Chapter 2: Mars and Venus

483K 12.8K 4.3K
                                    


Hailey's Point of View


"Go, Warren!"


Napatingin at pinagtawanan ako ni Piper, Tamara at Nate dahil sa pagsigaw ko. Mali kasi ang timing ng pagsigaw ko kasi nag-timeout pala 'yung kabilang team. Kahit medyo nakakahiya, ayos lang. At least dinig na dinig ni Warren 'yung cheer ko. Nangingibabaw.

Nang tingnan ko siya ay kumaway siya sa akin at nag thumbs up kaya itinaas ko rin ang dalawang kamay ko saka nag thumbs up.


"Hinay hinay naman, Hailey," pigil sa akin ni Tamara at hinihila ako paupo.

"Itong si Hails kung makapag-cheer akala mo naman sobrang seryoso ng game nila. Parang game lang naman sa college week nila 'yan," sabi naman ni Nate.


Napairap ako dahil sa sinabi niya. Kahit simpleng game lang 'to dapat ipakita ko pa rin ang suporta ko kay Warren. Para saan pa at pumayag akong maging cheerleader niya kung tutunganga lang ako sa tuwing naglalaro siya?


"Hindi ka lang supportive kaya ganiyan ka," biro ko kay Nate.

"Anong hindi supportive ang sinasabi mo? Sinusuportahan ko kaya si Tammy sa mga articles niya. Sinusuportahan ko rin si Warren kaya nandito ako ngayon. Sinusuportahan din kita kapag sumasali ka sa mga quiz bee. Sinusuportahan ko si Pipes sa pagpapart-time modelling niya. Sinusuportahan ko si Guevarra sa part-time job niya sa No Name. Sino ulit ang hindi supportive?"


Sabi ko nga siya na ang pinakasupportive.

Siya ng pala ang nag-encourage kay Tamara na tanggapin na ang offer.

Nang sinama naman niya si Pipes sa agency na pinagpapart-time-an niya as an amateur photographer, natuwa 'yung isang scout manager kay Pipes kaya kinuha siya as a model. Pumayag si Pipes kasi hindi naman kalakihan 'yung agency na kumuha sa kaniya kaya chill lang siya. Experience na rin daw.

Noong nagkakaroon din ng conflict sa schedule ni Hunter sa café ni Tita Cass, si Nate din ang nag-suggest na sa No Name na lang siya pagtrabahuhin as a musician para maluwag ang sched at wala ng conflict. Marunong naman tumugtog at kumanta si Hunter at nasa legal na edad na siya kaya tinanggap siya ni Tito Ry sa No Name.


Gusto ko pa sanang pumalag para lang hindi siya mabigyan ng satisfaction kaya lang alam ko naman na totoo 'yung mga sinabi niya kaya huwag na lang. Baka mapahiya na naman ako ngayong araw. Once is enough sabi nga nila.

Napatingin ako kay Pipes na salit salit ang tingin sa game at sa phone niya. Ang creepy man pakinggan pero pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya nang bigla na lang siyang ngumiti habang nakatingin sa phone niya. Automatic na napasiko ako kay Tamara nang makita ang pagngiti ni Pipes. Si Tamara ang siniko ko pero pati si Nate napatingin.


Tumango ako sa side ni Piper kaya napatingin ang dalawa at naintindihan na agad nila ang gusto kong iparating.


"May ka-text," nangingiting bulong ni Tamara.

"Oo nga. Halata."

"Si Hunter 'yan malamang," sabi naman ni Nate.


Pinanlakihan namin siya ng mata ni Tamara bilang signal na kunin niya ang phone ni Piper kaya lang ay umiling siya sa amin.

The Relationship CodeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon