Gotta Have Her (40)

847 26 0
                                    


Kimberly's POV

"H-heather?" *singhot*

"Kunin mo na baka magbago pa isip ko. Ang mahal kaya ng panyo nato."

Sabay irap nya sakin pero kinuha ko parin yung panyong inaabot nya. Binaba ko yung pride ko ng 1 floor, puro sipon na ko dito tatanggihan ko pa ba.

"S-salamat." *Singa*

Nakita ko sa reaksyon ng mukha ni Heather ang pandidiri sakin. Nakita ko pang nagspray sya ng alcohol sa kamay at braso nya at nagspray pa sa paligid nya. O sige hindi lang pala sya nandidiri, diring diri lang talaga sya sakin.

"I saw you." Aniya.

"Ha?" *Singa*Singa*

"Eww. Will you stop that for a sec?" Pinisil ko yung ilong ko at binaba muna yung panyo. Nabigla ako sakanya ng tabihan nya ko.

"Nakita kita kanina nagtatago ka kay Joshie." Nagglare ako sakanya. Baka nagkakalimutan tayo boyfriend ko pinaguusapan natin dito.

"Fine. Josh-ua." May kasabay pa syang pag-irap kaya nagnod nalang ako. Atleast sinabi nya ng maayos hindi Joshie.

"Where is he going anyway?" Nakaharap sya sakin na para bang interesadong interesado.

"California. Dun sya magkacollege."

"Ah. That's explains the drama part." Napatingin ako sakanya. Drama part?

"What? Ang drama nyo kaya. At isa pa ba't di ka sumunod sakanya e nasa labas na mga gamit mo?"

Napatigil ako saglit. Bakit nya alam??

"Pano mo naman nalaman?"

"Nakipagchikahan ako sa Papa mo."

Wow. Close na sila?

"Tsismosa mo." Inirapan ko sya at suminga ulit.

"I know. So ano nga nangyari?"

"Mothers Issue." Maikling sagot ko sakanya. Inabutan nya ko ng panyo oo, pero hindi ko pa sya tatratuhin na parang close friend at sasabihin sakanya lahat ng detalyado.

"Been there." Sabay nod ng ulo nya.

*Awkward Silence.*

"You ok?" Biglang tanong nya pero hindi naman sya nakatingin sakin. Parang nagcacare sya pero ayaw pahalata.

"Ok lang."

"Denial."

"Ok nga lang."

"Liar."

"Ok...nga...lang" Hanggang sa hindi ko na naman napigilan at umiyak na naman ako.

"See. Told ya." Nangiinis ba sya? Kasi effective!

Inirapan ko ulit sya at umiyak lang ng umiyak. Wala na kong pakialam kung katabi ko sya at nakikita nya kong umiyak.

*Singa*

*Singa*

*Singhot*

*Singa ulit*

"Ugh. Are you done?" Tanong nya sakin.

"Aragon, pwede kang umalis kung nandidiri ka sakin dito."

"You're kidding right? Kung hindi kita tinabihan dito mapagkakamalan kang nawawalang bata dito sa kakaiyak mo. You see, my parents left too  that's why I know how you feel. But I won't cry like that coz' I know they will be back soon. Joshua will be back too right? Kaya ikaw tumigil kana sa kakaiyak mo kasi wala namang mangyayaring maganda kundi mamamaga lang yang mata mo at mapagkamalang pang may kasama akong panda dito."

Hindi ko alam pero natawa ko sa sinabi nya. Tingnan mo nga naman si Heather Aragon, she cares. Pero kaya pala nandito din sya sa airport, hinatid nya mga magulang nya.

Nakita nyang natawa ako kaya natawa narin sya at bigla syang tumayo.

"Let's go. Baka gusto mo pang magstay dito at antayin ang pagbabalik ni Joshie."

Tinaasan ko sya ng kilay.

"JOSH-UA"

Very good.

Tumayo ako at nagirapan kaming dalawa pero sa pabirong paraan na. Ewan para all of a sudden, feeling ko kaibigan ko sya ngayon. NGAYON lang.

Paglabas namin ng airport nakita ko si Papa nagaantay sakin kasama ang mga maleta ko.

"Oh, anak anong nangyari? Si Joshua?"

Agad kong niyakap si Papa ng pahigpit ng pahigpit dahil narealize kong hindi ko kailangang maging malungkot gayong nandito naman ang first love ng buhay ko. Ang Papa ko.

"Ok kalang ba anak?"

"Opo Pa. Salamat ha? Pero dito nalang po ako magaaral, aantayin ko nalang sya." Ngumiti ako sakanya at hinalikan naman ako ni Papa sa ulo ko.

"Osha halika na uwi na tayo."

Papara na sana kami ng taxi ng maalala ko Heather.

"Ay Pa, classmate ko pala si Heather."

Ngumiti naman sya kay Papa.

"Ah oo sya yung bestfriend mo diba? Nakilala ko na sya kanina."

BESTFRIEND??

"Bestfriend??" Tumingin ako kay Heather at biglang tingin naman nya sa kabilang direksyon.

Para-paraan talaga para makakuha ng impormasyon e no. Natawa nalang ako, siguro nga baka pwede ngang maging kaibigan ko tong si Aragon.

"Hey Kim, nandyan yung driver ko. Kung gusto mo pwede ko na kayo ihatid."

Lord, anyare sa malditang Heather na kilala ko?

"Um...wag na magtataxi nalang kami."

"I insist. George pakilagay sa likod ng sasakyan yung mga maleta nila." Agad lumapit yung driver nya at binuhat yung mga maleta ko sa sasakyan nya. Tumulong din si Papa.

"Anong nakain mo?" Tanong ko sakanya.

"Shut up."

Natawa ko at hindi nya narin napigilan at natawa narin sya. Sabay sabay kaming sumakay sa van nila at dumiretso sa bahay.

Siguro nga nawala si Josh sa tabi ko, pero may pumalit naman na kaibigan sa posisyon nya.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon