Kabanata 69

786K 17.9K 7.7K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 69 

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula kay Tobi.

May balak si Shiloah na pakasalan ako? Bakit? I mean, dahil lang buntis ako kaya gusto niya akong pakasalan? Ang bata pa naming dalawa. Ang dami pa naming pwedeng gawin. Hindi naman porke mayroon na siyang responsibilidad ay kailangan na niyang pakasalan ako...

Oo, alam ko na mahal niya ako pero hindi pa rin ako makapaniwala. Para kasing sobrang aga pa... Ang dami pang pwedeng mangyari.

Ilang beses akong kumurap—dahil hindi ko pa rin mapaniwalaan ang sinabi niya.

"Narinig mo mismo sa kanya?"

He nodded.

"Paano niya sinabi?"

He shrugged.

"I forgot."

Kung magkalapit lang kaming dalawa, malamang hinampas ko na si Tobi. Ang sama talaga ng ugali niya minsan! Palagi niyang gustong pinapahirapan at inaasar ako!

"Isipin mo," I demanded. "Baka naman namali ka lang ng rinig."

Dahil sa naging sagot ko, kumunot ang noo ni Tobi at saka tinignan niya ako ng mariin. Napakagat ako sa labi dahil sa tingin niya. Iyon kasi iyong tingin niya kapag para sa kanya, may nasabi akong katangahan. Kitang-kita ko iyong panghuhusga sa mga mata niya at parang gusto niya na lang mailing dahil sa katangahan ko.

"Poor Shiloah," he said. "You don't want to marry him, do you?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Bakit ba ganito siya? Pakiramdam ko, nababasa niya iyong isip ko. Kahit iyong mga ayaw kong aminin sa sarili ko, alam niya. Minsan, pakiramdam ko ay mas kilala niya pa ako kaysa sa sarili ko.

"Hindi sa ganon..." I trailed off. I didn't know how to explain myself. Kahit sa sarili ko, hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito na ayaw ko. Mahal ko ba si Shiloah? Oo naman. Gusto ko bang magkaroon ng legal na ama iyong baby ko kapag ipinanganak ko siya? Oo naman. Pero bakit pakiramdam ko may mali.

"Pero?"

Tinignan ko siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin pero susubukan ko. Ayoko na isipin niya na ayaw ko... Na kaya ayaw ko dahil hindi ko siya ganoon kamahal.

"Hindi ba masyado pang maaga? Ang bata pa naming dalawa."

Kumunot lalo ang kilay niya.

"Mamamatay ba kayong dalawa pag nagpakasal kayo?"

Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko na hindi ako maiintindihan ni Tobi. Magkaiba kaming tao. Hindi ako katulad niya. Hindi ako kagaya niya na ginagawa iyong gusto niya. Hindi ako ganoon. Maraming dumadaan sa isip ko. Magulo akong tao. Magulo ang pag-iisip ko. Masyado na akong maraming nagawang maling desisyon kaya naman natatakot na akong magkamali ulit.

I just wanted to take it one step at a time.

Hindi ba pwede na sulitin muna namin iyong kung anuman ang mayroon kami? Bakit kailangang magmadali? Hindi naman na ako tatakbo... Dahil saan ako pupunta kapag tinakbuhan ko si Shiloah? Masyado na siyang naging parte ng buhay ko para takasan ko pa siya. Iyon bang pakiramdam ko ay mayroong kulang sa akin kapag nawala siya.

I wanted him attached beside me all the time... but I wasn't sure about being married.

"Hindi sa ganon. Ang sa akin lang, ang bata pa naming dalawa. Ang dami pa naming pwedeng gawin."

"Then do those things together," he said. "Just because you got married doesn't mean you won't be able to do those things. It just means you could do those things with him."

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon