Chapter 44: Time

28K 1.4K 663
                                    

UNEDITED... TAMAD... ENJOY READING...


DENISE


Pinagmasdan ko siya nang maigi. "Frey, are you still in there?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya ibabalik sa dati. Hindi niya ako sinagot. It seems that he was really under the organization's control.



"Give me the red diamond crystals," he repeated.



"I can't. This one is for Silver," mariing wika ko sa kanya. "Just come back, Fire," I pleaded. And then I noticed his staff. Nasa staff na niya ang apat na red diamond crystals. I gasped. Isa na lang ang kulang upang mabuo ang armas niya. Mariin akong napapikit. I can't give it to him. I know I'm being selfish but I really can't. Paano na si Silver?



But I know Fire. Hindi siya ganito. Hindi niya pipiliting kunin ang bagay na alam niyang kailangan ko kahit kailangan pa niya ito. I know that someone was really controlling him.



"Ice is really worried about you," nag-aalangang saad ko pero wala siyang naging reaksiyon. Nag-iisip ako ng mga tamang sabihin upang ipaalala sa kanya ang lahat. Upang maibalik siya sa katinuan. Kung nasa labas lang ako ng laro, baka may pag-asang masira ko ang microchip at maibalik siya sa dati pero wala akong magawa. I can only ask him to come back to his senses. Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko. I was too weak. I don't know what to do anymore.



May kakaiba akong naramdaman sa mga kamay ko na nakahawak sa puno. Muli kong nakita ang mga letra na lumitaw sa tubig kanina.



TIME, DEI



I gasped. I wonder what my brother was really asking from me. Should I buy him some time? Ano ba ang ginagawa niya?



FIGHT!



Mas lalong humigpit ang paghawak ko sa pana ko. He could see us. He was watching over us. Mabuti na lang at nagtagumpay siya na mapasok ang sistema ng larong ito. Medyo gumaan ang loob ko dahil alam kong ginagabayan niya ako.



Tiningnan ko si Fire. Inalis ko ang black cloak ko upang mas mabilis akong makakilos. "Siguraduhin mo lang na magiging maayos si Fire kung hindi patay ka sa 'kin kapag nakalabas ako rito nang buhay," bulong ko sa hangin. I noticed that the letters changed.



HAHA!



Damn! My brother could hear me! And that boost my confidence. Nabuhayan ako ng loob. I noticed that Fire was now ready to attack me. He was really after the red diamond crystals. I wonder if he wanted to kill me too. Mabilis na umiwas ako sa mga fire techniques niya. I jumped and swung on one of the branches of the trees in order to reach him. Mabilis kong inilabas ang espada ko. I thrust forward to attack him but he dodged it with another weapon. He also switched his weapon into swords. He's a dual wielder too.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon