Chapter 22

60.8K 1.2K 73
                                    

Catherine Faith's POV

Nandito na ako sa bahay at umaga na. Hindi na ako naabutan ni Harin kagabi kasi nakatulog daw siya.

Laking pasasalamat ko kay Jiyong dahil tinulungan niya ako kagabi. Siguro, patay na ako ngayon kung hindi siya dumating.

Hindi ko pa naku-kwento kay Harin yung nangyari kagabi at wala akong balak ikwento dahil mag-aalala yun. At yung pagkakasisante ko, ayaw ko ding sabihin kasi mamomoblema din 'yan. Bata pa siya, ayokong siya ang namomoblema ng mga bagay na hindi niya dapat alalahanin.

"Ate, ano? Ayos ka na? Pwede na tayong umalis?" tanong niya sa akin dahil papasok na kami sa school.

"Oo, tara na." pagkasabi ko nun ay umalis na kami at naglakad papunta sa school.

Habang naglalakad, nag-usap lang kami ni Harin.

"Harin, kamusta na ang buhay buhay natin diyan?" tanong ko.

"Ayos naman po, Ate. Malapit na nga pala kaming mag-exam." sagot niya.

"Ahh ganun ba? Mag-aral kang maigi ha."

"Ofcourse, ate. Haha!"




*BEEP BEEP* *BEEP BEEP*





Nagulat kami ni Harin nung biglang may bumusina.

Nilingon namin yun. Nakita naming bumaba ang car windows.

"Guys, sakay kayo!"

Ah. Si Dara lang pala.

"Wag na, Dara. Ayos na kami dito!" tanggi ko at ngumiti nalang sa kanya.

Nabigla ako nung bigla akong sikuhin ng mahina ni Harin.

"Ate, mag-iinarte ka pa? Sakay na tayo. Ayoko maging haggard 'pag pumasok sa school." bulong niya sakin.

"Nakakahiya naman kay Dara eh." bulong ko din.

"Ate kung ayaw mo, maglakad ka. Pero ako, sasama ako kay Ate Dara! Bahala ka diyan!" natatawa niyang bulong sa akin.

"Guys, tara na! Wag na kayong mahiya!" utos ni Dara.

"Eto na po Ate Dara! Sasabay po kami." sabi ni Harin kay Dara.

Aba! Etong batang 'to, sumusuway na sakin.

Hindi ko 'to bibigyan ng baon!

Ay wala na pala talaga akong maibibigay.

:(

At yun nga, wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanila.

Pasakay na sana ako sa may passenger seat nang biglang magsalita si Dara.

"Hep! D'yan si Harin. Gusto ko siyang katabi. Hihihihi~"

-_____-

Umupo si Harin sa harap at ako?

Dito sa likod, lonely.

Ako ang bestfriend tapos ako ang nasa likod. Amazing.

Maya-maya lang ay nasa school na kami ni Harin at nagpaalam na siya sa amin.

At kami rin ay nakarating agad sa school namin.

Nang bumaba kami, may naalala ako.



"Dara, bakit nga pala badtrip ka nung pageant?"



Tanong ko sa kanya habang patungo kami sa classroom namin.

"Eh kasi si Taeyang!"

Oooh~

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon