Chapter 35

294K 8.4K 114
                                    

Chapter 35

The Prom Day

It's the day of the prom. Nakahiga pa rin ako dito sa kama ko instead of preparing. Nawalan na ako ng gana sa mga kinikilos ni Apxfel. Ano bang nangyayari sa kanya?

Parang ayoko na tuloy pumunta sa prom. What's good about it? He didn't even ask me to be his date. Ni hindi ko nga alam kung pupunta pa siya doon eh. O kung naaalala manlang ba niya na prom namin ngayon.

Matutulog na lang ako.

I was about to put my earphones on ng may tumalon sa kama ko.

"Frans!" Pag tingin ko si Paui pala. What? How? Paano siya nakapasok sa bahay. Naka lock kaya ang gate at ang pinto! But instead of asking I just shrugged.

"Why are you here?"

"Seriously Frans? Yan talaga ang pambungad mo sakin? Bumangon ka na kaya! Kailangan na natin mag ready jusko. Alasingko na! Seven nasa venue na dapat tayo." Sabi ni Paui.

"Tinatamad na kong pumunta." Sagot ko rito.

"Ewan ko sayo, pag di ka bumangon dyan bubuhusan kita ng tubig!" Ang kulit ni Paui. Hindi niya talaga ako tinigilan kaya ngayon ito naka gown na ako ngayon at nakapag make-up na din. Maya maya daw susunduin na din kami ni Zimmer.

Si Apxfel? Ewan ko. Hindi siya nag paparamdam. Hindi ko na siya tinext at tinawagan, gusto kong malaman niya na naiinis ako sakanya.

It only took 30 minutes bago kami nakarating sa venue. Ang dami na ding mga juniors and seniors na nandoon. Dapat excited na excited ako ngayon pero hindi. Not even a little.

May mga bumabati din sakin.. ang ganda ganda ko daw ngayong gabi. And it felt nothing, because the only person I wanted to hear that from is not even here.

The program starts pero ni anino ni Apxfel hindi ko nakikita. Hanggang ito na Cotillion na.

Hindi ako nakasali sa sayaw dahil wala si Zimmer. Wala akong ka-partner! Asan na ba siya? Di bali na nga lang. Hindi ko din naman feel na sumayaw.

Nakakatawa kasi pareho kami ni Michelle na nakaupo ngayon. Wala si Apxfel kaya wala din siyang partner. She really seems pissed. Sorry siya, mas pissed ako.

Nag punta na lang muna ako sa Comfort Room. Tinignan ko yung phone ko pero wala pa ding Apxfel na nag tetext. I just look at myself on the mirror.

"Okay lang 'yan. Okay lang." sabi ko sa aking sarili.

Palabas na ko sa CR nang biglang pumasok naman si Paui.

"Frans nandito ka lang pala! Hinahanap kita, nag panic ako kala ko umuwi ka na!" She exclaimed.

Bago pa ko mag salita hinila niya na ako palabas ng CR.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Kasi hindi kami sa table namin papunta.

"Basta." Sagot ni Paui sakin. Hindi na ako pumalag. Kilala ko 'to eh! Hindi ako nito titigilan.

Umakyat lang kami ng isa pang floor mula doon sa prom venue. Hotel kasi ito eh.

"Ano bang gagawin natin dito Paui? Balak mo bang mag check in?"

Pumasok kami sa isang kwarto doon. Kagaya lang din nung kwarto na ginaganapan ng prom namin ngayon.

Sumunod na lang ako kay Paui kahit wala akong ni katiting na idea kung ano ba ang meron.

Pag pasok namin sa kwarto sobrang dilim. Wala akong makita!

"Paui ano 'to?" Pag tatakang tanong ko.

I was about to ask another question pero biglang bumukas ang lahat ng mga ilaw.

Ang una kong nakita? Ang mga lobo sa paa ko. Unti unting nag a-adjust yung mata ko sa liwanag at tska sinuri itong kwarto.

It is like the room of the prom's venue. Iba lang ang set up.

May nakita akong isang lamesa at dalawang upuan. May mga kandila yun, bulaklak at pagkain na naka arrange ng maayos. The whole room is filled with balloons.

"Paui ano ba kasi..."

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon