Chapter 25 - Pure White

70.5K 2.2K 570
                                    


[ A L E X E I ' S  P O V ] 




"Kuyaaaaa! Kuya Alexeiiiiii!" rinig kong mahabang pagtawag sa akin ng bunso kong kapatid mula yata sa labas ng kwarto ko. Mabilis kong isinantabi muna ang pag-eensayo ko sa gitara para sa nalalapit naming band performance sa school para tingnan muna ang makulit kong kapatid. 



This kid sure is energetic from morning to evening. I'm not annoyed though. You see, even if I'm quiet sometimes, it is perfectly fine for me to get disturbed by my adorable younger brother. But please, Finn is an exception. That guy seriously get the hell out of me. Pero hindi ko naman sinasabing ayaw ko sa kanya. After all, he's my brother. It's just that, he has this righteous characteristic. And somehow, he's just like Uncle Sean. 



Uncle Sean left the mansion before when we were little due to some reasons. Dad never mentioned his name eversince. But you see, I like my uncle. I love the way he tells me how my mom and dad treat each other when they are in their high school. I miss his stories about how great my mom is. At sa ganitong kasimpleng gestura niya mula noon ay alam kong may malasakit siya sa mommy namin kahit na ba minsan ay hindi niya ito masyadong pinapansin. 



"Oww. Kuya!" hinaing ni Valor nang matagpuan ko siyang nadapa dito sa pasilyo. Ngayon ay nakalabas na ako at agad ko siyang nilapitan dahil sa mga pagngawa niya. Pumaupo naman ako sa paraang nakatupi ang mga binti ko para maging magkasing taas muna kami at nang maabot ko siya. Nang maiayos ko na siya ulit ng tayo at pinagpagan ko ang damit niya. Kasi ganito ang ginagawa sa akin noon ni mom kapag nadadapa ako sa tuwing nakikipaglaro ako kina Ninong Dash. Sinuri ko rin kung may nakuha ba siyang galos o gasgas man lang. Fortunately, wala naman. 



Napabuntong hininga naman ako at naipatong ko na lang ang kaliwang kamay ko sa balikat niya. "Shhh. Don't cry. Gusto mo doon ka muna sa kwarto ko?" pag-aalok ko sa kanya. Bigla namang nawala ang tinta ng mga luha niya at mabilis niya itong pinunasan gamit ang likod ng mga kamay niya. Matapos noon ay may mga nakatikom siyang mga labi at pursigidong mga mata habang tumatango. I can't help but to smile. 



Tumayo naman na ako nang maayos at marahan kong hinawakan ang maliit niyang kamay upang alalayan siya sa paglalakad papunta sa kwarto ko. Valor used to be a kid with a weak body. Kaya nga siya ang pinakanaging alagain ni mom. But even so, Finn and I never dare to get envious of him. Alam namin kung gaano kahalaga ang bawat isa sa amin sa ina namin. Kaya naman sa mga panahon na laging nagkakasakit si Valor ay lagi kaming sumasama sa pag-aalaga sa kanya. 



Nang makapasok na kami sa silid ko at dahan dahan ko nang isinarado ang pintuan na naiwan kong bukas nang biglaan na lang akong pumunta kay Valor kanina. Hinayaan ko naman na siya na tumakbo papunta sa kama ko at magtatatalon. Whatever, he's still a child. Of course, he is playful. Humakbang naman ako upang makapunta ako sa kanya. Pasalampak akong napahiga sa kalahating parte ng kama ko. Only God knows how much I miss my mom. That golden hair of hers, her pretty pair of eyes, her smile that shines brightly like the sun, I miss them. At walang oras na hindi ko siya na-miss.

Mhorfell Academy and The Onyx Blood Disease (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon