalayan sya ni Josh.

"Diba sabi ko sayo kagabi ako gigising sayo?"

"Uhh..yeah? Ang pagkakaintindi ko tatawag ka sa phone. Nakaringtone nga yang phone ko kasi akala ko tatawag ka." Umupo si Kim sa kama habang kinakapa yung likod nya.

"Masakit ba?" Umupo si Joshua sa tabi nya at minasahe ang likod nya.

"Umuungol ka habang tulog kaya ginigising kita." At minamasahe nya yung bandang balikat pababa sa likod ni Kim.

"Binangungot ako. Masamang bangungot. Nahuli daw kita na may kasamang ibang babae sa kama."

"Panaginip nga yan, kabaliktaran kasi mangyayari nyan in reality. Ikaw talaga yung babaeng kasama ko nun sa kama haha!"

"But in the end, nasagasaan daw ako. Dedbol." Pinitik ni Josh ang tenga nya at umaray naman si Kim.

"Para san yon?!" Habang hawak hawak nya yung tenga nya.

"Mas gugustuhin ko pang maunang madedbol kesa mabuhay ng wala ka." At tumayo si Joshua.

"Aysus.. ang aga aga bumabanat ka. Pero para talagang totoo e, masasagasaan nga kaya ako? At mahuhuli nga ba kitang may ibang babaeng katabi sa kama?" Nagglare sakanya si Josh at tinawanan nya naman ito.

"Haha biro lang. Pero teka, pinapasok ka ni mama dito?" Nagsusuklay na si Kim at nagtatali ng buhok.

"Oo, mukha naman akong mabait kaya pinayagan ako. Itong mukhang to? Mukha bang may gagawing masama?"

Lumapit si Kimberly at binatukan si Joshua pero hinawakan nya ang kamay nito at niyakap si Kim.

"Goodmorning Princess, Iloveyou." Bulong nya habang nakapatong ang mga ulo nito sa balikat ni Kim.

"Goodmorning too Shrek, I love you too." Ngumiti si Josh at kiniliti si Kim hanggang sa mapahiga ito sa sahig.

"STOP!! HAHAHA! JOSH! STO-- HAHAHA!"

"Sinong Shrek ha? Ha?" Kinikiliti nya parin si Kim ng inakyat sila ng mama ni Kim.

"Anak may pro--" Nakita nyang nakahiga sa sahig ang anak at nakapatong si Joshua dito. Agad na tumayo ang dalawa at ngumiti na parang mga bata.

"Ako gusto ko ng magkaApo, gustong gusto ko. Pero Kimberly Sanchez, bata kapa. At iho?" Tumingin sya kay Joshua.

"Gusto mong maging batang ama?"

"MA!" Sigaw ni Kim sa ina.

"Hindi namin ginagawa yung iniisip ninyo, kinikiliti nya lang ako kaya ako nasa sahig."

"Ganyan kami nagsimula ng tatay mo kaya nabuo ka namin."

"MA!!" Tumawa ang mama nya at tumingin sa anak.

"Osha maligo kana at kumain na kayo sa baba at Joshua?"

"Po?"

"Maliligo na si Kim, sasama kaba sakin sa baba?" Bumalik sa wisyo si Josh agad agad na lumapit sa ina nito.

"Ay opo! heh he.. Maligo kana bilisan mo ah."

"Oo na labas!"

"Kiss muna."

"Joshua." Sigaw ng mama ni Kim

"Ay nandyan na po!" Dali daling bumaba si Joshua at natawa nalang si Kim.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon