Katapusan (Huling Parte)

961K 20.4K 34.3K
                                    

#JustTheBenefits

Katapusan (Huling Parte)

Shit!

"Imo?!"

Palakas na ng palakas iyong apoy pero hindi ko pa rin nakikita si Imogen. Tangina mo talaga, Bianca! Kapag may nangyaring masama sa kanya, ikaw ang susunugin ko ng buhay!

Puno na ng usok iyong buong bahay at mas kumakalat na iyong apoy. Halos hindi na ako makahinga at puro usok na iyong pumapasok sa katawan ko pero hindi ko kayang umalis. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakikita si Imogen. Sinubukan kong umakyat pataas pero sobrang lakas na ng apoy.

"Tangina."

Huminga ako nang malalim bago pikit-matang tumakbo paakyat. Baka nasa kwarto siya. Baka natutulog siya at hindi niya alam iyong mga nangyayari. Tangina hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kanya dahil sa akin! Kung sana hindi ko na lang siya nilapitan, hindi sana siya mapapahamak ng ganito.

Ang selfish ko kasi. Gusto ko siya para sa sarili ko pero hindi ko naisip iyong mga pwedeng mangyari sa kanya dahil sa pesteng pagmamahal na 'to.

Nakarating na ako sa kwarto niya pero umaapoy na 'yung pintuan. Pakiramdam ko malapit na akong mawalan ng malay dahil hindi na ako makahinga nang maayos. Hindi ko na alam iyong gagawin ko pero mas hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ko maililigtas si Imogen.

Pumikit ako at umatras at saka malakas na itinulak iyong pintuan gamit ang katawan ko. Shit ang init! Nahawaan ng apoy iyong damit ko kaya naman sobrang sakit ng balat ko. Bawat galaw ko, ramdam ko na nasusunog iyong balat ko.

Pero pagbukas ng pinto, biglang sumabog palabas iyong apoy.

--

"He'll be fine, Kach..."

"How can you say that? Hindi mo ba siya nakikita, ha, Tripp?! He's almost burned down!"

"We'll get him the best doctors. 'Wag ka ng umiyak. Makakasama 'yan sa baby."

May mga nagsasalita pero wala akong masyadong maintindihan. Parang biglang nanlabo iyong pandinig ko. Pinilit kong idilat ang mata ko pero hindi ko magawa. Sinubukan ko ring igalaw iyong katawan ko pero wala rin akong magawa.

Sinubukan kong tanungin kung nasaan si Imogen pero ungol lang ang lumabas sa bibig ko. Shit nasaan na si Imogen?! At nasaan ba ako?!

"Parker!" sigaw ni Ate Kach. Hindi ko siya makita pero kilala ko iyong boses niya. Sobrang hina ng naririnig ko. Hindi ako makakita. Hindi ako makagalaw. "Tripp, tawagin mo 'yung doctor, bilis!"

Gusto kong tanungin kung bakit ako nandito at kung nasaan na si Imogen pero hindi ko magawa. Bigla akong kinabahan nung makita ko na umiiyak si Ate. Sinubukan ko ulit na gumalaw pero hindi ko pa rin magawa.

"Doc, ano'ng nangyari sa kapatid ko?!"

"Your brother is still only half-conscious because of the anesthesia. Mabuti na lang at nakuha siya agad ng kaibigan niya bago pa mas malala ang nangyari," sabi niya. Hindi ko maintindihan. Ano ba ang nangyari sa akin?

"Hindi pa ba 'to malala?!"

"He could've died, Mrs. Palma. Your brother suffered 3rd degree burns in 60% of his body. His right leg was so burned. His eyes were also affected kaya malaki ang posibilidad na mabulag na siya. His left ear was also badly burned kaya naapektuhan iyong ear canal."

Fuck.

"Pero bakit hindi pa sila makapagsalita?" sabi niya habang umiiyak.

"He can still talk, Mrs. Palma. Hintayin lang natin na humina iyong epekto ng anestisya at saka magising na talaga siya. But you should be prepared because he'll be in a lot of pain once it wears off."

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon