Wedding Bells

2.8K 71 7
                                    

This is a ViceRylle One shot based on the song "Wedding Bells" by Nick Jonas

----------------------------------------------

Kasalukuyang kumakain ang Team Vice at si Vice sa isang restaurant sa Quezon City. Nagkukwentuhan sila tungkol sa mga naganap noong shooting ni Vice para sa Girl Boy Bakla Tomboy. Biglang binago ni Buern ang usapan.

BUERN: Meme, nasight mo na itey?

VICE: Alin?

BUERN: Ito oh (inabot kay Vice ang phone)

VICE: (reads) "Singer-Actress-TV Host Karylle and band vocalist Yael Yuzon, set to tie the knot on March next year..."

ARCHIE: Ikakasal na si Ms. K?

VICE: Tsismis lang yan. Di pa nagsasabi sa'min si Karylle.

BUERN: sabi dito, from a reliable source daw.

VICE: "Dalian nyo na yung pagkain nyo. Kailangan ko na umuwi. Pagod na ako."

ARCHIE: *whispers* "Hayaan mo na Buern. Dapat kasi hindi mo nalang pinabasa."

BUERN: "Nakita ko lang naman ee..."

ARCHIE: "Baka chika lang yan. Wala pa naman daw confirmation from Ms. K."

Natapos na silang lahat kumain. Umuwi na sila sa mga condo nila at si Vice naman sa bahay nya sa Q.C. Inaantok na sya pero hindi pa rin sya makatulog dahil sa kakaisip ng mga nabasa nya kanina.

Kinabukasan, dumating si Vice sa studio ng Showtime. Normal day lang din. Harutan with Billy and Vhong, chikahan with Anne, kulitan with the other hosts. Natapos na ang isang masayang episode ng Showtime. Nakita ni Vice si Karylle. Kakausapin sana nya ito pero...

KARYLLE: *smiles* "Vice, pauwi ka na ba?"

VICE: "Hindi pa naman. Bakit?"

KARYLLE: "Tara sa lounge. May sasabihin ako sa'yo." *holds Vice's hand*

VICE: *in his mind* "Hayy... Sa simpleng damoves mo, naiinlove ako lalo..."

Nagpunta si Vice at si Karylle sa lounge. Naupo sila sa sofa. Nagtataka si Vice kung bakit sya kakausapin ni Karylle.

VICE: "Ano yung sasabihin mo, K?"

KARYLLE: "I know it's a rush but I just love him so much. I hope that you could meet Yael soon."

VICE: "Ano yung masyadong mabilis?"

KARYLLE: "Okay. Ikaw ang unang makakaalam... Yael and I are getting married!"

Nabigla si Vice sa narinig nya mula kay Karylle. Ayun na nga ang bagay na kahit kailan ay ayaw nya marinig. Those words broke his heart into pieces.

KARYLLE: "Huy Vice! Okay ka lang? Natameme ka dyan..."

VICE: "Okay lang ako. Una na ako ha? May... May pupuntahan pa ako... Shooting... Oo, shooting. Bye na."

Naglakad na paalis si Vice. Nagmamadali sya. Gusto nyang makaalis agad dahil pakiramdam nya, hindi na sya makahinga sa lugar na iyon. Dahil doon,hindi nya napansin na binati pala sya ni Billy. Dire-diretso lang sya hanggang sa makaalis na sya sa ABS CBN.

BILLY: "Anyare dun?"

KARYLLE: " May shooting pa daw sya."

BILLY: "Ha? Tuesday and Thursday lang daw ang shooting nya this week. Wednesday ngayon ah."

KARYLLE: "Baka nagbago ang sched. Baka tinawagan sya ni Direk."

Nakauwi na si Vice. Naririnig nila Buern at Archie ang kalabog mula sa kwarto ni Vice. Nag-aalala na sila kaya pinuntahan na nila ito.

ARCHIE: *knocks* "Meme! Anong nangyayari dyan?"

BUERN: "Papasukin mo kami."

VICE: "Wag nyo 'kong pakialaman! Hayaan nyo na ako!"

ARCHIE: *knocks louder* "Vice! Papasukin mo kami!"

BUERN: "Nag-aalala na ako dyan kay Meme. Tawagan ko na kaya si kuya Babot?"

ARCHIE: "Nasa La Union pa sya. Si Billy nalang. Baka sakaling makinig 'to."

BUERN: "Sige."

Tinawagan na ni Buern si Billy. Ilang sandali pa ay dumating na si Billy at si Vhong.

VHONG: "Anong nangyari?"

BUERN: "Si Vice. Nagwawala na yata doon sa kwarto nya. Ang dami nang nababasag."

Umakyat na sila Billy at Vhong papunta sa kwarto ni Vice. Kalmado at tahimik na. Kumatok sila at nabuksan naman ang pinto. Bumungad sa kanila ang magulong kwarto ni Vice. Maraming bubog, magulo ang gamit at nagkalat ang mga basyong bote ng beer sa sahig.

BILLY: "Bestie?"

VHONG: "Vice, kami 'to. Sila Billy at Vhong."

Naglakad sila at nakita nila si Vice na nakasalampak sa sahig, umiiyak. Nilapitan nila ito at kinomfort.

BILLY: "Bestie, ano'ng problema?"

VICE: "Napakatanga ko. Bakit ganon? Kung kailan ready ka nang umamin, tsaka naman mas lalong naging imposible."

VHONG: "Ano ba ang nangyari, Vice?"

VICE: "Buwisit naman kasi 'tong pusong 'to e! Bumalik pa sa pagiging lalaki. Bakit kasi hindi nalang tanggapin na, wala talagang magmamahal! Lalaki, sasaktan ka. Kapag babae naman ang minahal mo, masasaktan ka pa din. I don't deserve to live anymore."

BILLY: "No, mali yan, Vice. Everyone deserves to live."

VICE: "Ayoko na. Ayoko nang magmahal ulit. Wala na naman akong makikitang katulad nya, di ba?"

VHONG: "Teka muna, Vice. Sino ba kasi topic natin dito?"

VICE: "Si Karylle. Ikakasal na sya kay Yael."

BILLY & VHONG: "What?!"

VICE: "Oo, sinabi nya sa'kin kanina."

VHONG: "Siguro, hindi talaga sya ang para sa'yo."

VICE: "No! I don't want to love anyone else if it's not her."

Kinausap at pinayuhan pa nila Billy at Vhong si Vice. Kalaunan ay napakalma na nila si Vice.

Three months later, araw na ng kasal nila Yael at Karylle. Nandoon ang lahat ng mga kaibigan at pamilya nila.

PRIEST: "I now pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride."

Nagpalakpakan ang mga tao at hinalikan na ni Yael ang kanyang misis. Nung reception, inattendan muna ni Yael ang kanyang mga kaibigan kaya naman si Karylle ay pinuntahan ang mga Showtime hosts.

HOSTS: "Congrats K!"

KARYLLE: "Thank you guys! Ahm... Where's Vice? May balita na ba kayo sa kanya?"

VHONG: "Wala pang communication since December."

BILLY: "Pero he sent a letter for you."

KARYLLE: "Thank you."

Lumabas sandali si Karylle upang mabasa ang liham mula kay Vice. Naupo sya sa isang bench sa garden.

Dear Karylle,

Kamusta? Sorry if bigla nalang akong nawala. Anyway, I just want you to read this message. Ikaw na ang huli kong makakausap from Showtime family. I'm here in US with Nanay. Hindi na ako babalik dyan. Wala na akong babalikan e. Nightmares na lang ang meron dyan sa Pilipinas. I just want to say thank you for the memories. Thank you sa ViceRylle. Thank you for proving to me that bakla na talaga ako. I can't be a man anymore kasi I can't love someone the way I loved you. I'm happy for you and Yael. Sana hindi ka nya sasaktan at sana siya na talaga ang taong para sa'yo. Congratulations Mrs. Ana Karylle Tatlonghari Yuzon.

- Vice Ganda

Nabasa na ni Karylle ang sulat ni Vice. Hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Tumingin nalang sya sa nag-iisang butuin na nasa madilim na kalangitan.
KARYLLE: "I'm sorry, Vice..."

The end

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon