CHAPTER 18

1.6K 20 9
                                    

Dedicated to Lee__Miyaki dahíl yung ILYBYLH yung unang story na nabasa ko dito sa wattpad na sinađya ko pa dahil nakarelate ako, sobra. ;)


** Goodbye? **


Ang sakit ng ulo ko hanggang ngayon. Ulo nga lang ba? Okay fine pati puso. Hindi ko pa rin lubos na maunawaan at mapaniwalaan na totoong nangyari ang lahat kagabi. Akala ko panaginip lang pero putek hindi, totoong-totoo ang lahat. Damn that feeling.

Nasa school ako ngayon para ipasa ang aming huling requirement sa academic year na ito bago kami makagraduate. Successful naman ako sa paggawa nito at nairaos ko rin ng matino ang defense. Isa na yata ito sa pinakamahirap na parte ng pagiging high school student, ang gumawa ng thesis-like paper. Maraming estudyante sa eskwelahan ngayon dahil na rin sa kani-kanilang concerns. Meron pa nga kaming practice ng graduation mamayang hapon.

Nakita ko nga pala si PJ kanina at alam kong nakita niya rin ako. Ewan ko ba sa nilalang na yun at parang naiilang lumapit kaya ayun! Sa ibang direksyon nagpunta. Di bale na, magkatabi naman kami sa practice mamaya.

*****

Sa practice...

Wala akong ginawa kundi lumingon ng lumingon. Nasaan kaya yung PJ na yun? Nagstart na kasi yung practice pero wala pa rin sya.


"Pssst oy Jamilah! Nakita mo ba si PJ? Alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ko kay Jamilah. Hindi pa naman kasi nagsisimula yung practice.


"Ayiee bakit mo hinahanap?" Aba loko 'to ah. Intrigerang bata.

"Sa malamang na kasi wala pa po siya." Sagot ko naman.


"Sungit naman nito! Nakita ko siya kanina pero ewan kung nasaan siya ngayon." Sabi na lang niya.

"Ahh ganun ba. Sige thank you!" Sabi ko na lang at bumalik na ko sa pwesto ko.


Nasaan kaya yung lalaki na yun? Bahala nga siya. Napakaboring ng practice na ito kaya nagkukunwari lang ako na nakikinig sa mga pinagsasabi nila.


*poke poke*

"Miss mo ko no?" Sabi ng epal na tao.


"Sino ka ba para mamiss ko?" Pagsusungit ko.


"Sungit naman nito! Ilang araw lang tayong hindi nagkita kinalimutan mo na ko." Natatawa niyang sabi.


Okay fine tinignan ko na 'tong nilalang na ito at halimaw nga naman na pagkakataon! Katabi ko na pala tong PJ na ito.


"O? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong niya.


"Bakit kasi ngayon mo lang ako kinausap? Akala ko kasi umiiwas ka eh." Pagtatampo ko kunwari.


"Bakit naman ako iiwas?" Patay-malisya niyang tanong. Kaasar.


"Malay ko sayo." Wala na akong masabi.


"Tsk." Yan lang ang narinig ko sa kanya.


"Thanks nga pala sa chocolates ha?"


"Wala yun. Paulanan pa kita nun eh." Yabang neto.


"Sige nga!" Hamon ko sa kanya.


"Saka na lang pag mahal mo na ko."


"Ano kamo?" Ano raw?


"Ang ganda mo kako!" Sigaw niya.


My Forbidden Love [Completed]Where stories live. Discover now