CHAPTER TWENTY SEVEN

55.9K 761 119
                                    

Naiwan si Summer sa kitchen nila Clyde habang nag-usap sina Lian at Clyde doon sa garden. Niyaya naman siya ni Lian na sumama sa kanila, pero tumanggi naman si Summer. Pakiramdam niya kasi ay napilitan lang siyang yayain ni Lian, at gusto niya rin naman sila bigyan ng privacy.

Si Summer? Nagseselos? Psh, hindi ah! 'Bat naman daw kasi siya magseselos? Eh mag-bestfriends at first love lang rin naman siya ni Clyde. Meron ba siyang dapat ika-selos dun?

"So umm, how's life?" tanong ni Lian kay Clyde.

"Okay naman, masaya. Ikaw? Kumusta ka naman?"

"Well, everything's great! As always!" nakangiting sagot ni Lian.

Ngumiti nalang rin pabalik sa kanya si Clyde. Pakiramdam niya kasi, ang awkward, di niya naman alam kung bakit.

"So, I heard na kayo na ni Summer?"

"Kanino mo naman nalaman yun?" natatawang tanong ni Clyde.

"Kanino pa ba? Edi sa chismoso mong bestfriend!" tumawa rin si Lian, si Kier ang tinutukoy niya syempre.

"Hmm, yeah." Tumango naman si Clyde, sinagot niya yung tanong ni Lian kanina.

"I've always knew you'll fell for her someday." sabi ni Lian, at ngumiti. "So, how did it happened?"

"What do you mean?"

"I mean, hindi ka naman mai-inlove sa isang tao kung wala siyang gagawin sayo na nakaka-inlove diba? So, anong ginawa niya para ma-fall ka sa kanya?" Baka ginayuma? Haha, joke lang po.

"I...don't know. Kahit ako hindi ko rin naman malaman kung bakit dun pa ako pumatol eh." Tumawa si Clyde.

"Haha, okay. So what do you like about her?" sunod-sunod na tanong sa kanya ni Lian, parang interviewer lang.

"Hmm, everything." sagot ni Clyde. "I like everything about her. Alam mo yun, bawat pang-aasar niya sakin, yung bawat pamimilosopo niya sakin, yung mga times na binabatukan niya ako? I like that."

Hindi na namalayan ni Clyde na nakangiti na pala siya, kahit iniisip niya palang si Summer.

"Alam mo yung sa dinami-daming babaeng nagkakandarapa sakin, siya lang yung nag-iisang nagsabi na kadiri ako? Tsaka yung kahit anong mangyari, simple lang siya. No makeups, no skirts, no lipsticks or stuffs. Just natural. Gusto ko rin yun."

"Oh, I wasn't expecting that." Mahinang sabi ni Lian.

"Ha?"

"A-ah, sabi mo kasi kanina hindi mo alam kung bakit ka na-fall kay Summer eh. Tapos ngayon, ang dami mong reasons sa kung bakit mo siya gusto."

Natawa nalang si Clyde. "Ikaw naman, parang hindi ka na nasanay." at pinitik siya nito sa noo.

"Aray! Ikaw talaga!" akmang gaganti na sana si Lian at pipitikin din si Clyde kaso bigla itong tumakbo.

"Hoy! Ang daya mo! Ang sakit kaya nun!" sigaw ni Lian habang tumatakbo.

"Bleh! Habulin mo muna ako! Bwahahaha!"

"H-hoy teka! Wag mo bilisan takbo mo!"

Papunta palang sana sa garden si Summer para bigyan sila Lian at Clyde ng miryenda pero nakita niyang parang sobrang saya nila at naghahabulan pa. Ganun ba talaga sila? O hindi lang ako sanay? O baka naman nagseselos lang talaga ako? Tanong ni Summer sa sarili niya.

Nakita niya yung mukha ni Clyde, kakaiba yung mga ngiti niya. Yun yung mga ngiting minsan lang makita ni Summer. Pero bakit nung nakasama niya ulit si Lian eh, sobrang saya niya na?

Naisip naman ni Summer na hindi siya pwedeng magselos. Dahil daw selos ang madalas na maging rason sa mga away sa isang relasyon. Tsaka naintindihan niya naman yung fact na mag-bestfriends lang sila, at siya pa rin naman ang girlfriend nito.

Kailangan niyang maging mature. Naghahabulan lang naman sila diba, Summer? Wag mong lagyan ng malisya yun.

Nakapag-desisyon si Summer na umuwi nalang, dahil ayaw niya namang sirain ang moment nilang dalawa dun. At ayaw niya nang lumala 'tong nararamdaman niya ngayon.

"Hay, pagod na ko." sabi ni Lian at napaupo nalang.

"Oh sige na, pinitikin mo na din ako." sabi ni Clyde at nilapit ang noo nito sakanya. Pinitik naman siya ni Lian pero mahina lang. "Teka, akala ko ba, for-good ka na sa France? Bakit ka bumalik?"

"Ah! Long story. Pero pinayagan ako ni Daddy na magkaroon ng one month vacation dito sa Philippines."

"Ahh..." sagot ni Clyde. "Eh kumusta pala yung buhay mo sa France? How's your classmates?"

"Oh! They're nice! Super friendly. Kaya hindi naman ako nahirapang mag-adjust."

"May...mga nanligaw ba sayo dun?" bigla nalang yun lumabas sa bibig ni Clyde, hindi niya naman alam kung bakit 'yun ang naitanong niya. Siraulo talaga 'to.

"Oh, haha. Yes..." nag-aalangang sagot ni Lian. "but...they're not my type."

"Ha? Bakit? Pangit ba?"

"Hindi naman sa pangit. Pero, I don't know. Ayoko lang talaga sa kanila, tsaka may iba na akong gusto."

Napatingin naman sa kanya si Clyde nung sinabi niya 'yun. Talaga? May iba na siyang gusto? Sino?

"Sino ba?" tanong niya. Bestfriend naman siya ni Lian, di'ba? Kaya pwede niya naman malaman.

"Secret! Bleh!"

"Ehh?"

"Halika na nga! Baka naiinip na si Summer dun! Kanina pa tayo magkasama eh!" yaya ni Lian.

Nahalata naman ni Clyde na iniiba ni Lian ang topic nilang dalawa. Gusto niya lang naman makilala kung sino yung tinutukoy niya eh! Masama ba 'yun? Eh sa nahawa na si Clyde sa pagiging chismosa ni Summer.

"No! Seryoso, sino muna? Dali na, parang di naman tayo magkaibigan niyan oh."

Ngumiti siya at sumagot, "Makikilala mo rin siya, someday." at tumakbo na siya pabalik sa loob.

Kakaiba talaga yung mga ngiti niya. Alam niyo yung kapag ngumiti yung isang tao, parang naku-kumpleto na kaagad yung araw mo? Ganun yun eh.

"Asan na si Summer?" tanong ni Clyde sa maid nila nung makapasok na sila sa loob.

"Ay ser, umuwi na po."

"Ha? Hindi man lang siya nagsabi? O nagpaalam?" Naiinis si Clyde. Kahit kailan talaga hindi marunong makisama 'yun no? Sasabihin niya lang naman na aalis na siya, hindi man lang niya kaya? Anniversary pa naman nila ngayon tapos ganito mangyayari?

"Lian! Halika, kain muna tayo." tawag ni Clyde sa kanya.

"Eh paano si Summer? Hindi mo man lang ba siya tatawagan?"

"Mamaya na, okay lang naman yun para sa kanya eh."



***

My Probinsyana Girl is now a published book under Life is Beautiful (LIB) for only 129.75 PhP.

It will be available soon on different bookstores nationwide.

Visit my Facebook page for more updates and info:

http://facebook.com/pajibarstories (External Link)

Please do grab a copy and keep supporting!

Thank you so much!

My Probinsyana Girl (Published Book)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon