Gotta Have Her (50)

830 27 1
                                    

Try Out

Magiintrams na at uso na naman ang mga sports. Iniimbitahan ako ng mga kaklase ko na sumali sa org nila pero hindi kami pumapayag ni Heather. Balak namin sumali sa volleyball team, actually ngayon ang try out namin para masabing pasok kami sa team. Nasa covered court kami ngayon ng makita ko sila Stan at Clyde na kasali sa basketball team.

"O.M.G he's here!"

Pumapalakpak na naman yung mga tenga ni Heather ng makita nya si Stan.

"Go Stanley baby!!"

Pagkasigaw ni Heather tumingin lahat sa direksyon namin yung mga kateam ni Stan. Sakin naman naglanding yung mata ni Stan at nginitian ako. Hala? Baka akala nya ako yung sumigaw? Pag tingin ko kay Heather ang sama na naman ng tingin nya sakin.

"Wag mo kong titigan ng ganyan, sigaw sigaw ka dyan tapos hindi nagpapakilala. Halika na simula na ng try out."

"Babalik ako mamaya para icheer ka baby ha? GO STANLEY!!"

This time nalaman na ni Stan na si Heather yung sumigaw. Pinagbabatukan sya ng mga kateam nya dahil may babaeng nagchicheer sakanya. Nakalikod na ko kaya di ko na alam naging reaksyon nya na hindi pala ako yung nagcheer sakanya.

Nagpalit na kami ni Heather ng jersey na pangvolleyball, malamang nakashorts kami. Parehas na kumikislap yung legs namin ni Heather. Maputi ako pero mas maputi ng konti si Heather. Nagsisikuhan yung mga kateam nila Stan paglabas namin ng restroom ni Heather. Yung iba nagsisipulan samin, bigla akong nailang samantalang si Heather nakapamewang pang maglakad at slowmo pa kumilos ang gaga. Buti pa sya sanay magshorts, ako hindi eh.

Nagsialisan yung mga nagbabasketball sa court at kaming mga magvavolleyball muna ang gagamit. Nasa bench sila Stan at pinapanood kami magtry out. Inspired naman si Heather dahil nanonood si Stan, ginagalingan namin pareho pati sa pagpalo ng bola palakasan kami. Don't get me wrong, hindi ako nagkikipagtagisan kay Heather para sa atensyon ni Stan. Ginagalingan ko dahil ayokong masali sa cheerleading squad o sa mga pageant pageant na pakana ng school.

"Whoo!! Go girls! Especially Heather! Whoo!!"

Kanina pang cheer ng cheer si Clyde para kay Heather pero hindi sya natutuwa. Gusto nya sigurong si Stan ang magmotivate sakanya. Napansin ko ding hindi na nya ginagalingan sa pagttry out.

"Aragon, galingan mo naman ayokong masali magisa sa team!"

Sigaw ko.

"Hindi ako minomotivate ni Stan eh."

Bigla naging malungkot yung mukha nya na never ko pang nakita noon. Binitawan ko yung bola at lumapit sa bench kung san nakaupo team nila Stan.

"Stan, pwede humingi ng favor?"

Nanlaki yung mata nya sa paglapit ko lalo na nung sya yung kinausap ko.

"S-sure! Ano ba yun?"

"Nakikita mo si Heather? Cheer for her."

"Ha? Bakit?"

"Halatang may gusto sya sayo at ngayong hindi mo sya chinicheer samantalang cheer sya ng cheer sayo kanina, hindi nya ginagalingan sa try out baka di sya makapasok. Please cheer for her para ganahan sya."

Nashock yung mga kateam nya sa favor ko.

"S-sige. Ngayon na ba?"

"Hindi antayin mo muna ako makabalik dun sa pwesto ko then wait 5mins bago ka magcheer."

"Okay sure Kim."

"Thanks Stan."

Tatalikod na sana ako ng magsalita naman sya.

"May favor din ako bago ko gawin yung favor mo."

Favor nga diba? Ibig sabihin walang kapalit.

"Ano yun?"

"Makikipagdate ka sakin."

WHAT?!

"Whoa" Sabay sabay na reaksyon ng kateam nya.

"Deal?"

Hindi ako makapagsalita, ngayon alam ko na pinagkaiba nila ni Josh. Ang Joshie ko gentleman, pag humingi kanang pabor sakanya hindi ka nya hihingian ng kapalit. Etong kakambal nya na si Stan, kabaligtaran. Akala nya siguro nakikipagbiruan ako.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Stan. It's just a favor."

Tumayo sya at palapit sya ng palapit sakin habang hawak yung bola sa mga kamay nya.

"Well, hindi kadali sakin na icheer ang babaeng hindi ko naman gusto at nagpapapansin sakin. That's not me Kim. Deal?"

Nasa harapan ko na sya at nakangiti ng nakakaloko sakin.

"Nevermind Stan."

At tumalikod ako. Wow, ang tunay na ugali ni Stan lumalabas. Anong pumasok sa utak nya na papayag ako sa gusto nya? Una, masasaktan ko si Heather. Pangalawa, kahit ilihim ko yun kay Joshua, hindi ko kayang idate ang kapatid nya habang nakatalikod sya. Siguro nga tama si Josh, hindi ko pa nga talaga siguro kilala si Stan. He's such a Jerk.

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon