Chapter 20

55.9K 1.1K 48
                                    

Catherine Faith's POV

Nasa bahay pa rin ako at gabi na.

Nag-aayos ako ng sarili ko dahil naisipan kong pumasok sa trabaho.

Nang makapag-ayos na ako.

"Harin! Mauna na ako ah." paalam ko sa kanya at umalis na.

After 15 minutes, nakarating agad ako sa workplace ko.

Teka? Bakit ang dilim?

Pumasok ako sa restobar at nakita kong konti lang yung tao at nakita ko rin na nandoon yung mga staff.

"Sir? Ano pong meron?" nilapitan ko yung boss ko.

"Faith, nalulugi na ang restobar at kailangan na naming magbawas ng empleyado......





..... At kasali ka sa tatanggalin" dagdag niya.







Natigilan ako.

Para pinagbagsakan langit at lupa ang nararamdaman ko.

"S-sir... H-hindi ni-niyo p-po ak-ako t-tanggalin." utal kong sabi.

"Sorry, Faith. Pero nung panahon na kailangan ka namin, wala ka. Puro ka excuse kaya napag-isipan namin na isali ka sa mga tatanggalin." sa sinabi niyang 'yon, napaiyak na ako ng tuluyan.

"Si-sir... P-please p-po. B-bigy-yan ni-niyo p-po ako ng isang ch-chance...." pagmamakaawa ko.

"Sorry, Faith. It's too late."

Hindi pwede 'to. Hindi. Hindi!

"S-sir... P-please p-po. W-wag n-niyo p-po a-kong ta-tanggalin.. Eto n-nalang p-po a-ang ki-kinabubuhay n-namin n-ng ka-kapatid k-ko." utal kong saad.

Hindi ko alam kung naintindihan nila ang sinabi ko.

Pero saan na kami pupulutin ni Harin kung mawawalan pa ako ng trabaho?

"Sorry talaga, Faith. Nalulugi na rin ang restobar."

"S-sir p-please p-po. N-nagmamakaawa p-po a-ako..." iyak na ako iyak.

"Faith, pwede mo nang kunin yung iba mong gamit sa staff room." hindi makatingin sa akin si Sir.

Mukhang eto na ang kapalaran ko. Pero paano na kami ni Harin?

Dumiretso ako sa staff room at kinuha yung mga naiwan kong gamit.

Kahit labag sa loob ko ay umalis na ako sa restobar. Umalis ako ng hindi man lang nila ako kinikibo.

Paano na 'yan? Wala na akong trabaho.

After kong magkaroon ng award sa Mr. & Ms. NSC, ngayon naman ako nawalan ng trabaho.

Naglakad lang ako ng naglakad.

Ni hindi ko na nga alam kung saan ako tutungo eh.

I am too broke.

Hindi naman kakasya sa amin ni Harin yung P10,000 na naipanalo ko.

Paano nalang kung naubos na 'yon?

Uutang ako? Eh, malamang naman malulubog ako sa utang.

Sa paglalakad ko, hindi ko namalayang nasa park na pala ako.

Umupo ako sa bench dito, at umiyak ako.

Kasi medyo mahirap makahanap ng trabaho na medyo malapit sa amin kasi paano kung may mangyari kay Harin? Yung sa restobar nga, pinakiusapan ko lang yung Boss na i-hire ako kahit minsan late akong pumapasok sa kanya.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon