CHAPTER 127

3.8M 84.2K 126K
                                    

KEV'S POV

Hanggang ngayon ay hindi ko mabawasan ang mga tanong sa isip ko..

Sana nga ay nagkakamali lang ako.. na ang Taguro'ng tinutukoy ng kapatid ko ay ang Taguro'ng kinamumuhian ko..

"Tsk.." singhal ko pa habang naglalakad papalabas ng LU. Tulad ng nakasanayan.. maglalakad na naman ako pauwi mag-isa..

Hindi pa man ako nakakabawi ng lakas mula sa Interhigh at hazing ay may pasok na agad..

Napahinto pa ako at saka napailing dahil sa naiisip ko..

Imposible naman kasing dalawang magkaibang Taguro ang kilala ko at kilala ng kapatid ko!

Naiinis ako sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko pero ni isa sa kanila ay hindi ko masagutan!

Nung Championship habang pinapanood ko si Maxpein ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam lalo ng galit!

Pano nya nakilala si Bree?!

Bakit nya kami dinalan ng groceries!?

Pano nya nalaman ang bahay namin?!

Badtrip!

Nanginginig ang kalamnan ko sa twing mag-iisip ako ng hindi ko kayang sagutin!

Pano nya napasok ang buhay ko!

Muli kong inalala ang nangyari nung isang gabi..

~FLASHBACK~

Pareho kaming hindi nakadilihensya ni Nanay, dahil ang dati naming gawain ang magdispatser sa sakayan ng jeep malapit sa Mall ay doon kami pumunta, munit maggagabi na rin nung nakarating kami don dahil nilakad lang namin yun kaya naman lampas na ang oras ng uwian ng mga estudyante..

Mahigit bente singko pesos lang ang halagang naiuwi namin at tanging tuyo lang ang nabili namin..

Gayunpaman ay masaya kami ni Nanay sa tuyo'ng iniuwi namin.. Kaya masaya na rin ako.

Pagdating sa bahay ay agad kaming pumasok at tinawag si bunso..

"Bree??" tawag ni Nanay sa kanya na binuksan agad ang pinto at pumasok. Sumunod naman ako. Pumasok ako sa kwarto para hubarin ang sapatos at uniform ko.

"Naaaayy!!!" salubong ni bunso sa kanya at saka yumakap.

"Mmm.." nakangiting salubong sa kanya ni Nanay at yumakap rin. "May dala'ng pagkain si Nanay, gutom ka na ba??"

"Busog na busog na nga po ako e! Pinakain ko na rin po sila Ate at Tatay!"

Natigilan ako sa paghuhubad ng sapatos ko nung marinig ko ang sinabi ni bunso at lumabas ako mula sa kwarto ko.

"Kumain na kayo?? S-Saan kayo kumuha ng pagkain??" gulat pang tanong ko.

"A-Ahh.." hindi makasagot si bunso.

"Bree..." tawag ko pa sa kanya.

Kinabahan ako sa sinabi nya..

San sya kumuha ng pagkain?? Tsk! H-Hindi kaya... m-marunong na rin mangupit 'tong kapatid ko??

Nainis ako sa sarili kong naisip!

Lumuhod ako sa harap nya at saka tumingin sa mga mata nya at hinawakan pa sya sa magkabilang balikat nya.

"B-Bree.. s-sabihin mo kay Kuya.. s-san ka kumuha ng kinain nyo??" malumanay na tanong ko.

"A-Ang totoo k-kasi Kuya.. d-dumating yung kaibigan ko.."

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon