Gotta Have Her (59)

703 19 0
                                    


"Lunch is on me. Treat ko kayo."

"Whooo!!! Yan ang gusto namin sayo Stanley! Bumabait kanang di oras! Hahaha!"

Nagtawanan sila Clyde pati yung ibang kateam nya at mga kateam ko sa volleyball. Naging magbabarkada na kaming lahat simula nung intrams, si Heather? Hindi ko sya nakikita sa school. Binabalak ko na syang puntahan sa bahay nila, humahanap lang ako ng magandang chempo.

"At exact 1pm, labas na tayo ng campus may nagaantay na kotse sa labas para sunduin tayo."

Nagsigawan na naman sila Clyde. Tuwang tuwa sila e, natutuwa rin naman ako pero kulang kasi kami. Wala si Heather, kahit sabihin nating galit ako sakanya wala e, kaibigan ko parin yung gagang yun.

"Um guys, pass muna ko may pupuntahan kasi ako eh."

"Aww! Sumama kana Kim!" Pilit sakin ni Tonette.

"Oo nga! Lagi kanang hindi sumasama samin kahit nung Victory Party." Singit ni Chloe, kateam ko sya.

"Bakit saan ka pupunta?" Bulong sakin ni Stan.

"Puntahan ko lang si Heather."

"Hatid na kita sakanila."

"Wag na, ititreat mo pa sila diba? Gutom na gutom na yang mga matatakaw na yan wag mo silang paasahin."

Sabay ngiti ko sakanya.

"Osha dito na ko dadaan para di na nila ako makita. Enjoy kayo ah bye!"

"Ki--"

Sa fire exit ako dumaan para makatakas sakanila, malamang kasi na hindi ako paalisin ng mga yun pag nagkataon.

--

Pagdating ko sa bahay nila Heather, I mean sa Mansion nila Aragon, nanliliit ako sa laki ng bahay nila. Yung garden nila mas malaki pa sa lote ng bahay namin amp!

Pinindot ko yung parang radio sa gilid ng gate at may nagsalitang guard ata yun.

"Sino pong hanap nila?"

"Um si Aragon po?"

"Si Mr. Aragon, si Mrs. Aragon o si Ms. Heather po?"

Tae. Ang bobo mo Kim, lahat nga naman ng nakatira sa bahay na yan mga Aragon diba? Linaw linawin mo naman kase.

"Ay, si Heather po."

Mayamaya biglang bumukas na yung gate, may nakita akong guard house sa gilid pati yung guard na kausap ko sa radio kanina. Sinenyasan nya ko na dumiretso na ko sa paglalakad. Ang haba ng garden nila, may bench pa ang sarap siguro tumambay dun. Pagdating ko sa porch nila sinalubong agad ako ni Heather.

"Biiiiitch!!!!"

Tumakbo sya sakin sabay yakap. Naririnig kong sumisinghot singhot sya habang nakayakap sakin. Umiiyak ba sya?

"Uy umiiyak kaba?? Wag dyan uy yung damit ko!"

Pabiro ko pang sabi dahil tulo na sipon nya. Inabutan ko sya ng panyo ko, naalala ko yung sa airport nung sya nagabot ng panyo sakin nung uhugin na ko sa kakaiyak. Kinuha nya agad yung panyong inaabot ko sakanya sabay singa ng sipon nya.

"Ew. Labhan mo yan pagkatapos favorite ko yan e." Biro ko sakanya.

"Hindi ako naglalaba, bibilihan nalang kita ng bago isang dosena pa kung gusto mo."

Hindi parin sya nagbabago.

"Sorry ha? Sa ginawa ko sayo, I feel so stupid that day na binato kita ng bola. Nagselos lang ako, at ikaw na naman ang dahilan. Hindi ka naman maganda pero bakit ikaw palagi nagugustuhan."

She pouted. Hindi ko alam kung patatawarin ko tong babae to o sisipain ko pabalik ng Mars e.

"Ok na wag mo intindihin yun baliwbaliw ka kase, pero ok na napatawad na kita. Anyway may treat si Stan sa barkada sa bahay nila, gusto mo bang humabol tayo dun?"

"Nah, ayoko na kay Stan."

Meet Heather Aragon, ang babaeng madaling magkagusto pero mas madaling magsawa.

"Wow, e sino bago mo?"

"Si Jiro! Ang cute cute nya alam mo yun?! Actually, hinatid nya ko kagabi. Ang sweet no?!"

Natawa nalang ako sakanya, namiss ko rin ang babaitang to kahit papano.

"Pano si Clyde? May crush kaya yun sayo."

"E wala akong crush sakanya, end of discussion!"

Nginitian nya ko sabay hila nya sakin papuntang living room nila.

"Magsleepover ka dito tonight. We need to catch up! Isang linggo din tayong hindi nagpansinan no."

"Nga-ngayon? Ano kasi--"

"No excuses! Hindi mo man lang ako pagbibigyan? Sige ganyan ka!"

She pouted again. Oo na maganda ka parin kahit mukha kang donald duck sa kakapout mo dyan.

"Fine."

"YEHEY! I've already planned this all night! Tara sa taas dali!"

Hindi na ko nakaimik sakanya dahil hila hila na nya ko pataas ng hagdan. Ang laki ng hagdan nila nakared carpet pa, ako lang na talaga mahirap sa mga kakilala ko? Lakas makapangliit ha.

---

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon