[W.O.S] CHAPTER 24: ASKY'S DISCOVERY

2.9K 140 7
                                    

S I L V E R

Matiwasay naming naibalik ang mga lalaking 'yun sa loob. Pinaliwanagan na rin sila ni Zeth tungkol sa mga nangyayari. Naging maayos na rin naman sila. Naintindihan na rin naman nila.

Natutulog na si Clyde at si Zeth ngayon. Pero ako? Hindi pa. Hindi kasi ako makatulog. Iniisip ko parin si Mist. Ngayon lang kasi siya nalayo sakin ng ganito katagal.

Kailangan ko na kaagad siyang mahanap. Kailangan kong tuparin ang mga pangako ko sa magulang namin. Na hinding-hindi ko siya pababayaan.

Nasubukan ko nang mangyari 'to. Ang mawala ang isa sa mga taong mahalaga sakin. Kay Kiro. Pero hindi ko na ito palalagpasin pa lalo na't ang kapatid ko na ang nakasalalay dito.

Hintayin mo lang ako Mist. Hahanapin ka ni kuya. Sana ayos ka lang.



A S H E

Tulog na sila. Ako, nagmumuni-muni lang muna sandali. Hindi pa kasi ako inaantok. Pinili ko na rin naman ang hindi muna matulog para merong magbantay sa kanila.

As usual, sa taas ng puno natulog si Kiro at si Yuri. Maya-maya, nararamdaman ko na rin na bumibigat na ang mga mata ko. Napahikab na din ako.

Makatulog na nga. Kailangan ko na rin namang magpahinga.

Ipipikit ko palang sana ang mga mata ko nang makuha ni Yume ang atensyon ko. Naka-upo siya na parang nakatingin lang ng diretso. Pumunta ako sa harap niya at tiningnan siya.

Nagulat ako sa mga nakita ko. Walang kulay ang mga mata niya.

"Y-Yume!" sigaw ko habang inaalog ang balikat niya. Pero hindi siya nagre-react.

Nag-aalala na ako. Hindi ko alam kung ano nanaman ang nangyayari sa kanya. Maya-maya, bigla nalang may namuong fireball sa kamay niya at agad na tumakbo papalayo.

"Kiro!" tawag ko sa kanya at agad naman siyang bumaba. Nakatingin lang siya sakin. Nagtataka.

"K-Kiro... si Yume..." nag-aalalang sabi ko. Napatingin kami sa taas nang makitang bumaba din si Yuri at tumakbo palayo.

"I think, may nase-sense sila. Tara, undan natin sila." sabi niya at agad na kaming tumakbo. Buti hindi pa sila nakakalayo sa amin kaya nasusundan pa namin sila.

"Yume... Bakit?..."

"Anong nangyayari?"

Ang bilis nila. Maya-maya, nawala na sila sa paningin namin.

"Maghiwalay tayo." seryoso kong sabi kay Kiro.

"No. Hindi ko na uli hahayaang mawala ka sa paningin ko. Hindi ko na uli hahayaang malayo ka sa tabi ko." sabi niya habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ko.

Nakayuko lang ako. Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa kamay ko. Tumingin ako sa kanya at pinilit na ngumiti.

"Pasensya na Kiro... pero kailangan nating gawin 'to."

Nagpasabog ako ng puting usok at tuluyan na siyang iniwan doon.



K I R O

*cough-cough*

Napa-ubo ako at hindi ako makahinga. Pagkawala ng usok, nilibot ko kaagad ang paningin ko. Wala na siya. Bakit Asky? Bakit parati mo nalang ibinibigay ang sarili mo?

Bakit ko hinayaang makawala uli siya sa akin? Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Bakit ba parati nalang ganito? Kung ganito ang gustong mangyari ng tadhana, edi sige. Hahanapin ko uli siya. Hahanapin ko siya ng hahanapin kung 'yun ang gustong ipagawa sakin nito.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon