Gotta Have Her (33)

233 5 0
                                    


Nakabihis na si Kimberly at nakahanda narin ang mga dadalhin nya. Kumain sya ng umagahan at inaantay nalang si Josh dumating.

"Saan ba kayo pupunta?" Tanong ng ina.

"Secret daw po Ma eh, hindi ko rin alam."

"Graduation nyo na bukas at--

"At aalis narin sya bukas. Alam ko ma." Biglang nalungkot si Kim. Nilapitan sya ng Mama nya at niyakap sya nito.

"Magpakasaya kayo ngayong araw. Sulitin at wag ng magAway, cherish the moment together."

"Wow Ma, english?" Nakangiting sabi ni Kim.

"Just because I'm thrice your age, doesn't mean I don't know how to speak english my dear." Natawa si Kim sa ina ng makita nyang nasa labas na si Joshua.

"Nandito na sya Ma, ingat ka dito ah? Text or tawagan mo ko agad pag may nangyari okay? Wag kanang maglaba ako ng bahala dyan sa sabado. Pramis?"

"Fine fine, promise. Now go!" Nagflying kiss si Kim at tumakbo na palabas ng bahay nila.

"Ready?"

"Ready." Hinawakan nya ang kamay ni Joshua at ngumiti.

Kinuha ni Joshua ang phone nya at may tinawagan ito. Mayamaya may dumating na kotse sa harapan nila at kulay pula ito.

"Wow. Ano to rent? Pwede naman tayo magcommute eh, tsaka may alam ak--" Naputol ang sasabihin ni Kim ng may lumabas sa loob ng kotse na nakasuit at pinagbuksan sila ng pinto at tinawag na "Master" si Josh nung lalaki.

"Master??" Tumingin sya kay Joshua at nginitian lang sya nito.

"Pasok na." Pilit na pinapasok nya Kim dahil puro tanong na ito. Pagkasakay nila tsaka ulit nagsalita si Josh.

"Paul, bulacan tayo."

"Yes Master." At pinaandar na ni Paul ang sasakyan at biglang sumarado ang harang para hindi sila makita ng driver sa backseat. Hahalikan na sana sya ni Joshua ng magsalita si Kim.

"Wait wait wait....Master? Bulacan? At itong kotse? Pati si Paul? Bulag ba ko all this time o talagang magaling kalang talagang magtago na tunay na identity mo... Master?" Natawa si Joshua sa madaldal nyang girlfriend kaya sinabi na nya ang totoo.

"Okay, may kaya ang pamilya nam--"

"No no no no rephrase that. Hindi may kaya, sa itsura ng kotse nato at ng nakasuit na si Paul at ang tawag sayo ay Master, hindi lang 'may kaya' ang tawag dun. Mayaman kayo Josh. Mayaman which is hindi halata sayo dahil normal kalang manamit."

"Mageexplain ako o ikaw ng magtutuloy?"

"Ikaw. Continue." At nagcrossed arms si Kim.

"CEO ang daddy ko, at First lady si mommy. Si Ate? MayAri sya ng toystore sa California at New York. Ako? simpleng magaaral lang ng Annex Highschool. The end."

"Simple? E itong kotse? Pati si Paul?"

"Si Paul ang personal guard ko. This car is mine. Pabirthday sakin ni Papa last week." Nanlaki ang mata ni Kim at humarap kay Joshua.

"Birthday mo? LAST WEEK!?"

"Um...Oo?" Hinampas sya agad ni Kim sa legs at nagwawala sa loob ng kotse.

"BA'T DI MO MAN LANG SINABI SAKIN?! NAGBIRTHDAY KA NG HINDI KO ALAM! HOW COME NA-- WAIT LAST WEEK? MEANS....OMG NUNG COSTUME PARTY! BIRTHDAY MO NUN AT WALA KANG SINABI?! Wala akong kwentang girlfriend! Wala!!" Pinaghahampas ni Kim ang sarili sa sobrang inis ng yakapin sya ni Joshua.

"Sinuot mo yung costume na Fiona kahit ayaw na ayaw mong maging si Fiona dahil ayaw mong maging Ogre, hindi ka umalis sa tabi ko kahit ang tagal nating naghanap ng costume, pinagantay kita sa pila pero hindi ka nainis sakin, magkasama tayong pumunta ng party as Shrek and Fiona and at the end of the day, kasama kita buong araw. Now tell me, isn't that the best gift you'd ever receive on your birthday? Ang makasama ang pinakamamahal mo buong araw? At nakasayaw pa nga kita first dance natin yun. Kaya tumigil kana sa pananapak mo sa sarili mo kasi naging masaya ako nung araw na yun okay?"

"Kahit na."

"Tamo to. Ang haba ng sinabi ko tapos yun lang masasabi nya."

"Girlfriend mo ko. Sana sinabi mo."

"Bat kasi hindi mo alam?" Nagglare sakanya si Kim.

"Osige. Kailan birthday ko?" Tanong ni Kim sakanya at nagcrossed arms ito.

"May 27,1999"

"Anong favorite color ko?'

"Blue, not just blue but sky blue."

"Who's my favorite cartoon character?"

"Spongebob."

"Sino crush ko?" Nagsalubong ang kilay ni Josh sa tanong ni Kim.

"May crush ka?!"

"Ha! See, meron ka paring hindi alam sakin."

"Sino crush mo?"

"Joke lang wala kong crush. Bat ikaw wala kabang crush?"

"Wala. Well, dati meron pero girlfriend ko na sya so, yung girlfriend ko ang crush ko." Napangiti si Kim at pinisil ang pisngi ni Josh.

"Mamimiss ko yang pagbanat mo sa mga tanong ko." Hinila sya ni Josh at niyakap sya.

"Mamimiss ko rin pagiging madaldal mo princess." Ngumiti si Kim at tiningnan ulit si Joshua.

"So, bulacan?"

"Yep."

"Anong gagawin natin dun?"

"Secret. Matulog ka muna kung gusto mo dahil malayo layo pa tayo. Hinalikan ni Joshua ang mata nito at sya namang niyakap sya ni Kim at natulog na ito.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon