CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2

2.9M 61.4K 210K
                                    

CHAPTER 220 : THE VENGEANCE

Who's back with a vengeance?

MAX'S POV

"MAXPEIN, let's go." Sinadya pa ni Maxwell na pasukin ako sa kwarto para sabihing aalis na kami.

Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nanatiling nakatayo sa harap ng bintana. Tahimik kong pinanood ang bukang-liwayway, mula sa dilim hanggang sa unti-unting magliwanag. Bagaman madilim ay marami akong nakita sa labas ng bintana, karamihan sa mga iyon ay puno. Animong pawang mga nakatingin sa 'kin at nakikiusap na tanggalin ko ang galit sa aking puso. Blangko ang isip ko pero parang napakaraming laman. Ang bigat ay nananatili sa dibdib ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na hanggang dito na lang ito.

You were there for me to love and care for me when skies were grey. Whenever I was down you were always there to comfort me. And no one else can be what you have been to me. You will always be the man in my life for all time...Chairman.

"Maxpein?" muling pukaw sa 'kin ni Maxwell.

Napabuntong-hininga lang ako. Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kumalat na liwanag. Madalang ko 'yong makita kaya nabibighani ako ngayon sa taglay nitong ganda.

You're always down for me have always been around for me even when I was bad. You showed me right from my wrong. And you took up for me when everyone was downing me. You always did understand. You gave me strength to go on.

Hindi ko malilimutan nang minsang sabihin sa 'kin ni Chairman kung gaano siyang namangha sa ganda ng bukang-liwayway. Natatandaan ko nang sabihin niya sa 'kin na dapat ko 'yong makita at mapanood maski isang beses lang.

There were so many times looking back when I was so afraid. And then you come to me and say to me that I can face anything. And no one else can do what you have done for me. You will always be the man in my life for all time.

Naramdaman ko ang paglapit niya. "Maxpein, let's go," halos pabulong na lang 'yong sabihin ni Maxwell nang tumabi siya sa 'kin.

Nang hindi ako kumibo ay tinanaw niya rin ang langit na siyang tinitingnan ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Nakita ko rin sa gilid ng aking mga mata nang lingunin niya ang pintong pinanggalingan. Saka siya gumaya sa posisyon ko, humarap siya sa bintana at tinanaw ang langit.

"What should I do, Hyung?" kunot-noong tanong ko.

"Huh?" natitigilang tanong niya.

"Ano sa tingin mo ang gagawin nila sa 'kin?" inosenteng tanong ko, hindi inaalis sa tinatanaw ang paningin.

Natigilan si Maxwell, naramdaman ko nang lingunin niya uli ako. "Nino?"

Napabuntong-hininga ako. "Napahamak si Chairman dahil sa pagiging iresponsable ko." May kung anong gumapang na lungkot sa puso ko. Umakyat 'yon papunta sa lalamunan ko at nagbara. Mayamaya lang ay nararamdaman ko na ang pagbabadya ng mga luha.

Mabilis siyang kumilos paharap sa 'kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata nang sapilitan niya akong iharap sa kaniya. Naramdaman ko ang mga titig niya sa 'kin, nararamdaman ko rin ang awa.

Pinakayuko ko pa lalo ang ulo ko at pinigilan ang maluha.

"Don't blame yourself because it is not your fault, Pein," bulong niya habang niyuyuko ang ulo at pilit na sinasalubong ang tingin ko.

"I could have done more, Maxwell." Nag-iwas ako ng tingin. Ang masakit na pakiramdam na 'yon ang bumabagabag sa 'kin. "Paulit-ulit akong naghahanap ng masisisi pero sa huli ay sarili ko ang nakikita ko. I have no one to blame but myself. It's all my fault, Maxwell. It is my fault."

HE'S INTO HER Season 3 | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon