Chapter 4

972K 9.4K 802
                                    

"Atey, welcome to this company! Finally, after a long stresssful process nandito kana!" Niyakap ako ni Rome nang mahigpit.

He was the one touring to our department. Buti na nga lang pareho kami kasi kung hindi, mahihirapan ako mag-adjust. Hindi rin kasi ako sanay magtrabaho talaga.

"Sana ma-enjoy mo siya katulad ko na nasisiyahan sa mga gwapo dito!" Kinikilig pa na sabi nito.

"Kasama si Mr. Esqueza?" taas-kilay kong tanong.

Hinampas niya ako ng marahan. "Gaga! Hindi no, he's out of our league. Wala time ang mga ganoon kayaman at gwapo sa karaniwang tao na katulad natin!"

I bit my lip. He was right. Bakit ko nga ba nasabi iyon? Halata naman na hindi kami level ng pamumuhay. Kahit na sabihin mong may business kami dati, ang layo parin ng pagitan. Parang siya nasa Presidential level tapos ako SK lang. 

"Oo nga pala ito iyong desk mo," turo ni Romeo sa table na parang premyo sa isang TV game show. "Tapos iyong katabi mong babae na hindi masyado kagandahan ay si Rose."

Tumigil iyong Rose at inayos ang salamin bago binigyan ng isang irap si Romeo. "Baklang ito! Manlalait muna, maganda kaba?"

"Compared to you, yes," taas-noont sagot ni Romeo.

"Tse!" Tumayo na si Rose at nginitian ako. She was looking up at me kasi mas matangkad ako sakanya kahit naka-heels na siya ng mataas. "Welcome to the purgatory!" Nilahad nito ang kamay saakin.

I was taken aback. "Purgatory?"

Her mouth fell open. "Hindi mo pa nami-meet si Mr. Zachary Levi Esqueza?" She crossed her arms and sat on her desk.

Romeo pushed me to sit on my chair. "She already did Rose, chismosang ito! O siya, balik na sa trabaho bago nanaman ako mapatawag sa itaas at maihi na ako sa salawal ng tuluyan!"

Tatawa-tawa naman si Rose na bumalik sa ginagagawa. Si Romeo naman pumunta na sa desk niya, buti nalang isang desk lang ang namamagitan saamin. Wala pang tao sa desk na nasa gitna namin dalawa kaya nagsisilipan kami palagi. Inikot ko ang mata ko, they were all busy and working so hard. Si Rose lang ata ang nagbigay ng atensyon saakin dahil kaibigan din ito ni Romeo.

Sino ba naman ang makakapansin saakin? I was an average woman. I'm not even sexy, payat nga ang katawan ko e, lalo na ngayon na wala na nagluluto ng ulam saakin mas lalo humupak ang mukha ko. My face was pale and my hair was almost thin because of stress lately. Halos lahat ng parte ng bahay may mga buhok kong nalalagas.

It was an hour before lunch. Wala parin akong ginagawa, so I'm just familiarizing myself with the computer infront of me. Panay ang hinga ko ng malalim habang nakapalumbaba.

"You're doing great, sweetie," asar saakin ni Rose.

Tinawanan ko siya. "Ganito ba talaga kapag unang araw dito?"

She shook her head. "First day ko parang sasabog iyong utak ko sa dami nang gagawin. Pero baka busy lang ang mga leader sa taas kaya wala pa nag-a-assist saiyo."

Thirty minutes before lunch. Tumutunog na iyong tiyan ko. Nag-break naman kami kanina pero hindi ako kumain dahil wala din akong gana this week. Kaya ngayon ko naramdaman iyong pagsakit ng tiyan ko.

"Irisian Marie Villafuente?"

I straightened up. "Yes?"

Bumungad saakin ang isang lalaki na naka-formal attire, he was holding a tons of documents na halos matabunan na ang bibig niya sa dami.

"Sir Adrian, para saamin ba iyan?" tanong agad ni Rose sa tabi ko

I was still clueless what's happening. Boss din pala itong nasa harap ko. Nausog nalang ako sa kinauupuan ko nang hindi nito sinagot si Rose at pinatong ang sandamakmak na papel sa desk ko. Napalunok ako kasabay ang pagtunog ng tiyan ko.

Arranged Marriage To My Boss (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon