Gotta Have Her (47)

808 24 0
                                    

At Cafeteria

Kasama ko si Heather malamang sya palang naman kaibigan ko dito. Wow tinatawag ko na syang KAIBIGAN, big word!

Kasing bilis ni Flash yung pagkalat ng balita sa school na si Heather ang may ari ng ACA or should I say na anak sya ng may ari ng ACA.

"WHAT?!"

Sigaw ni Heather sa tatlong babaeng nakatitig sakanya sa kabilang table. Agad namang umalis sa upuan nila yung tatlong babae at lumipat ng ibang table.

"Stupid bitches."

"How come na hindi mo sinasabi saking ikaw may ari ng school nato? Rather anak kanang may ari ng school nato?"

"Does it make a difference?"

"Uhh..yeah? Di sana hindi ako dito nagenrol."

"Too late bitch, you're here now."

Tinaasan nya ko ng kilay sabay subo ng vegetable salad nya. Inirapan ko nalang sya ng makita ko si Stan na nakikipagkulitan kila Clyde at sa mga kabarkada nila. Ngayon ko lang din napansin na kamukha nya nga si Josh sa mata, sa ilong, sa labi lalo na sa mga ngiti nya. Pero hindi mo ganun kadali mapapansin sakanya dahil may something parin na hindi ko mapoint out kung ano ba pinagkaiba nila ni Josh. Siguro sa buhok, kasi long hair si Stan at kulot tapos si Jos---Bigla kong nilayo yung tingin ko dahil bigla kaming nagkatinginan.

"E-ehem!"

Nabilaukan pa ko sa kinakain ko ng makita kong papalapit sya sa upuan namin.

"Hi."

Bati nya sakin pero si Heather yung sumagot sakanya.

"Hi Stan! Come eat with us babe!"

Umusog pa si Heather at hinila si Stan patabi sakanya. Nagkukwentuhan sila sa harapan ko habang nilalandi naman sya ni Heather pero tingin naman ng tingin si Stan sakin.

"So um..gusto ko sana kayong iinvite sa party kila Clyde mamaya."

"Oh sure! pupunta ako Stan, sunduin mo ko?"

"S-sige. I'll pick you up at 8?"

"Sure!!"

Diretso lang ako sa pagkain ng kausapin naman ako ni Stan.

"Kim? Punta ka din please?"

"She's busy Stan, you know schoolworks, homeworks and all. I know she won't make it to the party sweetie."

Sabat ni Heather. Ay sige Aragon, pangunahan mo ko. Para namang aagawan kita kay Stan, may Joshie na ko no.

"Oo Stan, busy ako sa mga homeworks kayo nalang."

"Ganun ba, maybe next time?"

"Yeah sure! Next time!" Sabat na naman ni Heather.

Mayamaya nagring yung phone ko.

*Joshie's calling..*

"Excuse me guys."

Tumayo ako at lumabas ng cafeteria.

--

"So kailan pa kayo magkaibigan ni Kim?" -Stan

"3 months? Classmate ko sya dati at kaagaw sa lalaking boyfriend na nya ngayon. Sila ng may lovelife diba? Tss." -Heather

"Ah. May boyfriend na pala sya." -Stan

"Ba't nakasimangot ka dyan? Don't tell me crush mo sya?" -Heather

"Dati pa. Siguro hindi nya ko matandaan, pero ako hinding hindi ko sya makakalimutan." -Stan

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon