Chapter 3 [Meet the Parents - Part 2]

4.9K 113 0
                                    

Bea's POV

"Come on Anya! Let's get inside!" narinig kong pagtawag nya saken. Wala sa sariling napalingon ako sa gawi ni J.L.

A-ANYA? Did he really called me by my firstname?

No one in this world even my Mom and Dad, dare to call me Anya dahil nagagalit talaga ako nagiging super sayan ako eh! hehe medyo lang naman.

Basta I hate Anya.... di ko kasi gusto ang first name ko. Hindi ko kasi trip, parang hindi pambabae, I don't know why my parents named me that.

Ugh, kung pwede ko lang baguhin ang birth certificate ko ng walang maaapektuhan edi ginawa ko na.

Pero infairness, nagulat ako sa sarili ko. Parang may magic kasi nung tinawag ako ni J.L na Anya, ni hindi man lang ako nagalit.

Napahawak ako saking dibdib. Wala talaga akong makapa kahit ni katiting na galit sa itinawag nya sa akin.

My Ghad! Anya Anyareh??

Bakit ang pag ang lalaking yan ang nagsasalita parang natitimang ako?

Tila nawawala ako sa aking sarili. Nag-iiba ako.

Teka, ako pa ba si Bea?

Iniwanan nya ako nang walang lingon likod, walang pakialam na nagpatiuna sa loob.

Napasimangot ako. Ang walang hiya iwan daw ba ako sa hindi pamilyar na lugar? Hindi ko naman bahay to no?!

Sa takot ko na maligaw sa malaking bahay na ito ay mabilis ko siyang hinabol baka kasi mawala ako sa laki ng mansyon nila! Hula ko nga madaming pinto dyan sa loob parang yung mga napapanuod ko sa mga movies kapag sobrang laking mansyon ang bahay eh madaming pinto.

Sa bahay kase namin ayaw ni Mommy ng mga ganun, paano na lang daw kase kapag tinawag sya ng kalikasan edi nahirapan pa daw syang hanapin yung restroom sa dami ng pinto, Oha! may kakaibang prinsipyo talaga sa buhay ang Mommy ko.

Pagkapasok namin sa may living room nakita ko yung iba't-bang displays na nasa shelves napatingin ako sa mga taong nasa salas at nagtaka ako bakit ganun ang tahimik ng atmosphere nila di ba kami welcome dito?

"Jacob what's the meaning of this?" Hala galet! Sino kaya siya?

Hinawakan bigla ni J.L ang kamay ko. I felt a little dizzy. Buntis na yata ako chos!

Hay naku Bea! Anong feeling mo isa kang sang'gre?!

Wag ka ngang ilusyunada te!

"My Fiancée!" he was serious that time, masarap sa pandinig yung sinabi nya feeling ko nagkantahan yung mga anghel, tiningnan ko sya ulit. Damn ang gwapo pa din nya kahit seryoso siya.

Why so kinikilig ako? Feel na feel ko na agad yung sinabi nyang Fiancée nya ako, grabe nagbaba-blushed ang mukha ko.

Ramdam ko rin yung biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko shet!

Why so landi heart?!!

Wag ka ngang masyadong mabilis tumibok dyan baka ma-heart attack ako bawas bawas mo ng konte yung lande mo!

"Are you really out of yourself Jake?!" Hala nagalit na talaga si Kuya, kawawa naman ang J.L ko. Grabe sya magsalita, hindi ba sya masaya na may lovelife ang kapatid nya?

Lovelife talaga?!

Eh wala nga kayong relasyon nitong si J.L kung makapagsabi ka ng lovelife wagas!

Hay! Bakit ba lagi nalang may kumokontra sa isip ko?

"No!" Palaban pala talaga sya.

"Then what's this huh?!" Kung sa fairytale my wicked witch mother si Snow White, sa story ko naman may wicked brother!

BRIDE FOR HIREWhere stories live. Discover now