CHAPTER 46

92.9K 3.2K 605
                                    

LAST CHAPTER! :)

CHAPTER 46

Ilang araw na ang lumilipas simula noong nakita ko si Gabe. Hindi mawala sa isip ko ang hitsura ng babaeng kasama niya noon sa coffee shop. Ang ganda naman kasi niya tapos bagay na bagay pa sa kanya ang pagkamorena niya. Mabuti nga't naglipat na ako ng unit kaya kahit papaano naman ay nakalimutan ko 'yon. Bakit ba kasi laging sa magaganda nadidikit si Gabe? Bakit ba kailangan lagi akong manliit kapag nakikita ko ang mga babaeng kasama niya?

"Sure kang ayaw mong magpatulong sa akin baby?" Tanong pa ulit ni mommy sa akin. Kanina ko pa siya kausap sa call at parang ayaw naman niya akong patapusin maglinis ng unit ko para may malinis pa siya. Gusto kasi niya ay hands on siya tuwing naglilipat ako.

"Mommy, okay na. I got this." Nakangiti kong sabi sa kanya. "And besides, nagtatampo pa si daddy sa'yo. Hindi raw kayo natuloy sa bakasyon niyong dalawa, e."

"Hayaan mo ang daddy mo. Kumukulot lang ang buhok ko kapag siya ang kasama ko, e. Anyway, yung bilin sa'yo ni Ravince. Ang sabi niya mukhang hindi raw mapagkakatiwalaan yung nasa kabilang unit." Lahat naman sa kanya ay hindi mapagkakatiwalaan, e.

"Kapag narinig yan ni daddy bah, lagot kayo ni Ravince. Pinaghihinalaan niyo lahat, e. Maglilinis pa ako ma. Huwag ka nang makulit," Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya pati na rin ang biglang pagsulpot ni daddy doon kaya naman ibinaba ko na para hindi na nila ako magulong dalawa. Marami pa kasi akong lilinisin.

Tinignan ko ang kabuuan ng condo ko. May mga gamit akong nakabox pa. Karamihan naman niyon ay mga libro ko noong college. Hindi ko kasi binibenta ang mga iyon dahil tuwing may nakakalimutan akong topic ay inaaral ko ulit. Hindi ko rin ipapamigaw ang mga 'yun.

Agad kong iniligpit ang mga natitirang gamit na hindi ko pa naaayos. At nang matapos na nga ako ay nag inat-inat na ako at agad na tinignan ang orasan. Lagpas alas kwatro na at hindi ko man lang namalayan. Hindi pa nga ako kumakain ng lunch!

Mabilis akong nagshower para mawala ang lagkit sa katawan ko. Matapos kong maglagay ng kung anu-ano sa katawan, na natutunan ko sa officemate ko, ay lumabas na ako para maghanap ng pwedeng makainan. Ikinandado ko na ang pinto ko.

Napangiti ako nang makita ko ang keychain na nakasabit sa susi ko. 'Angel' ang keychain na binili ko noong kaarawan ni Gabe. Kahit siguro makita ko pa siya kasama ang ibang babae, baka hindi ko pa rin mapapalitan ang keychain na 'to. Ewan ko ba. May pinakain sigurong gayuma sa akin ang lalaking iyon noon?

Lumapit ako ng tirahan kasi masyado akong nalalayuan sa office. Kaya naman ngayon ay isang sakay na lang ng jeep magmula sa unit ko hanggang sa office. Kahit papaano naman ay safe naman sa lugar na ito. Pwera na lang siguro kung biglang may alien invasion na maganap dito.

Nang makalabas ako sa building ay kaagad akong tumingala sa langit. Mukhang uulan pa yata mamaya. Ayaw ko naman nang bumalik sa taas para lang kumuha ng payong.

Ang ayaw ko lang dito sa nilipatan ko ay malayo ang mga pwedeng kainan. Kailangan ko pang maglakad ng malayo at tumawid sa kalsada para lang makalapit sa lugar kung saan may pwedeng pagpilian ng mga pwedeng makainan.

Habang naglalakad ay pinagmamasdaan ko na ring maagi ang mga nadadaanan ko. May mga shop din kasi na pwede kong bilihan ng mga gamit. Ang ibang building ay mga condominium at apartments din naman.

Huminto ako nang maabot ko ang pedestrian lane. Naka-go pa ang mga sasakyan kaya naman huminto ako. Ang hindi talaga mawala sa akin ay ang takot ko sa mga tawiran. Hindi talaga ako nasanay-sanay kahit ilang beses pa akong tumawid mag-isa.

Habit ko na ngang hawakan ang sarili kong kamay para hindi na ako makahawak ng kung sinu-sino. Nakakahiya na kasi minsan. Minsan nga may manyak akong nakapitan. Ugh! Ayaw ko na talagang maalala yun. Nakakahiya pa dahil may nakapitan din akong matanda. Tawang-tawa siya sa akin dahil imbes na siya ang tinutulungan kong tumawid, ako pa ang tinulungan niyang tumawid.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon