Chapter 14

4.3K 136 31
                                    

Hindi kaagad nagsink-in sa utak ko ang mga binitawang salita ni Hiro.

"The next time you approach him, he'll be dead meat. Remember that."

Magagawa niya ba yon? I know for sure he won't. Parang lumubog ang puso ko with the thought na dahil sakin, baka lumabo ang friendship nila.

'Don't ever think about that. No one wanted it to happen.'

Agad akong napatingin sa right side ko where Ken is sitting. Nakatingin siya sa kawalan. Pero nakita ko sa peripheral vision ko ang matalim na tingin ni Hiro that immediately sent chills to me kaya napatalikod kaagad ako sakanilang dalawa.

Shocks! Hiro is a lot different now. Ugh.

Napagdesisyunan naming anim na maghiwahiwalay panandalian para ma-refresh ang utak sa mga nangyayari especially Hiro and Ken.

'Til now, hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari kanina. Nagkasakitan sina Ken at Hiro dahil sakin.

'Stop thinking about it.'

I heard Hiro's voice inside my head. Hays.

'How can I stop when I know I'm the reason?'

Tama naman talaga e. Ako yung dahilan.

'No, you're not. It's just a misunderstanding. And.. you're too nega.'

'Nega? Huh?'

''Negative thinker.'

'Oh. Pero, kasi ako yun---'

"AAAAAHHHH!"

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang sumigaw si Akane kaya napatingin kaagad ako sa left side ko kung saan siya naka-indian sit kanina pero ngayon, nakatayo na siya at nakahawak sa tenga niya.

Kaagad namin siyang nilapitan pero she keeps on stepping backwards.

"Akane! Anong nangyayari sa'yo?"

"N-Nee-san!"

Halos lapit lang kami ng lapit na lima sakaniya pero layo siya ng layo. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"AAAAHH! STOP IT! DAMN! IT HURTS!"

Then suddenly I felt uneasy. Napalingon ako kay Hiro na nakatingin din sakin pero that's not it. Alam kong kaya kami nagkatinginan ay isa lang ang nasa isip namin ngayon...

'It's the Black Dimension, isn't it?'

Bigla kong narinig si Hiro sa isip ko.

'Yeah. So that means may Shinigami somewhere here?'

'There's a big possibility. I wonder.. yun kaya ang dahilan ng nangyayari kay Aka---'

"AKANE!" Napalingon ako sa lakas ng sigaw ni Ken at sobrang gulat ko sa nangyayari kay Akane ngayon. Bakit ba siya nagkakaganyan?! Hindi ko na maintindihan. She's now holding a knife, her eyes are intense green at super dark ng aura niya.

Palapit na sana si Ken kay Akane nang dali-dali kong pinigilan ang braso niya.. errr.. didn't mean it. Hindi naman siguro counted to doon sa sinabi ni Hiro, diba?

Sakto namang pagkapigil ko kay Ken ay napatigil siya kaya ako ang lumapit kay Akane. Kahit takot na takot ay pinilit ko pa ring lumapit. At habang lumalapit ako, nagulat ako when I was able to read her mind...

'I'll kill them. I can and I will.'

...or sinasabi niya talaga iyon sa aming lima? And with that, dahan-dahan siyang lumapit sa amin.

The Atama EffectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon