Chapter 49

69.9K 1.2K 158
                                    

Thought I'm going to disappoint you guys without update this Friday and it turned out, Thursday pa lang may update na, mabuti na lang nakaya kong tapusin itong chapter in one day.

Enjoy reading the last chapter.

Janet's POV

"I showed my loyalty, sinakripisyo ko ang buhay ko sa kanila pero ano ang nakuha ko? mayaman ang mga Ledesma, barya lang sa kanila ang milyones pero ni isang singko wala akong natanggap sa mga sinakripisyo ko. Bakit ko kailangan ilagay sa panganib ang buhay ko sa mga taong hindi nagbibigay ng pagpahalaga sa akin?" Mike spat the words grudgingly. "Pero bago ako aalis sa panungkulan sa mga walang utang na loob, aalis akong millyonaryo."

Tuluyang nawala ang pagdududa ko kay Mike. Greed and bitterness are good combination to commit betrayal. His eyes devoid of any emotion, his face impersonal that it makes him look more dangerous that I'm relieved t he's on my side. I need his cunning mind para masigurado na walang papalpak sa mga plano ko. I'll ask his opinion kung hahayaan kung matagpuan ni Alex ang bangkay ng pamilya niya para hindi na ito umasa na buhay pa ang mga ito at maghintay tulad ng nangyari ng mawala ang pvta o ililibing ang mga ito sa lugar na hindi sila matatagpuan kailanman ni Alex para malinis ang krimen.

Bigla akong napatingin sa cellphone na hawak ni Mike nang biglang tumunog ito, my nerves is in tight string that the loud ringtone startled me. kanina pa ako tensiyonado hindi dahil sa natatakot ako, tensiyonado ako dahil hindi na ako makakpaghihintay na mawala sa landas ko ang mga balakid sa pagmamahal ni Alex sa akin. Napagtanto ko na rin na tama lang na mamatay pati si James, para makapagsimula si Alex ng panibagong buhay sa akin, without any memories of the sl*t.

Mike check the caller on his cellphone at agad napatingin sa akin. He put his finger on his lips to silence me and I nodded to him.

"Kausap ko ngayon ang taong makakatulong sa atin Congressman, dati ko siyang kasamahan sa NBI at SWAT, this man is one of the best in handling kidnap for ransom case."

I smirked while I listened to Mike, hindi ko akalain na hindi lang sa paghawak ng baril magaling ito, pati rin pala sa pag arte. The concern and panic I heard from his voice iisipin mong totoo talaga at napaniwala nito si Alex sa mga kasinungalingan na pinagsasabi nito.

It's only prove one thing to me, to never trust anyone dahil kaya kang traidurin ng mga taong nasa paligid mo. Katulad ng pagtraidor sa akin ng sarili kong kaibigan na pvta!

"Dalhin mo ako kina Cass." utos sa akin ni Mike pagkatapos nitong makauap si Alex.

Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses ni Mike na inutusan ako nito na parang isa lang sa mga tauhan niya. Gritting my teeth, I turned my back and stomped towards where the sl*t is, nadaanan namin ang tatlong tauhan nito na nakasandal sa dingding. Katulad din ni Mike na malalaki ang mga pangatawan nila na malamang mga dati ding nagtratrabaho sa pulisya, ni walang bahid ng tensiyon sa mga mukha nila habang naninigarilyo na parang ordinaryong araw lang ito sa kanila when in truth, they are going to commit a crime. Kabaligtaran sa mga taong binigay sa akin ni Gio, puro mga tanga! at sa katangahan nila, iniwan nila ang kasama nilang namatay sa enkwentro kanina, ni hindi man lang nag iisip na pwedeng ma-trace ito sa grupo nila.

"Sino ang nagbabantay sa labas kung nandito kayong lahat!" sigaw ko sa mga kasamahana ni Tisoy. Saka lang napagtanto ng mga ito ang ang pagkakamali nila at nagmamadali na lumabas.

Lihim kong kakausapin si Mike mamaya, dahil sa kapalpakan nila Tisoy at mga tauhan nito sigurado akong madidiskubre ng mga pulis na kagrupo nila ang naiwan sa parking lot at ituturo ako nito bilang mastermind na hindi ko hahayaang mangyayari. Hindi ako mangingimi na magbayad din ng milyon kay Mike, basta siguraduhin niya lang na iligpit si Tisoy at ang mga kasamahan nito.

Sleeping With My Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon