Chapter 38 (August 20, 2011)

995K 10.5K 1K
                                    

DATE POSTED: August 20, 2011


Chapter 38

What?! Tsk. No Kent... Wala yan... It's just a simple hug.

Nakita niya rin na hinalikan ni Harley ang asawa niya. Nagsikip ang dibdib niya. Kahit sa pisngi lang yun. Feeling niya naging possessive na siya kay Phoebe pagkatapos ng mga nangyari sa Italy.

Bakit may halik pa?? Nakakabadtrip... Pshh. Keep your cool Kent... Haie. Bakit ganito. Nakakainis. Dapat ba hindi ko na lang sila pinagusap? Haie ang selfish ko...

Nang makita niyang papaalis na si Phoebe ng gym ay dali-daling umalis si Kent.

Tsss. Ano bang ginagawa ko... Mabuti nang hindi niya ako makita na nandito. Naisip ni Kent at nauna na siyang bumaba. Naiinis siya pero alam niyang nasa mali siya.

***

Natapos na ang klase at may kaunti pa ring tumitingin tingin kay Phoebe kapag naglalakad sa hallway.  Nauna silang pinalabas. Ang balak niya sana ay hintayin si Kent sa tapat ng classroom nito pero nao-awkward siya lalo na't nandoon din sina Elisa, at si Harley.

Naghintay sila ni Jhone sa baba.

"Nga pala Fibboy, yung Philip? Paano siya?" paalala ni Jhone

"Hala oo nga. Di ko nga alam eh. Tsk! Ayaw naman ako samahan ni Kent."

"Puntahan natin mamaya yung kuya Philip. Naiintriga ako eh!"

"Tayo? Paano? Eh ihahatid nga ako ni Kent sa bahay..." sagot ni Phoebe

"Eh di pahatid ka... Maghihintay naman daw yung Philip diba? Sunduin kita."

"Talaga??? Waaah Sige Sige samahan mo ako kay Philip."

"Parang excited ka naman! Gwapo ba gwapo?"

"Si Jhone parang tange... di naman siya yung habol ko, yung sasabihin niya!"

"Pero gwapo nga ba?" pangungulit ni Jhone

"HINDIIII!!! Si Kent lang ang gwapo!!!"

"Ay patay na talaga ako sayo... Tsk... Lasing ka ba? Baliw na baliw ka kay Kent? Sabi nila beauty is in the eyes of the beer holder hahaha. Patay na ako wahahaha Lasheeng ka!!" sobrang animated ni Jhone. Akmang inuuntog nito ang sariling ulo sa pader.

"Baliw hahahaha!" natatawa si Phoebe sa kaibigan. "Magtigil ka nga mukha kang baliw diyan haha."

Habang nagbibiruan sila, saktong bumababa si Elisa. Tumingin ito kay Phoebe, at lumipat ang tingin nito kay Jhone na naguuntog sa pader.

"The hooker and the freak..." mahinang sabi nito pero sapat na para marinig nila Phoebe.

"Grrr!!! Sasabunutan ko na  yung babaeng yun Phoebe!!!" gigil na gigil si Jhone. "Pigilan mo ako pigilan mo ako Fibs!"

"Bakit kita pipigilan?! Go!!!" matabang na sabi ni Phoebe. Naiinis na rin kasi siya kay Elisa. Kung hindi lang dahil kay Kent dati, nasabunutan niya na sana ito. Pero mabilis na naglakad si Elisa papalabas.

Pagkatapos nun, pababa na rin si Kent.

Hmmpf. Parang hindi na sila nasanay kay Kent. Ang lalagkit pa rin tumingin ng mga babae pshhh. Naisip ni Phoebe dahil parang ewan pa rin ang mga estudyante ng school kapag nakikita si Kent.

"Sunod..." masungit na sabi nito sa kanya. Seryoso na naman yung mukha.

Hmmpf! Anong nakain na naman niya?!?! Sunod??? Anong salita yun? Susunod ako? Tae talaga!! Mood swings mo grrr kung di lang kita mahal!!!

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon