Chapter 2

93.1K 2K 136
                                    

Catherine Faith's POV

While on my way sa next class. May narinig akong usap-usapan. Im not an eavesdropper pero medyo malakas ang pagsasalita nila kaya maririnig mo talaga ang usapan nila.

"Mr. Fucker is back!"

"Talaga? Paano mo nalaman?"

"Sabi ni Dad kasi diba, share holder din ng school na ito ang dad ko kaya medyo close sila ni Mr. Henry Kwon at nabanggit sa kanya ni Mr. Henry na babalik na dito si Mr. Fucker."

"Wow! How nice naman! Sana ma-encounter ko siya mamaya at baka ayain niya ako. Oh my god! I can't wait that to happen."

Ano? Ayain? Saan? Mr. Fucker? Sino yun? Mr. Henry Kwon? Putspa. Sino 'yong mga yun? Sensya na, readers. (-____-') Inosente ako, wala akong kaalam-alam.

Papasok na ako ng room ng may marinig akong sigawan.

"Kurt!! Ready na ako later! Kyaaaaa!"

"Joax Taeyang Mendez! Shet~ Ang pogi!"

"Tristan Choi!! Pansinin mo naman akooooo!!"

"Mr. Kanggggg~ kyaaaaaa!"

"Sheeeeems! Si Kenneth, pumogi laloooo!!"

"The 5 hotties are back!!!"

Kurt? Joax Taeyang Mendez? Tristan Choi? Mr. Kang? Kenneth? Huh? Famous ba yun? Bakit di ko mga kilala?

(NOTE: 'JOAX' IS PRONOUNCED AS 'WAX')

Hindi naman ata sila dapat kong pagtuunan ng pansin. Makagora na nga sa room. Umupo ulit ako sa dulo. Nagpasak ako sa tenga ko ng earphones dahil wala pa naman ang professor namin.

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng music nang may umalis sa tenga ko ng earphones ko.

"What the--" bulyaw ko.

"Easy, sis! Hahaha. Im Sandara Elizabeth Park. And you are?"

"Im Catherine Faith Lee." sagot ko. Ang cute niya. Jolly ang awra niya, yung kumbaga parang walang pinoproblema sa buhay.

"Faith, uhmm. Nice name!" nakangiting niyang sabi.

Natawa ako ng bahagya at natahimik lang kasi hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Bago ka lang dito?" tanong niya.

"Ahhm, oo."

"Ahh! Kaya pala ngayon lang kita nakita akala ko sa lower section ka dati tapos bigla kang napunta dito sa section namin."

Ay grabe ah! Hahaha!

"By the way, ang tahimik mo. Nakakainis ka haha! Madaldal kasi ako kaya hindi ako sanay 'pag tahimik yung kausap ko. Anyway, pwede ba tayong maging friends?" tanong niya.

"Oo naman!" saad ko.

"Alright! We're friends na so sabay na tayo lagi ha?"

"Sigesige!" ^___^

Absent ata yung prof namin kaya nagkakwentuhan kami ni Dara---- sabi niya na nickname niya na lang daw ang itawag ko sa kanya dahil friends na naman daw kami, at dun ko nalaman na anak siya ng isang famous chef sa Paris at marami silang business dito sa Philippines.

Nalaman niya na rin kung ano ang estado ko sa buhay. Hindi naman siya maarte, tanggap niya parin ako kahit ganito lang ang buhay ko. At nag-exchange na rin kami ng cellphone numbers.

Ang ganda ng cellphone niya *__* Rosegold na iPhone 6plus! Cellphone ko? Hahaha eto S3 lang na naghahang pa.

Jusko po. Hahaha!

Four subjects na ang na-attend-an ko, at sa apat na iyon, dalawang subject lang ang magkaklase kami ni Dara. Papunta na ako ng cafeteria nang biglang magtext si Dara.

*1 Message Arrived

From: Dara

Faith, wait mo ko sa cafeteria. Papunta na ako. Late kasing mag-dismiss yung instructor namin. Umupo ka nalang malapit sa may tindahan ng lemonade diyan para madali kitang makita.

To: Dara

Okay, i'll wait for you.

Pumunta na nga ako doon sa malapit sa tindahan ng lemonade. At after 3 minutes, nakarating na si Dara.

"Faith, so what do you want to eat?" tanong niya. Hindi pa rin siya umuupo at palinga-linga siya sa paligid. Naghahanap ata siya ng pwedeng ma-order.

"Burger and fries nalang." sagot ko sabay lahad ng pera sa kanya. Pero hindi niya ito, tinanggap.

"Na-ah. I'll treat you. And are you sure na burger and fries lang kakainin mo?"

"Eh yun lang afford ko eh." Kasi biruin mo, yung burger 50 pesos na ata at yung fries 40 pesos. Oh diba? Daig pa yung sa jollibee. Masyadong over-pricing dito sa school na ito. Dapat dito binobomba!

"Uhmm. I'll add nachos, salad and pizza to our meal. Okay? Hindi ka pwedeng humindi. So bye na, oorder na ako!" at umalis na nga siya.

At hindi naman nagtagal, bumalik na siya.

Kumain na kami. Nagtanong ako sa kanya nang biglang may naalala ako.

"Dara, may tatanong ako."

"Uhmm sige. Ano yun?"

"Sino yung Mr. Fucker? Yung Mr. Henry Kwon? Si Joax Mendez? Si Tristan Ch--" and with that, she cut me off.

"Masyado kang maraming tanong haha! Paano ko ba sisimulan ito? Uhmm. Si Mr. Fucker ay si Kurt Jiyong Kwon, siya ang youngest billionaire at siya ang anak ni Mr. Henry Kwon na may-ari ng school na kinatatayuan natin ngayon. Now, curious ka kung bakit Mr. Fucker ang bansag sa kanya? Kasi every day, iba ang kinakama niya or let me rephrase that hindi lang pala sa kama, kung saan saan ay iba ang ka-s*x niya. Ang barkada niya ay sina Joax Taeyang Mendez, Tristan Choi, Kenneth Lee at Alexander Kang. Mayayaman, matatalino at mga naggwa-gwapuhang lalaki sila kaso nga lang mga chickboy sila."

Nganga. Literal na napanganga ako sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na may mga ganito sa school na ito.

"Faith, sarado mo bibig mo baka pasukan yan ng langaw hahaha!" nabalik ako sa wisyo dahil sa sinabi niya.

"Ay sorry hehe. Bakit ganoon naman ugali nung Kurt Jiyong na yun? Ang laswa at ang dugyot."

"Ang alam namin kaya ganoon siya ay dahil iniwan ata siya ng babaeng dapat pagbibigyan niya ng sarili niya."

"Ahh kaya pala..."

"Pero kahit ganoon yun si Jiyong, crush ko yun! Hindi lang halata kasi hindi ko pinapahalata na patay na patay ako sa kanya!" sabi niya na may pagkahalong kilig.

"Hala? Haha ano nagustuhan mo doon?"

"Simula highschool, schoolmate ko na siya. Nasaksihan ko kung paano siya naging ganyan at alam ko na may mabuting side pa rin siya." saad niya.

"Ohh okay."

Natapos kaming kumain at dumiretso na kami sa klase namin.

Mga 5 pm na natapos lahat ng klase ko. At sakto namang nagtext si Harin.

*1 Message Arrived

From: Bunso

Ate, nakauwi na po ako. Ingat po kayo sa biyahe nyo papunta sa trabaho at sa pag-uwi.

Hay! Ang sarap sa pakiramdam na may ganyang kapatid.

To: Bunso

Sige, Harin. Mag-iingat si ate, tanga pa naman ako hahaha! Kumain ka na 'pag wala pa ako ng seven o'clock ha! Wag ka na magreply

At nung pagkasend ko nun, dumiretso na ako sa trabaho.

----
Sandara Elizabeth Park on multimedia :)

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon