Chapter 7

66K 1.4K 34
                                    

Catherine Faith's POV

"AYYYY!" napabulyaw ako nang tamaan ako ng bola ng soccer.

Oo, tama kayo ng basa. Natamaan ako sa mukha ng bola ng soccer. -______-

Tumayo ako.

Napatingin ako sa mga naglalaro ng soccer at lalong nag-init ang dugo ko ng makita ko kung sinong hudas ang nakatama sakin!

"ARGH~ NAKAKAINIS KA TALAGA!"

Lumapit si Jiyong sa akin at kinuha ang bola sa akin. Siya kasi ang nakatama sakin!

"Sa susunod kasi wag kang papikit-pikit diyan. Alam mong soccer field ito at hindi park, okay?" he said as he smiled smugly and then he walked away.

Hayop talaga eh noh.

"Lord, pigilan niyo po ako baka mapatay ko iyon. Gabayan niyo po ako sa mga gagawin ko, baka mamaya makakita ako kutsilyo at isaksak ko po yun sa kanya. Parang-awa niyo na po, pigilan niyo ako. Maraming salamat po." bulong ko.

Aish! Nakakainis talaga! Ma-text nga si Bommie.

To: Bommie

Bommie, asan ka? I need you.

After one minute, she replied to my text.

From: Bommie

Nandito lang ako sa may rooftop. Punta ka dito. I'll w8 for u.

Pagtapos kong mabasa 'yon, naglakad na agad akong papunta sa rooftop.

Nang makakita ako ng hagdan papunta sa rooftop, may napansin akong isang kwarto sa gilid. Nakaka-curious naman. May parang crown na nakalagay, logo ata yun.

Nilapitan ko yung kwartong iyon. Pipihitin ko na sana yung doorknob kaso naalala ko na hinihintay ako ni Bommie kaya hindi na ako nag-abalang buksan iyon.

Dumiretso ako sa rooftop at nakita ko si Bommie na nagpapahangin.

"Bommie?"

"Oh bakit?"

"Okay lang ba na magkwento ako sayo?"

"Oo naman. Tungkol saan?" nagtatakang tanong niya.

"K-kasi s-si Ji-Jiyong eh..." naalala ko na naman yung nangyari.

Ganito talaga ako, hindi ako nakakalimot lalo na kung hindi ko nailalabas sa isang tao yung nararamdaman ko. Atsaka hindi ko naman dapat makalimutan yung nangyaring iyon kasi first kiss ko iyon! For me, precious kasi ang first kiss.

"Hala... Don't tell me. Nakama ka na niya?" tanong niya sabay nagtakip ng bibig.

"H-hindi. K-kaso.... k-kaso...." ano ba nangyayari sakin?

"Ano nangyari? Crush mo ba siya? Ano ginawa niya sayo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kasi kagabi... Muntik nang may mangyari sa amin..."

"Hala! Bakit? Paano?" gulat niyang tanong.

Kinwento ko sa kanya lahat kung ano nangyari sa restobar kagabi.

"Tapos kanina, gusto ko siyang patayin!"

"What is it this time?"

"Kasi tinamaan niya ako ng bola ng soccer tapos hindi pa siya nag-sorry."

"Ganun talaga sila, Faith. Nabiktima ka na pala nila. Tsk tsk."

"Yung first kiss kooooo~" angal ko.

"Buti nga hindi ka pa nagagalaw ni Jiyong eh, I mean yung galaw na buong buo talaga."

"Hindi niya ako magagalaw at hindi ako magpapagalaw sa kaniya!!"

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon