Gotta Have Her (54)

732 18 1
                                    

Intramurals Day

"Galingan mo Princess ha? Naku kung nandyan lang ako, ako ang number 1 fan mo at magchicheer sayo."

"Haha kaso wala ka, pagpray mo nalang na wag akong matakot sa bola okay? Hahaha"

"Wag kang matatakot sa bola, isipin mo nalang ako yun na hahalik sayo kaya dapat paluin mo kundi makakascore ako sayo! Hahaha!"

Loko loko talaga no?

"Wag ka magalala yan talaga iisipin ko mamaya haha. Osha aalis na ko tawagan nalang kita mamaya okay? Goodluck sa exam mo mamaya ha? Galingan mo, kaya mo yan nireview ata kita kagabi."

Kinindatan ko sya habang sinusuot na yung rubber shoes ko. Nakavolleyball jersey akong papasok ngayon dahil puro laban ng sports ang mangyayari ngayon sa school.

"Ako pa ba? Syempre hindi kita ipapahiya, papakita ko sayo yung test paper ko mamaya para makita mo yung perfect score ko para sayo yun haha."

"Dapat lang no. Osha bye na Joshie ko late na ko. I love you!"

"I love you too Kimbertot. Goodluck wifey!"

Nagflying kiss sya sakin at nagkunwari na naman akong sinalo yun. Nahawa narin ako sa mga trip nya eh, pinatay ko na yung tawag nya at nilagay sa bag yung tablet ko para pag tinawagan ko sya mamaya.

--
Pagdating ko sa school dumeretso agad ako ng covered court. Nakita ko na lahat ng mga manlalaro na magsisipaglaban ngayong araw. May mga badminton players, Sepak, Ping pong, Swimmers at Volleyball team. Syempre hindi papahuli yung Basketball team nila Stan.

Nakatingin sakin lahat nung dumating ako, may mga nagbubulungan at mga lalaking nagsisikuhan. Una kong nakita si Heather na tumatakbo papalapit sakin, ang ganda nya mukha na talaga syang barbie. Niyakap nya ko at inayos pa kunwari yung buhok ko.

"Bagay na bagay talaga sayo yung hair mo girl! Ano sabi ni Joshie?"

Nagglare ako sakanya.

"I mean ni JOS-HUA" Good.

"Nagtampo yun sakin kagabi baka daw maraming magkagusto sakin."

"Nako ha, hindi  ba nya alam na nandito pa ko? Ako lang dapat maganda dito!"

Nagtawanan kami at tinulungan nya ko sa mga dala ko. Nagwarm up kami bago magsimula, jumping jacks at ilang stretching. Mayamaya lumapit yung team nila Stan samin at inakbayan nya si Heather.

"Uh...kayo na ba?" Tanong ko.

"Silly! Hindi pa no, yun ay kung manliligaw na sya sakin" Sabay pacute nya kay Stan pero nginingitian lang sya nito.

"Galingan nyo ha? Ichicheer namin kayo."

Pagkasabi nyang yun sakin sya nakatingin kahit kay Heather sya nakaakbay.

"Oo naman kami pa b--"

Natigilan ako sa pagsasalita ng makita ko sa likod nya si Keith na may hawak na bola at nakajersey din.

"Ay girls, si Keith nga pala bagong kateam namin." Pakilala ni Stan sa amin.

"Ah."

Tumalikod na ko at tinuloy yung pagsstretch ko. Nakakasira ng mood yung mga ex na nga, umeEXsena pa!

Nagsimula yung laban namin na puro ako ang nakakapalo o di kaya'y kay Heather ko palaging ipinapapalo. Ang lakas ng cheer samin ng mga kaklase namin at ng team nila Stan. Narinig ko pa nga kaninang isinigaw ni Stan yung pangalan ko at tumayo na sya malapit sa court. Narinig yun ni Heather kaya parang kanina pa sya nangiinit sakin at tinatamaan ako ng bola.

"What the hell Heather! Ba't akong tinatamaan mo!"

Sigaw ko sakanya dahil muntikan na naman nya kong matamaan sa pang walong beses.

Iniirapan nya lang ako tuwing tinatanong ko sya. Tatlong oras ang nakalipas tapos na yung laban volleyball at nagkataon pang huling tira ko yung nagpanalo sa team namin. Nagsilapitan sakin lahat ng kateam namin at pinupuri ako.

Volleyball teammate#1: Ang galing mo Kim!

Volleybal teammate#2: Buti nalang talaga kinuha ka namin nung try out!

Volleyball teammate#3: Celebrate tayo mamaya sa bahay ah? Let's party!! Kim wag kang mawawala ok?

"Ah hehe, sige ba sabihan nyo lang ako kung anong oras."

Pinagkakaguluhan parin nila ako pero hindi ko makita si Heather. Lilingon sana ako sa likod ko para hanapin sya ng may sumigaw ng pangalan ko.

"KIM!"

*BLAG*

Hanggang dun nalang naalala ko dahil parang may tumama sakin ng pagkalakas lakas sa batok ko at nagsimula ng dumilim yung paningin ko. Bumagsak ako sa sahig at tanging mga paa nalang ang nakikita ko dahil hindi ko maimulat yung mga mata ko.

"Tabe! Ano ba! Sinabi ng tumabi kayo! Kim? Kim! Ok kalang ba??"

Hindi ko maaninag yung kumakausap sakin hanggang sa naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin at tuluyan na kong nawalan ng malay.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon