The Greatest Gift

2.8K 97 17
                                    

Ang istorya ang iikot sa buhay ng mag-asawang sina Vice at Karylle. Mga simpleng tao lamang sila na nakatira sa isang apartment na tig-3000 ang renta kada buwan. Si Vice ay isang messenger tuwing umaga at isa namang waiter sa isang restaurant sa gabi. Si Karylle naman ay nagtatrabaho sa giftwrapping station sa isang department store.


Isang araw na lang ay Pasko na. Ang mag-asawang sila Vice at Karylle ay hindi masyadong abala dahil silang dalawa lang naman at wala silang pamilyang makakasama sa Pasko. Iniisip nila ang pera pambayad sa upa, at hindi ang perang panregalo nila sa isa't isa o ang panghanda nila.

KARYLLE: Vice, magkakape ka ba?

VICE: Hindi na. Kailangan maaga ako, maraming mga sulat ang dapat kong maihatid.

KARYLLE: Ay oo nga pala. Bisperas na kasi ng Pasko.

VICE: Ikaw? I'm sure ang daming regalo ang dapat mong balutin mamaya.

KARYLLE: Oo. Sigurado yun.

VICE: Oh paano? Mauuna na ako nang makarami.

KARYLLE: Sige, ingat ka!

VICE: Okay. Ikaw din.

KARYLLE: Vice, dala mo na yung pen mo?

VICE: Opo, Madam!


Kinuha ni Vice ang fountain pen mula sa bulsa ng kanyang polo shirt at ipinakita pa kay Karylle. Isa itong black fountain pen na may gold na designs. May nakaengrave pang "Viceral" sa katawan ng pen.

KARYLLE: Good. Alam mo, dapat dyan may case para hindi mo na nilalagay sa kung saan saan.

VICE: Next time, pag may budget na. Yung watch mo, baka maiwan mo.

KARYLLE: Nope, it's in my bag.

VICE: Dapat rin dyan sa watch mo na yan, may chain para nakalagay nalang dyan sa leeg mo na parang necklace. Tsaka para hindi na magasgasan sa bag mo.

KARYLLE: Uunahin ko pa ba yun? Okay lang naman na nasa bag 'to.

VICE: Sige, sabi mo eh. Anyway, kita nalang tayo mamayang gabi. Mag-uuwi ako ng hamon, kahit kalahati lang para naman ramdam natin ang Pasko.

KARYLLE: Wag na. Itabi nalang natin yung pera. Sayang naman kung mauubos lang sa hamon.

VICE: Okay, hindi na ako bibili. Basta hintayin mo ako mamaya ha? Sabay nating sasalubungin ang Pasko.

KARYLLE: Sige. I love you.

VICE: I love you too!


Umalis na si Vice papunta sa post office. Habang naglalakad sya, nadaanan nya ang isang jewelry store. Nakadisplay sa harapan nito ang isang gold pendant.

VICE: Bagay 'to doon sa relo ni K. (looks at the door) Ayos, nine pm pa 'to magsasara. Aabot pa ako mamaya. Sana maraming customers mamaya sa resto para marami ring magtitip.


Ilang minuto pa ang nakalipas at nakarating na rin si Vice sa post office. Nagsimula na syang magsort ng mga sulat pagkatapos noon ay inatasan na rin syang magpadala ng mga sulat at packages sa buong bayan.


Sa kabilang dako naman, nasa department store na ngayon si Karylle.

"Attention Holiday shoppers! Don't forget to bring all your last-minute purchases to our gift-wrapping department."

Collectanea (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon