Kabanata 70

933K 17.9K 16.8K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 70 

Nakaupo ako sa isang gilid habang pinapanood iyong huling concert ni Shiloah. The past few months have been a roller coaster of wild emotions. Maraming kumakalat na balita tungkol sa akin. Hindi naman ako artista pero tuwing lalabas ako, pakiramdam ko palaging mayroong mga matang nakasunod sa akin. Mabuti na lang pala at hindi talaga halata na buntis ako lalo na kapag maluluwag na damit ang suot ko.

Shiloah also confiscated my phone dahil nalaman niya na nagbabasa ako ng mga online articles. One time, inabutan niya ako na umiiyak dahil sa mga nabasa ko.

I heard him sigh at saka marahan na kinuha sa akin iyong phone ko.

"Bakit ba palagi kang nagbabasa nito?" he gently asked as he wiped the tears away from my face. Ni hindi niya na tinignan kung anuman iyong binabasa ko at saka basta na lang isinara iyon.

"E ano ang gagawin ko? Wala akong magawa dito! Ang laki-laki ng bahay mo tapos wala akong makausap!" I complained. Right after graduation, kinuha niya ako sa condo ni Quin at saka dito pinatira sa bahay niya. His reason was I was his fiancé kaya responsibilidad niya ako.

Bumuntong-hininga na naman siya at saka hinawakan iyong kamay ko. He enclosed my hands between his and gently caressed it.

"Sandali na lang, Imo. Ikaw naman 'yung may gusto nito, 'di ba?" he asked and I nodded. It was my decision na tapusin niya iyong kontrata niya bago kami magpakasal. I just didn't want any trouble from Irina. Of course nung una ayaw ni Shiloah. He wanted to get married pronto. I just had to convince him about the long engagement and promised him that I'd be Mrs. Suarez after I give birth.

He didn't like any of that but he conceded because of me. I always have my way with him. My needs and wants would always trump his.

"Hindi talaga kayo ni Libby?" I asked him.

"Ha?"

I wiped another tear that fell from my overly sensitive eyes. Pakiramdam ko ngayon lang pumapasok iyong pagiging sobrang emotional ko. Halos lahat na lang ng bagay ay iniiyakan ko.

"Sabi kasi sa mga balita close na close na raw kayo..."

He gently laughed at my little problem and then leaned in and kissed my nose.

"Ikaw 'tong nasa bahay ko, buntis sa anak ko, at pakakasalan ko tapos kaya mo pang mag-isip ng ganyan?" he said and then gently smiled at me. He cupped my face and stared at my eyes intently. "Ikaw lang 'yung gusto ko. Ikaw lang 'yung kailangan ko. Ikaw lang talaga, Imo, at 'yung anak natin."

Humikbi na naman ako pero biglang nawala iyong pangamba sa dibdib ko. Shiloah loves me too damn much. Alam ko na hindi niya ako iiwan. If ever something would break us apart, I know it'd come from my end.

Napabalik ako sa nangyayari nung nagkaroon ng palakpakan. Nakita ko na natapos na pala si Shiloah sa kinakanta niya. Napangiti ako. He'd surely miss this. Alam ko na nag-eenjoy siya sa showbiz pero at the end of the day, kami pa rin ang pipiliin niya. We're his priority. He'll always choose us—me and his kid.

When he stood up and grabbed th microphone, my heart started beating fast. Alam ko naman kung ano ang mangyayari. For months, I had known that this would be his last gig at sa concert na ito niya iaannounce na titigil na siya sa showbiz.

I waited for this moment. I dreamt of this moment. Pero hindi ko pa rin maiwasan na malungkot dahil alam ko na kahit hindi sabihin ni Shiloah, mamimiss niya ito.

"Before I sing my last song, I have an announcement to make," sabi niya na naging dahilan para tumigil ang sigawan sa loob ng arena. Nakakatuwa lang isipin na dati front-act lang siya ni Kyle pero ngayon, siya na mismo ang nagcoconcert.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon