BDOD #44

11.5K 444 172
                                    

"Natatakot ako! Natatakot ako na baka iwanan mo ulit ako pag nalaman mong buntis ako. Natatakot ako na baka mas piliin mo nanaman yang kabaklaan mo kesa sa panindigan ako. Natatakot ako sa lahat ng posibleng mangyari." Karylle cried while kneeling in front of Vice. "N-natatakot ako na baka ako mismo, hindi na mapatawad ng Daddy ko pag naulit pa lahat ng nangyari three years ago,"

"B-buntis ka?" Vice asked. Nakatingin lang siya ng diretso kay Karylle na ngayon ay nakaluhod na sa harap niya. "You're pregnant?"

Hindi agad nakasagot si Karylle, but silence really do means yes kaya nagets na agad ni Vice ang sagot sa sarili niyang tanong.

"I-iiwan mo ba ulit ako?" Karylle asked while crying her eyes out. Nanatili lang naman na nakatitig sa kaniya si Vice na mukhang nakalimutan ng magsalita. "Vice, wag mo 'kong iiwan ulit... h-hindi ko kaya ng mag-isa 'to."

Ilang segundo pa ang nakalipas ay tumalikod na si Vice at lumabas ng kwarto leaving Karylle weeping.

-.-.-.-.-

"Nasan Daddy Bays ko?" tanong ni Klang nang mapansin na wala sa kahit anong parte ng bahay nila ang ama. "Nihahanap ko sa ilalim ng bed, wala naman."

Karylle was still sitting sa edge ng kama at tila hindi narinig ang tanong ng anak.

"Mommy?" Klang poke Karylle's legs which make her got her senses back. "Ba't wala Daddy Bays?"

Dahil sa pagkakarinig ng pangalan ni Vice ay hindi nanaman napigilan ni Karylle ang maluha. Alam naman na niyang mangyayari 'to eh. Dapat handa na siya. Pero bakit masakit parin?

"Bakit ikaw nagc-cwy?" nakapout na tanong ng bata as she climbed up paupo sa lap ng mommy niya. Pagkatapos ay pinunasan ang pisngi ni Karylle. "Sino away sa 'yo?"

Karylle tried her best to stop her tears. Kahit gaano kahirap ay pipilitin niyang maging matatag. She has Ana Klarisse and she'll have another life to be thankful of. Makakaya naman siguro niya kahit wala si Vice.

"Mahal na mahal ka ni mommy ha?" Karylle said sabay haplos sa pisngi ng anak. "Mommy won't leave you,"

"I love you too," sagot naman ni Klang sabay peck sa lips ni Karylle.

-.-.-.-.-

Tatlong araw na simula nang umalis si Vice. Until now ay wala parin natatanggap na text oh tawag si Karylle from him. Unti-unti na niyang tinatanggap sa sarili na baka nga hanggang doon lang ang kayang panindigan ng nobyo. Hanggang pagiging boyfriend lang.

Sa lumipas na tatlong araw ay pinilit ni Karylle na wag umiyak. Paulit-ulit na siyang tinatanong ng anak kung nasaan si Vice ngunit paulit-ulit lang din naman ang nagiging sagot niya dito. "Nasa shooting"

She also tried asking Showtime hosts, Vice's family and friends ngunit wala rin siyang nakuhang matinong sagot maliban sa, 'hindi namin alam'

Hindi naman nawala si Anne sa tabi niya. She decided na pamalagiin na muna ang mag-ina sa Condo niya dahil walang kasama ang dalawa sa bahay ni Vice. It was also her way of comforting her since hindi naman niya alam kung paano mapagagaan ang loob ni Karylle.

"Anne, balik nalang kami sa Condo ko bukas." Karylle said nang maibaba na si Klang sa kama. "Kaya ko naman eh,"

"Then what? You would just spend your whole day crying dahil sa pagkawala ng magaling na tatay ng anak mo? Hindi naman yata ako papayag niyan," Anne said sabay irap. Hinawakan niya ang kamay ni Karylle at marahang hinagod. "I won't let you drown yourself in sadness, again. Nangyari na yan dati, at hindi nakabuti sa 'yo."

"Anne, I've learned enough."

"Nope. Hindi ako papayag sa gusto mong mangyari," Anne stood up at inayos ang damit niya na tiniklop ni Karylle. "You'll stay here. Kapag umalis ka, FO na tayo."

"Anne naman,"

-.-.-.-.-

Nagtatawanan habang nanood ang magninang na sila Anne at Klang. They were sitting sa may sofa while eating some chips when Karylle suddenly came out of the bathroom with her face all worried.

"May problema?" Anne asked na tumayo at iniwan saglit si Klang to talk to K. "Bakit parang kinakabahan ka?"

"Anne, d-dinudugo ako." pigil luha nitong sabi. Napatunganga naman si Anne na nakatitig lang kay Karylle. "May blood spots yung--

"The f! Let's go sa hospital,"

Nagmamadaling inabutan ni Anne ng hoodie si Karylle since she was just wearing white shirt. Si Anne naman ay natatarantang isinuot ang pants at hindi na pinalitan ang black v-neck shirt na suot niya.

Once they arrived sa hospital, agad mineet ni Karylle ang OB niya while si Anne naman ay binalikan si Klang sa kotse after ihatid si Karylle sa loob. Anne was too scared na baka maulit ulit ang nangyari sa kaibigan three years ago.

Karylle prays silently habang ineexamine siya ng OB niya. Napahawak na lamang siya sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan niya sa sobrang takot na baka something bad happens to her baby. Lalo naman siyang kinabahan nang mapansin na napapailing ang doctor habang nakatingin sa monitor where they could see na malimit lang gumalaw ang bata.

"Sobrang hina ng heartbeat ng bata," the OB said sabay tingin ng diretso sa mga mata ni Karylle. "Honestly, walang kasiguraduhan that the baby could make it,"

"What do you mean, Doc?"

"I'm sorry, but you have to let go of the baby." hindi na napigilan pa ni Karylle ang maiyak dahil sa sinabi ng Doctor. Sinubukan niyang tumayo but her body seems too weak that he couldn't even take a sit.

"No. I won't let this baby go. S-siya nalang ang natitira sa 'kin eh," she cried out. "I'm keeping this baby,"

"Even if you keep the baby Ms. Tatlonghari, wala rin tayong kasiguraduhan na makakaya niyang mabuhay ng siyam na buwan. I may sound so rude for forcing you to let the baby go... pero kasi ayoko lang dumating sa punto na pati buhay mo malagay sa panganib,"

"I'm keeping the baby. Kahit ikamatay ko pa," matapang na sabi ni Karylle while wiping her tears. "Hinding hindi ko pakakawalan 'to,"

Napatango na lamang ang Doctor. Ayaw niyang mailagay sa panganib ang buhay ni Karylle ngunit wala rin naman siyang karapatan na mangealam sa kahit anong desisyon ang gustong gawin ng dalaga, lalo na't may kinalaman sa anak niya.

Aalisin na sana ng doctor ang apparatus na nakakabit sa tiyan ni Karylle when she noticed something sa monitor.

The baby stopped moving.

Halos gumuho naman ang mundo ni Karylle nang makita ang sitwasyon ng anak. Agad na chineck ng Doctor ang heartbeat ng bata at...











wala na...


Beki Daddy on DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon