CHAPTER 43

77.9K 2.2K 181
                                    

CHAPTER 43

Pareho kaming naka-slouch ni Gelene sa sofa. Kakatapos ko lang ikwento sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo. Ilang beses ko siyang narinig bumuntong hininga at tingin ko ay pinag-iisipang mabuti ang sasabihin niya sa akin. Hindi naman ako humihingi ng payo, gusto ko lang talaga ng taong makikinig sa akin.

"He's a good guy." Dagdag ko pa.

"He is." Mahinang sagot naman ni Gelene sa akin. "Kaya lang hindi nag-swak yung timing ng pagkakakilala niyo." Tumango ako dahil totoo naman kasi. Kung mas nakilala ko lang ng maaga si Gabe baka napigilan ko siya kaagad sa mga ginagawa niya. Pero hindi rin siguro. He was still in love with Carol that time kaya imposible ring magpansinan kami ng mga panahong iyon.

"Tuwing natatapos ako mag-aral lagi akong umiiyak. Hindi na nga yata ako makaiyak." Mapakla akong ngumiti. Umupo ito ng maayos at niyakap niya ako. It feels good na may babae rin na pinagsasabihan ng problema. Thankful din naman ako na nandoon sina Kevin pero iba pa rin kung babae ang nakikinig sa akin.

"You're so strong, Miru. Sana nga ganyan din ako. You did the right thing." She said while tapping my back. "Kung hindi man option ang kasal para kay Gabe, at least nabibigyan mo rin siya ng time para mag-isip. Feeling ko kasi ikaw naman ang masasaktan ng sobra kung ipagpapatuloy niyo ang mayroon kayo. Though, nasasaktan ka na ngayon pero tingin ko may karapatan ka naman kay Gabe." Lumayo ito sa akin at tinignan ako sa mga mata ko. "Choice mo 'yan kung ipaglalaban mo ba siya o kung hahayaan mo lang siyang masaktan mag-isa? You see, you're both hurting naman na. So, bakit hindi niyo pa damayan ang isa't isa? Para sa akin..." Alanganin siyang tumingin sa akin "sa akin lang 'to, ah. Ayos naman sa akin kung may anak na. Kung mapapanindigan naman niya ang relasyon niyo at ang pagsuporta sa bata, why not? Buti nga nilinaw niya na hindi siya magpapakasal kay Carissa." Sabi pa nito. Well, yes. He clearly stated that marriage isn't an option to them.

Huminga ako nang malalim bago tumayo.

"Oh? Bakit?" Naguguluhang tanong sa akin ni Gelene. Napakagat ako ng labi ko at tumingin sa pintuan.

"Uuhhh, lalabas lang." Nginitian niya ako matapos ko iyong sabihin. "W-wala naman akong gagawin." Sabi ko pa.

"Wala naman akong sinasabi." Nakangiti pa rin itong nakatingin sa akin. "And I won't ask any further.  just do what you have to do."

." Lumabas na ako kaagad ng unit ko after niya iyong sabihin sa akin.

Muli ay huminga ako nang malalim at tinitigang mabuti ang pintuan sa unit ni Gabe. Kinakabahan ako. Natatakot ako na baka mamaya ay mali pala ang gagawin ko. Kumatok ako nang tatlong beses at naghintay na bumukas ang pinto.

Umatras ako at napabuga ng hangin. Dahan-dahang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang mukha ni Carissa. Hindi niya binuksang maigi ang pinto at para bang nakahawak lang siya rito bilang suporta. Mukha siyang may sakit ngayon.

"H-hi." Akward na bati ko sa kanya. "Si Gabe?" Hindi ko malaman kung ngingiti ba ako o huwag na lang.

Umiling ito at malungkot na sumagot "Hindi kasi siya umuuwi rito simula noong nandito na ako." Seryoso? Hindi siya umuuwi? Kahit papaano ay natuwa ako sa narinig ko pero at the same time ay nalulungkot ako para kay Carissa. Responsibilidad siya ngayon ni Gabe dahil may magiging anak na sila.

"K-kung makita mo sana siya, pasabi naman na may importante akong sasabihin." Ang putla ng mga labi niya. Parang may hindi tama.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya at tumango naman ito bilang tugon.

"I'm fine." Nakangiti nitong sabi. "Pasensya na kung nagre-request ako. I'm sure Gabe won't pick up his phone kung ako ang tatawag." Nginitian pa niya ako. "And Miru, I don't plan to marry him." Yumuko ito at hinawakan ang umbok sa sinapupunan niya. "I just want him to support our child. Gusto ko lang na makilala ng bata ang ama niya. Hindi ko naman sinasadyang masira ko ang mayroon kayo." Narinig ko ang paghikbi nito kaya alam kong umiiyak na siya.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon