Gotta Have Her (52)

775 21 0
                                    


"Biiiiitch!!!! Hulaan mo kung sino yung tumawag sakin kagabi at niyaya akong makipagdate!!"

Nandito ako sa tambayan ko alam nyo na kay Mr. Puno, ng talunan naman ako ni Aragon dito.

"Aragon! Inapakan mo yung cheesecake ko!"

Ang cheesecake ko! Huhu.

"Ay sorry, bibilihan nalang kita ng isang pack nyan ok?"

"K."

Sabay pikit ko basa ulit sa binabasa kong novel habang nakaheadset ako at nakasandal sa puno.

"Bitch! Si Stan inaaya akong makipagdate! Omygosh! Kailangan ko magpaparlor!"

OA. Para sa kumag na yun magpapaparlor pa sya? Kung ako yan at para lang kay Stan? Wag na uy.

"Great. Sige na magpaparlor kana alis na! Shoo! Shoo!"

Pinapagpagan ko pa sya na para bang tinataboy ko sya pero lalo lang syang dumidikit sakin at sumandal pa sakin habang ginagawang unan yung balikat ko.

"We should celebrate you know? Tsaka natanggap tayo sa volleyball team! Kailangan natin magpaganda!"

"Para kanino naman ako magpapaganda? Wala naman si Joshua dito."

I pouted.

"Oh come'on bitch, just because you're in a relationship with him doesn't mean na sakanya kalang magpapaganda. Dahil we're close now, magpapaganda kana ngayon hindi lang para kay Josh, kundi para narin sa sarili mo. Tara tayo! bilis!"

"Uy! Ayoko nga tsaka nagbabasa ako eh! This is supposed to be my quiet time alam mo yun??"

"Not anymore!"

Sya nagbitbit lahat ng gamit ko habang hila hila nya ko palabas ng campus at pasakay ng sasakyan nila.

---

Yanie's Beauty Parlor

"Good afternoon Ms. Aragon."

Bati samin nung parloristang bakla na parang may palong sa ulo.

"Manok sya diba?"

Natawa sya sa sinabi ko sabay siko naman sakin ni Aragon.

"Butch, this is my bestfriend Kimberly. I want you to make her look more glamorious, kulayan mo narin yung buhok nya kung kinakailanga--"

"No! Ayaw ni Josh na kulayan ko buhok ko uy!"

Lumingon sya sakin at inirapan ako.

"Wala si Josh dito, now shut up and let Butch to do all the work."

I pouted. Tinaasan nya ko ng kilay sabay harap ulit kay Butch.

"At yung sakin naman, kulayan nyo narin buhok ko at icurl nyo narin if needed. Ako magbabayad ng lahat, kaya galingan nyo trabaho nyo okay? Ayoko ng palpak like before."

Sabay irap nya kay Butch at hila sakin papasok sa loob kung san kami aayusan.

"Pag hindi nagustuhan ni Josh yung magiging itsura ko, ikaw sisisihin ko." Bulong ko sakanya.

"Sige lang, akong bahala dyan sa jowa mo." Sagot nya habang nilulugay na yung mga buhok namin at sinimulan na kaming ayusan ng mga parlorista.

--

"O.M.G. Bitch you look beautiful! Dumilat ka nga para makita mo itsura mo dali!"

Ayoko dumilat. Ayoko dumilat. Lagot ako kay Josh. Lagot ako kay Josh. Lagot ako kay Jo---Whoa, ang ganda ko.

Pagdilat ko sa salamin parang hindi ko nakilala yung sarili ko. Inistraight yung buhok ko which is lalo syang nagmukhang mahaba, kinulayan ng pagkakonting violet red at nagkaroon ng wave yung walang buhay na buhok ko noon. Pagtingin ko naman kay Heather nakablond na yung buhok nya at nakakulot pa, nagmukha syang manika!

"See? Yan ba yung hindi magugustuhan ni Josh? Anyway, I have to go na may date pa kami ni Baby Stan. Hatid pa kita?"

Busy ako sa pagtingin sa salamin na parang feeling ko hindi ako yung nakikita ko sa salamin. Patay ako kay Josh nito.

"Ah sige mauna kana, didiretso nalang ako sa bahay ingat ka enjoy your date."

"Of course! Ito na yun hindi na ko magpapaliguyliguy pa! Bye!"

Agad naman syang tumakbo palabas ng parlor at naiwan akong magisa. Nagthankyou nadin ako sa mga parlorista at lumabas nadin. Ang dilim na pala, masyado ata kaming ginabi. Wala pa kong makitang taxi, pano ko uuwi?

Nagsimula akong maglakad ng may tumigil naman na pulang sasakyan sa tapat ko. Nakaramdam ako ng kaba nung bumukas yung pinto at may lumabas na lalaking nakawhite polo, medyo broad shoulder at ang dalawang dimples na hindi ko makakalimutan.

"Long time no see, Kim."

"Keith?"

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon