Chapter 31 (August 12, 2011)

1.2M 15.5K 2.2K
                                    

DATE POSTED: August 12, 2011


Chapter 31

Tuwang tuwa si Elisa sa mga nangyayari.

"You are ssssoooo great Philip!" sabi niya sa amateur photographer na patay na patay sa kanya. Siya ang nag-utos dito na sundan sundan lang si Phoebe.

"Syempre naman Elisa... para sa'yo" sabi ni Philip

"Cheers to that!!! Kahit di ko alam kung nasaan si Kent at yung Phoebe na yun ngayon, at least alam ko na sirang sira na ang image niya. Makipaghalikan ba naman kay Harley? HAH!"

"Pano mo nagawa yun? At hindi mo pa dinamay sina Harley at Kent? Pano mo napalabas na biktima lang yung dalawa nung hooker na si Phoebe?"

"Madali lang yun! May gusto sa akin ang may-ari ng The Envoy! I feed them the information! I'm the secret source na hindi pwedeng ilabas. I have the pictures that you took so that's the evidence! Look how I'm so brilliant!"

Ang The Envoy ay ang pinakamalaking broadsheet sa bansa.

Lumapit si Philip kay Elisa. "May gusto sayo yung matandang may-ari nun? Tsk sabagay lahat naman may gusto sayo diba?"

Yumakap si Philip kay Elisa.

"Ahh... Oo, everyone loves me... just like you."

"Pano na yung bayad ko?? I did very well? Nung isang beses mo pa sinasabing babayaran mo ako." Hinalikan ni Philip si Elisa.

Humiwalay agad si Elisa.

"Ayy Phil, may gagawin lang ako ha! Next time na lang tayo magkita ulit."

Lumabas na agad si Elisa ng hotel. Ginagamit niya lang kasi talaga si Philip para sirain ang buhay ni Phoebe.

Nassan na kaya yung dalawang yun? Hindi pumapasok si Kent pati na rin yung babaeng hooker. Goodluck talaga sa kanya kung lilitaw man siya. Humanda siya sa akin. Feeling niya ang ganda ganda niya kaya nagkakandarapa yung dalawa sa kanya!!!! HMPF!! Naliligaw lang ng landas sila Kent at Harley. Nagpapataasan lang sila ng ego kaya isang babae ang pinag-aagawan.

Tumunog ang cellphone niya.

Tumatawag ang direktor ng movie nila ni Kent.

Tsk! Etong panget na direktor na naman na to!

"Hello direk?"

"Elisa!! Nasaan ba si Kent? Hindi siya nagrereply? Napakalaking intriga ang pinasok niya! Bakit ba siya pumasok sa ganung gulo? I called him many times pero walang reply! May deadline ang movie!!"

"Sorry direk! Hayaan niyo na si Kent. Bad publicity is still publicity! Biktima lang siya. Ang sabi naman sa news yung babaeng yun yung may pakana."

"Wala akong pakialam kung sino man yun! Ang mahalaga lumitaw si Kent!!! Baka naman magkasama sila nung babae?"

"Ahhh.. Hindi po yun direk! Alam mo naman si Kent, pabago-bago ugali. Ko-contact-in ko na lang po kayo. Hahanapin ko po siya. Hwag po kayong mag-alala si Harley din naman, wala pang statement sa nangyari, baka nagpapalamig lang po sa press."

"Basta ang sabihin mo dyan kay Kent, hwag niyang pinaghihintay ang set!!"

"Opo direk!"

Binaba niya na ang telepono.

Anong sabi ko sayo Kent? Diba wag mong ipapagsabi na asawa mo siya? Di mo nga sinabing asawa pero inannounce mo pa sa lahat na girlfriend mo siya! Nice start pero mas magaling ako sayo Kennt. Mas magaling ako sa inyo ni Harley.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon