Gotta Have Her (48)

788 27 0
                                    


Maaga akong umuwi at tinawagan agad si Josh habang ginagawa ko yung assignments ko.

"Buti hindi ka sumama sa party na yun."

"Bakit naman ako sasama dun, anong alam ko sa pakikipagparty?"

"Alam mo na, meeting new people."

"Like guys?"

"No. Diba sabi ko bawal ka makipagkaibigan sa lalaki? Si Stan ano close ba kayo?"

"Mmm...Well, seatmate ko sya so hindi naman maiiwasan na hindi ko sya kausapin. But we're not that close."

"Lumipat kanang upuan, ayokong katabi mo sya."

"Hindi pwede."

"Magagalit ako."

"Edi makipagaway ka dun sa bakla naming prof, alangang ikaw sundin ko hindi naman ikaw nagbibigay ng grades sakin."

He pouted. Pinagpatuloy ko lang yung pagsusulat sa notebook ko habang nakadapa sa kama at nakaharap sa tablet ko.

"Um...Kim?"

"Mm.."

Busy ako sa pagsusulat kaya di ko muna sya nililingon.

"K-kim."

Nagsstutter na sya kaya tumingala na ko sakanya.

"Bakit?"

"Pwede bang umupo ka nalang?"

"Huh?"

"U-umupo ka nalang habang nagsusulat."

"Ayoko, sa ganitong posisyon ako comfortable eh."

"Alam mo bang may storm ngayon dito?"

"Ang weird mo. Kanina pinapaupo mo ko, ngayon ibobrought up mo yung storm dyan."

"Ibig sabihin kasi malamig dito ngayon."

"Oh tapos? Magkumot ka muna, or magsweater ka dali."

"Hindi...ano kasi e...um...yung ano mo...um..."

"Ano?"

"Yung dibdib mo kasi nakikita ko  sya sa pagkakadapa m--"

AHHH!!!! Bumangon agad ako at nagcover ng kumot.

"Kanina pa ko nakadapa ngayon kalang nagsalita dyan!!"

"S-sorry, pinipigilan ko naman sarili kong hindi titigan eh!"

Nagtatakip padin ako ng kumot, nakasando pa naman ako at halatang halata yung dibdib ko kasi hindi naman ako flat. Sorry sa mga flat dyan, pero cap B ako pfft. Nakita ko ding bigla syang nagkumot pero bago pa sya magkumot may napansin akong nagbubukol sa lower part nya.

Nanlaki yung mata ko sa nakita ko.

"Kim, bakit?"

"Ka-kasi n-nakita ko yung lower part m--"

"AHH!!! Kim naman!!"

Namula sya sa sinabi ko nagmukha syang makopa hahaha.

"Hindi ko naman sinasadyang makita eh!"

"Ikaw kasi eh"

"Ba't ako?"

"Kung hindi ka dumapa dyan at kita yung dib--"

"STOP! STOP! STOP! Ok na okay? Wag mo na ipaalala!"

Napatigil kami saglit at nagkatitigan, mayamaya nagtawanan kami pareho. Parehas naming narealize na para pala kaming mga bata sa nirereact namin, mga college na nga pala kami.

"Sige na Josh matulog kana, mahaba haba pa tong mga isusulat ko mapupuyat kalang kung aantayin mo pa ko."

"Hmm? Sige, wag ka masyado magpapakapuyat dyan ha? Wag mo papatayin yung tablet mo gusto ko nakikita kita."

"Opo, sige na sleep na Joshie ko."

"Goodnight Kimbertot ko. I love you."

"I love you too Joshiepot."

"Ang panget Joshiepot talaga?"

"Parang ang ganda ng Kimbertot ah?"

Bigla syang natawa sa sinabi ko. Hayy, ang lalaking to miss na miss na kita kung alam mo lang.

"Osige na goodnight Kimbertot. Mahal na mahal kita, at miss na miss na kita. Antayin mo ko ha?"

"Oo naman. Aantayin kita Josh, mahal na mahal din kita."

--

Joshua's POV

Babalik ako pangako. At sa araw ng pagbabalik ko, sisigaraduhin kong papakasalan na kita Kim. Wag ka sanang mahulog sa iba, hindi ko kayang mawala ka Kim. Hindi ko kaya.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon