Gotta Have Her (41)

876 29 2
                                    


(This chapter and next chapters will be all Kim's POV)

3 months na ang nakakalipas simula ng graduation at nung umalis si Joshua dito sa pinas. Oo nakakapanibago at nakakalungkot pero ayos na ko. Hindi narin ako umiiyak, wala na kong iiiyak e naubos na. Tanggap ko na nandun sya at long distance relationship kami. Lahat na ata ng apps na pang communication napainstall ko na kay Heather sa phone ko. Skype, facetime, snapchat,viber,wechat, line, kakaotalk, at iba pa nasa phone ko na lahat. Pero madalas Skype kami para nakikita ko sya at nakikita nya ko.

You're probably be like:
WAIT WHAT? HEATHER?

Mmm yeah friends na kami simula nung sa nangyari sa airport. Palagi kaming nagpupunta ng mall, kain sa labas, nood sine, naubos ang bakasyon ko na sya palagi kasama ko. So, oo sya na talaga ang Joshua ko ngayon. Girl Version nya si Heather.

"So, bestfriends na kayo ni Heather?"

"Um..parang ganun na nga."

Kausap ko ngayon si Josh sa tablet ko na niregalo sakin ni Papa nung graduation.

(Josh's laughing)

"Hala sige tawa, tuwang tuwa ka e."

Nagtatakip sya ng unan sa mukha nya habang tumatawa. Kung pwede lang ipasok kamay ko dito sa screen kanina ko pa sya nabatukan. Kanina pa ko tinatawanan ng mokong nato.

"Hahaha ok ok hindi na. Pano ba kasi kayo naging close?"

"Dahil nung sa air---este nung nakita ko syang nagenroll sa papasukan ko this college."

Hindi pala nya pwedeng malaman na nandun ako sa airport nung araw na umalis sya.

"Okay, so parehas kayo ng papasukan?"

"Yep. Bussiness ad ata sya at IT naman ako. Gusto ko nga sana ng animation eh"

Mahilig din kasi ako sa drawings and stuff. Magaling ako magdrawing actually. Nasketch ko na nga si Josh sa lahat ng notebooks ko, pagmumukha nya lahat nilalaman ng likod ng notebooks ko.

"WAG. Ayokong sa animations ka maraming lalaki dun!"

"So? Nandun ako para magaral hindi para lumandi."

"Oo ikaw yun intensyon mo, e sila? Ligawan kapa, wala pa naman ako dyan."

"Sus. selos ka?"

"Bat ako magseselos e wala pa naman? Tsaka na ko magseselos pag meron na kong pagseselosan."

"Mmm..."

"Bakit meron na ba dapat akong pagselosan?"

"Joke. Wala ka namang dapat pagselosan."

"Sure?"

"Opo."

"Talaga lang a! Tsaka ayoko ng magkakaroon kanang close na lalaki. Gusto ko ako lang kakausapin mo ng matagal."

"Eh? Pano pag tinanong ako tapos classmate ko?"

"Yes or No lang isasagot mo."

"Grabe naman. Walang maybe? Hahahaha"

Tawa ako ng tawa sa sarili kong joke.

"Hehehehe nakakatawa."

SARCASM -_-

"Nakakatawa naman talaga."

"Oo na po hahahahaha!"

PILIT -_-

"Ayoko na nga goodnight na matutulog na ko."

Akmang papatayin ko na yung tablet ng pigilan nya ko.

"Princess! Binibiro kalang e, wag na magtampo. I love you."

"Tseh."

Pakipot ako bakit ba.

"I love you, I love you! Ayiee ngingiti na yan oh, aysus pinipigilan pa nya ayieee..Ang ganda ganda ng prinsesa ko tapos nakasimangot hindi bagay sa prinsesa ko, ngiti na dali ang cute cute oh ayieee..."

At yun napangiti na naman nya ko. Ganyan yan sya, pag nagtatampo ako kinakausap nya ako ng ganyan. Minsan binibaby talk pa ko, abnormal yan e. Ayaw na ayaw nya kasing matutulog kami ng may tampuhan o galit sa isa't isa gusto nya bati agad kami kung may away o tampuhan man. Sa loob ng tatlong buwan? Wala pa naman kaming matinding away. Except lang nung nakatulog ako galing sa gala namin ni Heather at hindi na ko nakapagonline para tawagan sya.

"Eto na nakangiti na lokaret ka talaga."

"Hahahaha alam ko namang ako lang makakapagpangiti sayo. Miss na miss na kita prinsesa ko."

"Miss na miss narin kita Josh."

"Asan ang kiss ko?"

Nagflying kiss ako sakanya at nagkunwari syang hinablot nya sa ere yung kiss ko at nilapat sa labi nya. Loko talaga.

"Baliw ka talaga ano?"

"Haha hindi a. Sobrang miss lang kita Kimbertot."

"Aysus. Osha matutulog na ko first day of school ko pa bukas. Big Dayyy"

"Okay princess magpahinga kana. Make sure na magmemessage ka sakin bago ka bumangon or pumasok okay? Wag kang aalis ng hindi kumakain magagalit ako. Wala ako dyan para alagaan ka pag nagkasakit ka ulit."

"Opo itay, kakain po ako ng maraming marami!"

"Wag mo kong tawaging itay -_-"

"Oo na hahahaha goodnight I love you so much Josh."

"Goodnight too my princess, sleep kana babantayan kita."

I smiled, hindi ko pinapatay yung tablet ko pag natutulog ako. Nakabukas lang yun all night at nakatapat sakin para nakikita nya raw ako habang natutulog ako at ganun din sya. Minsan pag nauuna akong magising nakikita ko sya sa tablet ko na natutulog pa sya.

Ganun lang kami araw araw, kahit malayo sa isa't isa, palagi naming sinisigurong sweet at walang pinagbago sa aming dalawa.

Distance is just a number. If you truly love someone, mapapersonal man o sa screen lang ng phone o kahit na anong gadgets, basta makita at makausap sya, sapat na yun para makumpleto nya ang araw ko.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon