Chapter 48

57.2K 974 122
                                    

Janet's POV

"Mga sandamakmak kayong bobo!" gigil na sigaw ko. Hindi ko alintana ang mabalasik na tingin ng ilang pareha na mga mata sa akin, nangangalit ang mga mukha habang patuloy ako sa pagmumura sa kanila.

What can they do to me? kill me?!

Parang tinapon na rin nila ang ilang daang libong piso sa tubig kung papatayin nila ako. Mas tuso ako sa mga kriminal na nasa harapan ko, kaya ko silang paikutin sa mga palad ko, pasundin sa bawat utos at gusto kong mangyari hangga't wala pa sa mga kamay nila ang kabuuan ng bayad na pinangako ko sa kanila.

I know their weakness.

These hardened criminals only live and breathe for money, as long as they don't have their payment yet, I'm safe from them.

"Ilang ulit ko ng inutos inyo na huwag isama ang batang lalaki! Pero anong nangyari?! Sinama niyo pa rin mga tanga!"

"Isang mura pa ang maririnig ko galing sa bunganga mo, baka maunahan mo pa ang mag iina na makarating ng impyerno." a cold voice warned me.

Humarap ako sa nanakot sa akin, napataas ang isang kilay. He's the leader of the group and I almost sneered at him dahil sa kapangitan nito. Isang malaking katatawanan na ang pangalan nito ay Tisoy, maitim at sarat ang ilong nito na kahit saang anggulo ay pangit nitong tingnan. Malamang tinawag itong Tisoy bilang insulto sa kanya.

"At ano? kalimutan niyo na lang ang pinaghirapan ninyo?" I reminded him mockingly.

"Maraming paraan kung paano kami makakabawi sa pinaghihirapan namin." nakangisi na pinasadahan ako ng mata nito mula ulo hanggang paa na nanayo ang balahibo ko. Just thinking his ugliness near my face almost make me gag.

"Kunin mo yung dalawang plastic na nasa likod ng van." utos ko sa kasamahan niya at tumalikod kaagad ako para itago na naapektuhan ako sa sinabi nito.

Tinungo ko ang kuwarto kung saan nila pinasok ang malandi at ang mga anak nito. Madumi ang sahig at may masangsang na baho akong naamoy but the place is perfect for my plan. Ang abandonadong bahay na pinagdalhan sa amin ay nasa bulubunduking bahagi ng Antipolo, malayo sa kabahayan kaya walang may makakita at makakarinig sa kung anumang inangay na mangyayari sa apat na sulok ng bahay na ito. Ayun kay Tisoy, dito nila dinadala ang mga sinasalvage nila kaya malamang ito ang dahilan kaya mabaho ang loob ng bahay.

"Mga walanghiya kayo! mga hayup!!"

Hindi ako napansin ng malandi na nakatayo sa may pintuan, yakap ang dalawang anak nito na umiiyak habang nilalabanan ang dalawang tauhan ko para igapos siya sa upuan. Napangisi ako habang nanunuod sa kanila, taking pleasure of Cass' suffering, her face swollen and bruised at malala pa ang gagawin ko sa pinagmamalaki niyang magandang mukha after I finish with her.

I cursed her angelic beauty that I can't wait to ruin it.

How I enjoy the b*tch's reaction ng magkamalay ito kanina at nakita akong kasama nila sa loob ng van. Akala ng gaga na kinidnap din ako kasama nila na nag alala pa ito para sa akin. Her expression was priceless when I shrugged off her concern and told her nonchalantly that it was I, the brain behind their kidnapping and admitted to her na ako din ang may pakana sa pag ambush sa kanya nuon.

There's no need to drag Gio's name. I want Cass to fear me, to hate me na hindi ito matatahimik na sa akin mapupunta si Alex.

I loathe her so much na kailangan magdusa ito kahit sa kamatayan.

"Kill the girl kung pinapahirapan kayo." utos ko.

I heard her gasp and wrapped her arms fearfully to her two kids, kung pwede lang ipasok niya sa loob ng bulsa niya ang dalawang bata para protektahan ang mga ito, ginawa niya na.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon