CHAPTER 44

82.6K 2.8K 764
                                    

CHAPTER 44

Kanina pa may mga tinatawagan si Gabe kaya hindi namin siya makausap. Nandito nga lang kami ni Oliver ngayon sa ospital at hinihintay ang findings kay Carissa. I hope she's fine.

"Naguguluhan ako, ano bang nangyari?" Kanina pa hindi mapakali si Oliver at palakad-lakad samantalang ako ay nakaupo lang at naghihintay.

"Buntis si Carissa at si Gabe ang ama." Bakas sa mukha nito ang matinding pagkagulat bago 'to umupo sa harapan ko. "And I saw her earlier. Kinausap ko pa nga. I asked her kung gusto niyang samahan ko siya sa ospital but she declined and told me she's fine." Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay kasalanan kong hindi ko siya sinamahan kaagad. What if may mangyari sa baby? Paano kung malagay sa panganib si Carissa?

"Huwag kang umiyak." Pinunasan ni Oliver ang magkabilang pisngi ko. "Tinulungan mo siya kaya nga nakahabol tayo, diba? She'll be okay, the baby will be okay." Tumango ako bago ko ipinikit ang mga mata ko. She'll be fine. She must be.

Agad na bumitaw sa akin si Oliver nang lapitan na kami ni Gabe. Umupo ito sa tabi ko at ipinikit ang mga mata niya. Mukha siyang pagod na pagod bigla.

"Thank you." Bulong nito sa amin. Ilang minuto kaming hindi nagsasalitang tatlo.

"You!" Mabilis akong tumayo at ganoon din si Gabe dahil sa pumukaw ng atensyon namin.

"Dad." Galit na lumapit ito sa akin at malakas na sinampal ako.

Hawak-hawak ko ang pisngi ko habang nakatingin lang sa kanya. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Mabilis akong tinakpan ni Gabe dahil sa ginawa ng ama niya.

"Dad, what the hell was that?!" Ramdam ko ang pagkainis sa boses ni Gabe. Bigla na rin pumatak ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Sir with all due respect, wala po kayong karapatan na saktan si Miru." Lumipat ang tingin ni Mr. Rodriguez sa kasama naming si Oliver. "Ni minsan ay hindi siya pinagbuhatan ng kamay ng mga magulang niya. She's a princess to them pero ganon na lang kung saktan niyo siya? Anong karapatan niyo?"

"Shut up. Ipinaramdam ko naman sa kanyang ayaw ko sa kanya para sa anak ko pero nandito pa rin siya?" Yumuko ako at pinipigilan ang pagluha ko. "Gabe naman! Are you even thinking? What about Carissa? You almost lost her! Parating na dito ang mga magulang niya... anong sasabihin ko sa kanya na pinabayaan ko siya?"

"Dad, si Miru ang nagligtas sa kanya. Si Miru ang nagsabi sa akin na mukhang may nararamdaman si Carissa. Now tell me, mali ba ang ginawa niyang pagtulong?" Humawak na ako kay Gabe para patigilin siya dahil baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. "Dad, hindi pa nga tayo sigurado kung akin nga yung bata. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko siya gagalawin. Kasi parang kapatid ko na rin siya. Pero kahit ganon, inaako ko yung responsibilidad na 'yun. Kasi akin man o hindi yung bata, si Carissa pa rin yan. Kaibigan sila ng pamilya natin. Nirerespeto."

"Sir," Umalis ako sa pagkakatago sa akin ni Gabe sa likod niya. Hinarap ko ang si Mr. Rodriguez kahit pa halatang ayaw niya akong makita. "Aalis na po ako." Iyon lang ang sinabi ko sa kanya bago ko sila iniwan ni Gabe. Alam ko naman. Susubukan ko lang naman sana kung pwede pa pero dahil nangyari 'to, hindi na. Alam ko naman ang lugar ko.

"Miru," Tawag sa akin ni Gabe pero hindi ko siya nilingon. "Angel---"

"Pare mas okay siguro kung huwag muna ngayon. Below the belt na 'yung daddy mo kanina kaya sana naman tigilan mo muna si Miru. Ayusin mo muna yang sa inyo ni Carissa." Muli akong naglakad at iniwan sila. Pakiramdam ko kasi ay unti-unting pinipiga ang puso ko.

Sana naman huli na 'to. Sana tama na 'to. Kasi ayokong nakakaramdam ng sakit. Ayokong nakakasakit. Ayokong nahuhusgahan.

"Angel," Pinigilan ako nito at iniharap sa kanya. "I'm sorry." Ngumiti ako at pinunasan ang luha na tumulo na naman sa mga mata ko.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon