Chapter 37 (August 20, 2011)

1M 12.2K 1.8K
                                    

DATE POSTED: August 20, 2011

Chapter 37

"Listen... may sasabihin akong importante Phoebe." Sabi ni Philip habang nakatingin lang kay Phoebe.

Naasar si Kent. Hindi niya alam kung sinong lalaki ang bigla-bigla na lang susulpot at kakausapin ang asawa niya. Ngayon lang sila lumabas ng magkahawak ang kamay pero mukhang hindi pa siya napapansin nung Philip. Mas lalong kinaasar niya eh yung tinawag nung lalaki si Phoebe sa first name nito.

"Excuse me... I don't know who you are pero I don't think what you are about to say is important enough. Kailangan pa naming makapasok sa loob ng school."

"Importante to... Phoebe..." parang hindi naman pinapansin ni Philip si Kent at tuloy-tuloy lang ito sa pagkausap kay Phoebe. Parang hindi issue dito ang pagiging magkasama nila. Si Phoebe lang talaga ang kinakausap nito.

"Kent... pakinggan lang natin. Ano ba yun Philip?"

Nainis lalo si Kent.

Philip? Kung maka-Philip din siya parang close na sila ah! Pssh. Nakakabadtrip.

"Oh sige bilisan mo!" masungit na sabi ni Kent.

"Mahaba ang sasabihin ko. Baka naman pwedeng after ng klase. Maghihintay ako. Dito din. Ayun yung kotse ko. Yung blue--"

"Bakit kelangang mamaya pa!! Kung talagang mahalaga yan sabihin mo na!! Bakit papupuntahin mo pa sa kotse mo!" napasigaw na si Kent. Naiinis siya sa lalaking yun.

"Kent ano ba... Mainit na naman yung ulo mo." sabi ni Phoebe.

"Tara na nga Phoebe, mas madami pa tayong problema kesa dyan." Inakay na ni Kent si Phoebe papuntang school.

"Please, tungkol to sa intrigrang kinasasangkutan mo Phoebe. Alam ko kung sino ang may pakana!!" habol ni Philip sa kanila.

"Kent, teka lang..." bulong ni Phoebe kay Kent.

"Phoebe, you are cleared of all intrigues. Hayaan mo na yan!" sabi naman ni Kent.

"Please Phoebe, mamaya madami akong sasabihin. Maghihintay ako!" sabi ni Philip.

Ano ba siya sa eksena! Bakit hindi niya na lang sabihin kung sino ang may pakana? Bakit kailangan papuntahin niya pa si Phoebe sa kotse niya?!  Naisip ni Kent.

***

Nabother si Phoebe sa mga sinasabi ni Philip. Kahit na mistulang malinis na ang pangalan niya dahil sa sinabi ni Harley sa presscon kani-kanina lang, gusto niyang marinig ang sasabihin ni Philip.

"Kent..."

"Hayaan mo na siya. Magready ka na, maya-maya lang mamamataan na tayo ng mga press."

Lumingon ulit si Phoebe kung saan nandoon si Philip. Nakatingin pa din ito sa kanila.

"Punta tayo mamaya, makikinig lang naman tayo Kent eh, wala naman sigurong mangyayaring masama doon. Samahan mo ako."

"Phoebe, di pwede. Nakapangako ako na babalik ako agad ng shooting ng movie. Matagal din ako nawala."

"Eh di ako na lang." pilit ni Phoebe.

"Mas lalong hindi pwede. Sabay tayong uuwi mamaya. Ihahatid muna kita bago ako pumuntang shooting okay?"

"Okay." Yun na lang ang sinabi ni Phoebe. Pero ang totoo hindi niya alam ang gagawin niya. Gusto niyang makipagusap kay Harley at gusto niya ding puntahan si Philip.

Malapit na silang makapasok ng school. Humigpit ang hawak ni Kent sa kamay niya.

"Ayan na sila!!"

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon