Gotta Have Her (45)

860 24 1
                                    


Tumakbo agad ako papalapit sakanila para subukan silang pigilan.

"Aragon!"

Nakita nya agad ako at nagwave pa sakin ang gaga.

"Hi bitch! Where were you? Hinahanap kaya kit--Wait lang ha!? Leche kang babae ka! Sa susunod na maninimula kanang away, sigaraduhin mong kaya mong tapusin ha?! Peste ka!" at pinagsasabunutan nya parin yung babae, nagdadalawang isip ako kung pipigilan ko. Nakabraid kasi ang buhok ko ngayon ayoko syang magulo pfft.

"Aragon tama na yan!"

Bigla syang tumingin sakin na parang mangangain ng tao.

"Sanchez, look at my outfit. She ruined it! *Sabay harap nya ulit sa babae* You stupid STUPID bitch!!"

Naawa na ko dun sa babae dahil nakaupo na sya at kinakawawa na sya ni Heather. Lumapit na ko sakanila sabay hila ko sa kamay ni Heather.

"Hindi pa ko tapos!!"

Hila hila ko na sya pero sinisipa nya parin yung babae.

"Kalat kalat na yung eyeliner mo!"

Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko kaya hinawakan nya yung ilalim ng mata nya at nakita nya ngang kalat kalat na yung eyeliner nya.

"Look what you've done bitch!!"

Nagpumiglas sya sakin at akmang susugurin ulit yung kawawang babaeng nakaupo na sahig pero hinawakan ko sya ulit at tinangay na sya palayo.

--

Dinala ko sya sa bahay para maayos nya yung sarili nya. Mukha kasi syang taong grasa sa itsura nya.

"Oh, ito muna suotin mo pauwi. Hindi mo na masusuot yan, sira sira na yang uniform mo."

Nilapag ko sa harapan nya yung mga damit ko habang nakatutok sya sa salamin at nagmamake up na naman.

"So, may girlfriend na pala si Tangkad, hindi nya sinabi sayo?"

Panimula ko habang tumabi ako sakanya.

"Hindi. At wala akong pakialam, halata namang hindi nya mahal girlfriend nya no."

Nageeye liner naman sya ngayon.

"So, pagpapatuloy mo padin yang kung ano mang yang ginagawa nyo?"

Humarap sya sakin at tinitigan yung kilay ko. Umusog sya palapit sakin at kinilayan ako habang sinasagot mga tanong ko.

"Bat hindi? Ang saya nga e, atsaka laro laro lang naman to. No biggie."

Napailing nalang ako sa sinabi nya ng magring ang phone ko.

*Joshie calling..*

Hindi ko alam kung sasagutin ko o ano. Nakiusyoso si Heather sa phone ko at hinablot yun sakin sabay accept nya ng call.

"Hi Joshie!!!! Did you miss me?? Aww!! I miss you too! Gumwapo ka lalo ha? Nagpablond ka? bagay sayo!"

"Heather? Nasaan si Kim? Bat nasayo phone nya? I need to talk to her, may nangyari ba sakanya?"

Sumandal lang ako sa sofa at sinenyasan si Heather na sige lang makipagusap ka dyan, binabaan ako kanina ng mokong na yan para sa babae nya.

"She's here but she don't want to talk to you. But you can talk to me! How are you na ba? I miss you na."

Napataas ako ng kilay at tinarayan si Heather sabay sipa ko sa hita nya. Hoy boyfriend ko parin yan ilusyonadang to.

"I'm fine. I heard you already have a boyfriend, yet you're still flirting with me."

"Who says? Wait, are you jealous? Aww, that is so cute! Don't worry I'll break up with him na para happy ending na tayo ha? Hiwalayan mo na rin si Ki--OUCH!"

Binato ko ng unan si Heather sabay hablot sakanya ng phone ko. Nakakaloka parang wala ako sa tabi nya kung landiin ang Joshie ko.

"Josh."

"Princess?"

"Mmm."

Para namang hindi nya alam boses ko pfft.

"Galit kaba? Sorry kung yung tungkol kanina, yung babaeng narinig mo kaklase ko yun. Bigla kasi syang pumasok sa kotse ko kaya napatayan kita ng phone. At hindi kami sabay umalis o magkasama nun kung yun man iniisip mo okay?"

Pano ko makakasiguro kung totoo yung sinasabi nya? Pfft.

"Oo na."

"Princess"

"Okay na nga po, first time mo kasi akong pinatayan ng phone kaya kung ano ano na naisip ko. Naalala mo yung panaginip ko nung nandito kapa? Akala ko nangyayari na."

"Alin yung nambabae ako?"

"Oo."

"Princess, I told you before kahit kailan hindi yun mangyayari. May tiwala kaba sakin?"

"Merondhsjwj"

Sasabihin ko sanang meron kaso biglang nagdalawang isip ako.

"HA??"

"Meron."

"Oh, yun naman pala e. Wag kana magisip ng ganun ha? Nasaan kana nga pala ngayon?"

"Nasa bahay, napaaway si Heather kaya pinahiram ko muna mga damit sakanya pauwi."

"Why, what happened?"

"Long story. Anyway, may kakilala kabang Stanley Tahara nung elementary tayo?"

Bigla syang natahimik sa sinabi ko tsaka sya nagsalita.

"Ba't mo natanong?"

"Ba't ka nanahimik?"

"Is he bothering you?"

"Bothering? Hindi ah, tinatanong ko lang sayo kasi parang kaschoolmate natin sya dati."

"Bakit? Kaklase mo ba sya???"

"Oo, sya yung seatmate ko."

"WHAT?!"

Bigla kong nilayo yung phone sa tenga ko dahil bigla syang sumigaw.

"Aray ko naman, magsabi ka naman kung sisigaw ka dyan nangbibigla ka e!"

"Layuan mo sya ok?!"

"Ha? Bakit?"

"Basta! Layuan mo sya!"

"Bakit nga muna?! Tsaka seatmate ko sya pano ko sya lalayua--"

"HE'S MY BROTHER!"

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon