Chapter 29

139K 5K 1.9K
                                    


Spell haggard? T-R-I-X-I-E HAHAHAHAHAHAHAHA Grabe kasi talaga yung itsura nya! Nakataas yung buhok nya na katulad nung sa mga naglalaba, nakalilis yung sleeves ng uniform nya, puro pawis at nakakunot pa ang noo. Stress na stress kasi sya sa pag ayos ng booth namin. Naalala ko tuloy last week mas stress pa sya jan dahil hindi sumusunod yung iba.

Flashback

"Ate Flame! Ayaw naman nilang sumunod sa akin!" Pagsusumbong nya
"Ano Trix? Bugbugin na ba natin?"-charm
"Kung pwede lang eh! Huhuhu tulungan nyo ako!" Sabi nya na naka cross fingers, pout at puppy dog eyes pa... cute^_^

"Tsk!" Pagpalatak ni Johanne at pumunta sa unahan, may mini stage kasi sa harap para makikita yung mga teacher

"CLASSMATES!!" pagsigaw nya na nakakuha ng attention ng lahat
"Oh anong trip nya?"-trix

"Pwede bang tumulong tayong lahat at sumunod sa mga inuutos ng PRESIDENT natin? Hindi kasi tayo matatapos sa booth natin kung hindi tayo kikilos. Remember, sa Monday na yun at Thursday na ngayon so PLEASE tumulong tayong lahat" mahabang litanya nya. Lumapit sya kay Trix at hinila ito papunta sa harap

"Ano bang gagawin natin Pres?" Tanong ng isa

Nag discuss na si Trix at inappoint kung anong gagawin ng bawat isa. Cafe pala ang gagawin namin, maid cafe to be exact. Pero hindi lang daw ordinaryong maid-butler cafe. Bakit? Abangan.

End of Flashback

Oh diba? Johanne to the rescue lang ang peg hahaha, buong preparation nga rin si Johanne ang katulong nya. Yieeee may something!

Oo nga pala, Monday ngayon at first day ng Foundation week. Nandito na kami sa class room at naka costume na. Ako, Trix, Sky, Frost at anim pa naming kaklase ang nakabihis. Hinati kasi kami, sina Charm, Jeanne, Johanne, Axel at anim pa ulit mamayang hapon. Shifting para hindi daw nakakapagod.

"WAHAHAHAHAHAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!!!!"

At grabe lang ang tawa naming girls dahil alam nyo ba kung bakit?

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHHAHHAHHAHAAHAHAA M-MAMAMATAY NA YATA AKO! WAHAHAHHAHHAHAHHA PFFFTHAHAHAHAHAHAHHA GRABE!!!" -charm

"Sige tawa pa! Papatayin talaga kita!" Angil ni Sky
"Pffth" pagpipigil namin ng tawa

Eh bakit nga ba kami natatawa? Eh kasi naman, ang lakas ng trip ni Trix at binaligtad nya ang costume ng girls at boys. Naka maid outfit ang boys at Butler naman sa girls. Oh sinong di matatawa? Ang priceless kaya ng expression nilang mga lalaki! Sa mga babae ayos lang dahil naka coat and tie lang naman kami pero yung sa boys, grabe yung boys, naka dress sila na may malaking ribbon sa likod at may apron na maraming ruffles pa with matching wig at make up sila.

"Shit! Ang kati naman nito!!"-sky
"Taena lakas maka bakla ah Sky!!"-Axel
"Gagu magsusuot din kayo nito mamaya!!"-sky

"Wag na nga kayong magreklamo! Hayaan nyo para naman sa grade toh"-trix
"Oo nga, ang ganda nyo kaya"-charm

Seriously, ang ganda naman kasi talaga nila!

"Mag umpisa na tayo ng matapos na to"-frost

Napatahimik kami at napatingin kay Frost na nasa gilid lang, kanina pa sya tahimik at walang imik. Tiningnan ko ang kabuuan ni Frost. Red yung kulay ng dress nya, nakasuot din sya ng black na mahabang wig na may red na headband pa. All red sya kaya litaw na litaw yung kaputian nya. Kawaii!

"Ang cute mo" biglang nasabi ko kaya napatakip ako ng bibig, ang daldal naman ng bibig ko oh!

Hindi na sya sumagot at dumiretso nalang doon sa may counter, buti nalang! Akala ko magagalit pa sya.

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon