Gotta Have Her (37)

841 27 0
                                    

Graduation day, Part 2.

Nakapila na ang lahat ng 4th year student na magsisipagtapos sa hallway, separated ang boys sa girls kaya hindi masyado magkakitaan sila Kim at Josh dahil nasa unahan si Kim at nasa hulihan naman si Josh.

Nang magsimula na ang ceremony, ay narinig narin ng lahat ang tugtog na senyales na ng pagandar ng pila at pagbaba ng mga 4th year sa school ground.

Naunang umandar ang pila ng girls bago ang boys. Section A hanggang Section D ang pagkakasunod sunod ng pila kaya inabot din ng 45mins. bago makaupo ang lahat ng magsisipagtapos sa kanya kanyang upuan sa school ground. Sa pagsisimula ng seremonya ay ang pagkanta ng pambansang awit ng Pilipinas, sunod ang pagpapanatang makabayan at ang Hymnn ng School nila. May mga ilang official at mga guro ang nagbabahagi ng kanilang mga mensahe sa mga magsisipagtapos at ilang mga kaganapan sa stage na hindi naman pinapansin si Joshua dahil hinahanap nya kung san nakaupo si Kim.

"Princess, san ka nakaupo? Hindi kita makita."

Message sent.

"Uy, bawal cellphone makita ka dyan ni Mrs. Campo." Sita sakanya ni Raymond kaya tinago nya agad ang phone nya.

"Hindi ko makita si Kimberly e, nakita mo ba sya?" Iniikot ni Josh ang mga mata nya sa paligid pero hindi nya parin makita si Kim.

"Sa pila kanina nakita ko sya, nung umupo na hindi ko na sya napansin." Sagot ni Raymond sakanya. Napapakagat labi nalang si Joshua dahil parang pakiramdam nya ay nauubusan na sya ng natitirang oras para makita pa ng personal si Kim.

"Kim, nasaan ka." Nasa isip na tanong ni Josh sa sarili.

Natapos ang lahat ng magsasalita at kaganapan sa stage ay oras na para sa pagakyat ng mga estudyante sa stage isa isa. Hindi mapakali si Joshua habang inaantay na tawagin ang pangalan ni Kim, ilang segundong nakalipas pa ay tinawag narin ang pangalan ni Kim.

"And for our Class Valedictorian,  Kimberly Sanchez." Titig na titig si Joshua sa stage ng sa wakas ay nakita na nya si Kimberly na may ngiti sa mga labi at masayang tinanggap ang mic na binigay sakanya ni Mrs. Campo.

"Kim." Sa wakas ay napanatag na din ang kalooban ni Joshua ng makita si Kim sa stage at akmang magbibigay ng speech para sa mga magsisipagtapos katulad nya.

"Buhay highschool, hindi ito naging madali para sa lahat. Nandyan ang iba't ibang sitwasyon na magpapatunay ng kakayahan at talento mo sa loob ng eskwelahan. Sa loob ng apat na taon ay nakamit ko ang pinakaimportanteng bagay para sa akin. Ang medalyang matatanggap ko? Sa totoo lang hindi yun para sakin, kundi sa aking Ina na kailanman ay hindi nawala sa aking tabi at ang aking Ama na walang ibang ginawa kundi ang ibigay ang lahat ng aking kakailanganin sa pagaaral at pangangailangan ng kanyang pamilya. Ngayong araw ang pinakahihintay nating lahat, ang araw na kung saan tayo magsisimula at tatahakin ang panibagong landas tungo sa ating mga pangarap. Nais kong pasalamatan ang mga taong tumulong satin upang hubugin tayo na noon ay marurunong lamang tayo, ngayon ay magagaling at nalaman na ang iba't ibang talento. Ang mga guro, mga kaibigan, at ating pamilya na palaging nandyan para satin ay sumuporta. 2 down na tayo guys, elementary at highshool, pagkatapos ng araw nato magkokolehiyo na tayo. Panibagong mga kaibigan, panibagong makakasama, panibagong mga guro at mga panibagong taong ating makikilala. Mahirap oo sa umpisa pero alam kong hindi yun magiging hadlang para makamit natin ang ating mga pangarap tungo sa panibagong simula. Kaya natin to, AJA!" Itinaas ni Kim ang kanyang kanang kamay na syang naging hudyat para magtayuan ang lahat ng mga estudyante at sabay sabay na sumigaw ng "AJA!" Ang iba'y pinaghahagis ang kanya kanyang toga at nagsisigawan pero pinagalitan sila ni Mrs. Campo dahil hindi pa tapos ang ceremony.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga tao pati ang mga kapwa estudyante para kay Kim ng biglang may sumigaw.

"GIRLFRIEND KO YAN! WHOO!! I LOVE YOU KIMBERLY!" Nagulat si Kim sa narinig nya at nakitang nakatungtong sa upuan si Joshua habang chinicheer sya nito. Nagsisigawan narin ang mga kaklase nila para kay Kim na syang nagbigay ng malaking ngiti sa mga labi ni Kimberly.

Umakyat din ang ina ni Kim para sabitan sya ng medal iba't ibang medal pero kinuha ito ni Kim sa Mama nya at sinabit ito sa leeg ng kanyang Ina. Nagpalakpakan ang lahat habang napapaluha naman ang kanyang ina, lumapit si Kim sa ina at pinunasan ang mga luha nito.

"Ma, wag ka umiyak naiiyak ako!" Biro ni Kim habang nagtatawanan naman ang lahat.

Matapos mabigyan ng mga diploma ang mga babae sa section nila ay mga lalaki naman. Ilang minuto ng tawagin ang pangalan ni Joshua kasama ang ina nito.

"Go Joshie!!!" Sigaw ni Heather na ikinasama ng tingin ni Kim sakanya kaya binuggo nya ito gamit ang pwet nya at sumigaw pa ng mas malakas kay Heather.

"I LOVE YOU SHREK!" Natawa naman si Joshua sa isinigaw ni Kim at kinindatan nya ito. Inirapan naman ni Heather si Kim dahil ayaw na ayaw nyang inaagawan sya ng pwesto.

"CONGRATULATIONS TO ALL OUR GRADUATES!" Sigaw ni Mrs. Campo at tuluyan ng nagsisigawan ang mga estudyante at nagkantahan at ginawa ang special number nila na pagsayaw.

Dahil iba na ang pwesto ng mga estudyante, muli na namang nawala sa paningin ni Joshua si Kim.

"Pre, si Kim nakita mo ba?" Tapik ni Josh sa kaklase nya.

"Hindi e, nagkagulo na ng pila hindi ko na nga makita ibang classmates natin." Muli na namang hindi mapakali si Joshua at umalis sa pwesto nya at sinimulang hanapin si Kim.

Natapos ang kanta at pagsasayaw ng mga graduates ay kanya kanya ng picture ang mga ito kasama ang mga kaibigan at ilang guro. May ilang iyakan na nagaganap at mga nagyayakapan na magkakaklase pero hindi parin mahanap ni Joshua si Kim ng may humawak sa braso nya.

"Josh, we have to go." Sabi ng ate nya pero hinahanap parin ng mata ni Joshua si Kim.

"S-sandali lang may hinahanap lang ako, babalik ako wait lang sis." Nagnod ang ate nya at nagsimula na namang hanapin ni Joshua si Kim ngunit kahit ang Mama at Papa nito ay hindi nya narin makita.

"Kim! Kimberly!!" Sigaw ni Joshua pero mga taga ibang section nakakasalubong nya.

"Kim, nasaan kana???" Nasa isip isip ni Joshua.

Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit walang Kimberly na nakita si Josh.

"We really have to go Josh, I'm sorry." Pinipigilang bumagsak ng mga luha ni Josh at tumitingin tingin parin sya sa paligid pero nagsisimula ng magsiuwian ang mga tao at hindi nya parin nakikita si Kim.

"Joshua, we have to go. We still have a plane to catch." Sabi ng ate nya.

"P-pero hindi pa ko nakakapagpaalam kay Kim!"

"I'm really sorry Josh, we should really get going." Nanigas ang mga kamao ni Josh na hindi malaman ang gagawin. Gusto nyang puntahan si Kim sakanila pero late na sila sa flight nila.

"Let's go." Naunang maglakad si Joshua palabas ng gate ng school habang malalim ang iniisip nito.

"Bakit Kim? Hindi ka man lang ba magpapaalam sakin? Nasaan ka? Nasaan ka???" May tumutulong ilang luha kay Joshua at hindi na nya mapigilan ito.

May dumating na sasakyan para sunduin silang pamilya papuntang airport. Muli pang nilingon ni Joshua ang school nila at tuluyan ng sumakay sa kotse.

"Goodbye Kim."

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon