CHAPTER 42

81.6K 2.5K 304
                                    


CHAPTER 42

Three weeks na. Tapos na ang compre namin at hinihintay na lang ang result. Three weeks ko na ring hindi nakikita si Gabe. Hindi ko siya nakakasalubong sa apartment. He's texting me pero hindi ako nagrereply sa kanya hanggang sa wala na akong text na natatanggap mula sa kanya.

Tatlong linggo na at miss na miss ko na siya. Ang sabi ng mga kaklase ko ay namamayat na raw ako. Mukhang hindi na naman daw ako nagkakakain katulad ng dati, kung kailan naman daw hindi araw-araw pumapasok at panay review lang ay doon pa raw ako namayat.

"Bar tayo Miru!" Tinawagan talaga ako ng kaklase naming si Maxene para lang sabihin ito. "Please don't say no this time. Tapos na ang compre."

"Tapos na ang compre at may result pa tayong hinihintay." I turned around and turned off the TV.

"Miru naman, don't be a killjoy. We all need a break from everything! Nag-aral tayong mabuti kaya kailangan natin ito. Please, please?"

"Gusto mo lang makasama si Kevin, e."

"Hindi, ah." Tanggi niya pero halatang-halata naman kasi na gustong-gusto niya si Kevin.

"Isasama ko si Kevin pati na rin yung dalawa." Nakangiti kong sagot. She's right, kailangan ko ng break. Kailangan kong makalimot. Ngayon pa na naaalala ko na naman siya dahil hindi na ako nagbababad sa pag-aaral. Tinapos ko na rin agad ang tawag nang masabi ko iyon. Masaya na siya na sasama kami nina Kevin. Great Kevin, may mabibiktima ka na naman mamaya. Max is a nice girl and deserves to be treated right and loved.

Nagshower na ako at naghanap ng isusuot sa cabinet ko. Nandito pa rin ang mga dress na isinusuot ko tuwing pumupunta kami sa mga bar ng mga kaklase ko noon until I stopped going with them at nagseryoso na nga sa pag-aaral. Ang huling punta ko sa bar talaga ay noong nakaraan. When Gabe and I shared a kiss. A damn hot kiss.

Fck Miru! Stop it! Ipinilig ko na lang ang ulo ko para mawala ang iniisip ko.

I wore a red dress that will show off my skin. I don't usually wear this kind of dress but, It made me feel like the most beautiful woman in the room. Pero ako lang naman kasi ang tao ngayon dito sa unit ko kaya talagang ako lang ang maganda ngayon, pero kapag kasama ko na ang iba ay tiyak na mukha na naman akong patatas sa gitna ng strawberry farm. Ipinilig ko ang ulo ko, naglagay ako ng kaunting makeup bago binasa ang text ni Erol. Malapit na raw sila at hintayin ko na lang daw sila sa baba.

Lumabas ako sa unit ko. Nakita kong naglalakad pabalik sa unit si Carissa. Hanggang ngayon ay kumikirot pa rin ang puso ko kapag nakikita ko siyang pumapasok sa unit ni Gabe. Ako ang dapat na labas pasok doon at hindi siya. Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil sa iniisip ko.

"Miru." Mahinang tawag nito sa akin nang lagpasan ko siya. Humarap ako sa kanya at napansin ko kaagad ang hindi mapakali nitong mga daliri.

"I... I'm sorry." Napalunok ako dahil hindi ko inexpect ang sinabi niyang iyon. "Kung kaya ko lang ibalik, sana hindi na lang din ako nagsabi sa kanya ng problema noon." Yumuko ito at kita ko kaagad kung paano bumagsak ang mga luha niya. Pansin ko na rin ang umbok sa tyan nito.

Napakagat ako ng labi ko at napapikit nang mariin.

"Hindi ka naman dapat magsorry, e. Wala naman kayong kasalanan sa akin." Tumingin ako sa unit ni Gabe. Hindi ko na siya nakikita simula noong lumipat si Carissa dito. "K-kung wala ka ng sasabihin aalis na ako." She took a deep breath and turned her face away.

"I... We were both heartbroken that time... And... and nagkakaintindihan kami---"

"Stop it." Mahina kong sabi sa kanya. "Shut it. I don't wanna hear it." Pinilit ko pang ngumiti. "You guys did that and I can't change that. I want you and the child to be happy."

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon