Chapter 1. [Classified Ads]

254K 4.1K 143
                                    

KAYCEE'S POV

"Hoy Kaycee! Sisante ka na ha? Wag ka ng bumalik dito. Anakng! Pahamak ka sa negosyo ko eh." Sabi ng boss ko. Nagtatrabaho ako actually sa isang coffee shop. Yes, coffee shop. Wala naman kasi akong magandang trabaho e. Pero pangako ko sa sarili ko, last na 'to. Kailangan ko lang talaga makatapos ng pag-aaral. Alam niyo ba yung rason kung bakit pumuputok butsi nitong masungit kong boss? Nakabasag lang ako ng baso. 

"Boss. Maawa naman po kayo sa akin." 

"Ayoko! Umalis ka na Oh eto, sweldo mo kasama na yung nakaraang buwan." Umalis na siya pagkatapos nun. Ako na nagsarado nung shop, tapos umalis na rin ako. Hay. Bakit ganun? Wala na nga akong pera, wala pa akong trabaho! 4000 lang binigay sakin e. Kung tutuusin, may utang pa siya sakin na 500 para sa overtime! 

Ako nga pala si Kaycee Domingo. 18. College working student. Wala na akong magulang, patay na sila. Kaya ako na lang mag-isa. Lucky for me, yung school na pinapasukan ko, scholar ako. Libre yung dorm. Pero yung panggastos? WALA.

"Manang, pabili nga po ng pandesal. 3 po." Yun lang pwede ko bilhin e. Gipit ako. Kailangan ko pa ng materials para sa research ko bukas. Mass Communication course ko e. Magastos.

Pag-uwi ko sa Scholars Dormitory, naghello muna ako kela Sister Anna at Sister Fely. Sila yung mga nagpapatakbo ng dorm. Ambababait nila. Sila yung nagbigay ng lugar sakin dito. 

"Sige po! Punta na po ako sa kwarto. Paalam na po."

"Osige Iha, magdasal ka muna bago matulog ha? Kaawaan ka ng Diyos." 

"Sige po." Pagpunta ko sa kwarto ko, as expected. Wala pa si Steffi. Bestfriend ko at Roommate ko. Scholar din siya. Pero, mayaman talaga siya. Ewan ko dun, gusto niya maexperience yung mahirap na buhay.

*boogsh*

"Ay palaka! Nakakagulat ka naman." Kakarating lang ni Steffi. Buti naman. Para malock ko na yung pinto kaagad.

"Nangyari sayo Kaycee?"

"Nagulat, malamang."

"Ah. Teka, bakit nakabusangot mukha mo diyan? Kumain ka na?" 

"Oo. E kasi, nasisante ako sa part-time job ko e." Umupo siya sa tabi ko. 

"Bakit?"

"Nakabasag ako ng baso e." Bigla ba naman akong binatukan.

"Anakng, Kaycee oh. Clumsy mo kasi e!"

"Baso lang naman yun e!"

"Sabagay. Oh, piattos." Inabot niya sakin yung piattos na binili niya ata. Ewan.

"Salamat."

"Teka, nood tayo TV!"

"Bakit? Wait lang, magbibihis lang ako."

Pagkatapos ko magbihis, ayun, yung bruha! Nanunuod ng TV. Tuwang-tuwa.

"Nangyari sayo?"

"Ang gwapo talaga nila!"

Umupo ako sa tabi niya. "Sinong sila?" 

"Nasa TV! Ang THE BOYS!" Napatingin naman ako sa TV. Tama nga si Steffi. Ang ggwapo. Sila yung all-boy band sa school namin e. Yung popular tapos mayayaman pa. Kaso, parang puro yabang lang yung mga yun e.

"Pero? Ano naman?"

"Hello!? Di mo ba sila napapansin sa school?"

"Napapansin. Pero, teka? Bakit sila nasa TV?"

"Nagdebut sila recently e."

"Ah. Teka, penge piattos." 

"Takaw!" Binigay naman niya sakin yung piattos.

"Oo nga pala, paano na yan? Saan ka na kukuha ng pera?"

"Hindi ko alam e. Maghahanap na lang siguro ako ng trabaho."

"Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa store ni Daddy?"May ari pala ng isang gadget store 'tong si Steffi. Mayaman talaga.

"Nakakahiya e. Atsaka wala akong alam sa ganyan."

"Sigurado ka?"

"Oo. Mapapahiya lang ako dun. Wala nga akong cellphone e."

"Haha. Abnoy. Oo nga pala! Alam mo lutuin yung Pesto?"

"Culinary Arts pa naman course mo? Di ka marunong nun?"

"Basta. Turuan mo ako!" 

"Oo na." Nagchikahan lang kami nung napansin kong may newspaper siya sa bag niya.

"Uy. Patingin nga ng newspaper." Inabot naman niya sakin yung newspaper.

"Sige, Matutulog na ako, Kaycee. Patayin mo na lang yung tv ha?" 

"Sige. Night. Patay ka sakin kapag nagdaydreaming ka na naman." Tumawa lang siya. Pinatay ko na rin naman yung TV kasi hindi na naman ako manunuod e.

Chineck ko yung Classified Ads nung dyaryo. Puro ads ng gustong mag-apply sa pagiging Maid, Driver, Cook. Hindi ko yun carry kasi student rin ako e. Pero, anong choice ba meron ako? Naghanap pa ako hanggang sa may nakapukaw ng attention ko.

Quote

Wanted: All-around Girl.
I'll tell you what you need to do.
20K per month.
For Working Students Only in South University.
Interested? TEXT XXXXXXXXXXX.

20 thousand? OMG.  At kailangan nasa South University ka? WOW. Eh taga-dun ako. Ang laki ng sweldo! Pero, All-around girl? Legit ba 'to?   

Hindi kaya gawin akong prostitute nito? Pero, wala namang masama diba? Kung ittry ko. Isa pa...

Kailangan ko ng pera.

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon