HGG [30]

149K 2.9K 385
                                    

Chapter 30

Grey's POV

"Hmm! Ang sarap talaga ng ice cream, babes ko! Subuan mo nga ulit ako ng isa!" sabi ni Janine. 

Napangiti ako at sinubuan ulit siya. Ang kyot talaga ni babes.

Kahit alam kong wala siyang maaalala pagkatapos ng linggong ito, susulitin ko na. 

Narinig ko siyang tumawa. "Eto sayo!" Naramdaman ko na lang na pinahiran niya ako ng ice cream sa mukha. 

Tinignan ko siya ng masama pero binelatan lang niya ako.  

Kinuha ko sa kanya yung buong cup at tinapunan ang mukha niya. "AHHHH! Babes naman eh!!" angal niya. 

Kinuha niya yung hose sa gilid ng bahay at binasa ako. 

Nasa labas kasi kami ng bahay namin. Bumalik kami dito pagkatapos bumili ng ice cream. 

"Tama na babes!" sigaw ko. Basang-basa na ako pati yung cellphone ko basa na rin. 

"Hahahaha!! BLEH!" 

Lumapit ako sa kanya at inagaw ang hose. Pagkatapoy ay nginitian ko siya at binasa na rin. 

"WAAAH! Babes naman eh!" 

Tumakbo na siya para maiwasan ako pero hinabol ko lang siya. Parehas kaming nakangiti ngayon. Parehas na masaya. 

"Babes tama na!!" sigaw niya pero piagpatuloy ko lang siyang basain. Ang kyot kyot kasi ni babes eh!

"HOY MGA MALALANDI! MAMAYA NA ANG HABULAN SESSION NIYO AT BUKSAN NIYO ITONG GATE!!" 

Napatingin kaming parehas sa gate at nakita ang Ace kasama ang iba pang miyembro ng BRG.

Kumaway siya sa amin pagkatinging-pagkatingin namin sa kanya. 

Lumapit ako at binuksan ang gate. Ano namang ginagawa ng mga ito dito?

"Anong ginagawa niyo dito?" seryoso kong sabi. Mga bwiset sila eh! Kita ng naghahabulan pa kami ni babes ko eh!

"Sinundan namin kayo. Bored kami sa school eh" sabi ng Ace.

"Hi cutie!" bati ni Ace kay babes.

"U-uh hello" bati pabalik ni babes. Hinila ko naman sa likod ko si babes. Baka mamaya agawin nila eh. Isang linggo na nga lang to, ipagkakait niyo pa?

His Gangster Girl  [STBP by LIB; Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon