Gotta Have Her (61)

691 18 0
                                    


Joshua's POV

4 DAYS EARLIER

"Dad, hindi nyo kong pwedeng diktahan kung sinong gusto kong pakasalan!"

"Bumabagsak ang kompanya natin Joshua, kailangan natin ang tulong ng pamilya Shneel kaya gusto kitang ipakasal kay Violet dahil yun ang kondisyon ng Ama nya."

"Alam nyong may naiwan ako sa pilipinas hindi ba? Hindi pa ba sapat yung sumama ako sainyo dito at iwan sya?! Dad, I love her!"

"I DON'T CARE IF YOU LOVE HER! UNLOVE HER IF YOU MUST! This family needs you, we are counting on you Joshua! Don't let us down!"

Hindi ko mapigilan yung galit na naramdaman ko sa huling sinabi ni Daddy. Unlove her? Sinong taong kayang bawiin yung pagmamahal na nilalaan mo lang para sa isang taong inantay mo ng matagal na panahon?

"Aayusin ko na ang kasal nyo sa lalong madaling panahon. You are going to marry Violet and I am not asking you!"

Tinalikuran na nya ako pagkatapos nyang sabihin yun. Binagsak ko yung mga vases na nasa lamesa sa sobrang galit na nararamdaman ko. Wala akong magawa, lahat ng kilos ko kontrolado nila. Kim, I'm sorry but I need to do this. Sana maintindihan mo ko sa mga bagay na malalaman mo soon. Pagkatapos ng lahat ng ito, aayusin ko lahat. Babalikan kita at magiging tayo padin sa huli. I just need you to wait, please wait for me.

--

Kinaumagahan paggising ko, hindi ko parin tinatawagan si Kim. Hindi ko sya kayang kausapin, hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Oo naduduwag ako, ayokong makita syang umiiyak. Nakikita kong tinatawagan nya ko through Skype but I keep ignoring her calls. Ngayon ang araw ng Engagement party kung san ipapaalam na nila Daddy at Mommy ang pagsasanib ng kompanyang Perial at Shneel.

*Kimbertot ❤ calling..*

I'm sorry Kim, I hope you understand someday.

Pinatay ko yung tawag nya at pinatay narin yung laptop ko. Pati phone ko lahat pinagtatago ko. Lahat ng communication namin ni Kim pinutol ko. Isang numero lang ang tinira ko at yun ang unang beses na tatawagan ko sya ngayon.

*Dialling..*

"Yeah, who's this?"

Para akong nakikipagusap sa sarili ko. Kaboses ko din pala ang kumag nato.

"Stan, this is Joshua."

Bago pa sya magsalita may narinig akong pamilyar na boses sa kabilang linya.

"Heather! Stan! Tara laban na nila Trixy! Dala kayo foods a!"

Si Kim. Boses yun ni Kim kung hindi ako nagkakamali. Magkasama sila ngayon.

"Opo! Sagutin ko lang tong tawag ha? Susunod ako sainyo."

Sagot ni Stan kay Kim. Naririnig ko pa yung tawa ni Kim kasabay ng tawa ni Heather. Buti naman may mga taong nagpapasaya sakanya ngayon.

"What's up?"

"I need to tell you something about Kimberly."

Hindi sya nakapagsalita ng ilang minuto, halatang nagulat sya dahil kilala ko si Kim.

"Bakit mo sya kilala?"

"She's my girlfriend."

He chuckled.

"Sabi na nga ba. Nung una palang yun na yung duda ko na baka magkakilala na kayo."

"Pano mo nalaman?"

"She whispered your name once when she got passed out."

WHAT?!

"WHAT DO YOU MEAN SHE PASSED OUT?!"

"Chill bro, wag ka magalala nandun ako nung nahimatay sya. Ako nagdala sakanya sa clinic at nagbantay sakanya na dapat ikaw ang gumagawa."

Nahimatay sya? Bakit wala man lang syang sinasabi sakin?

"What happened!?"

"Tapos na yun matagal ng nangyari yun. Kung girlfriend mo sya dapat nasa tabi ka nya. Kaya pala ayaw nyang sabihin kung sino boyfriend nya, dahil ang magaling na kakambal ko na pala ang may hawak na sakanya."

"It's not her fault. Ako ang nagsabi sakanya na wag sabihin sayo dahil gusto kong sakin ka magalit at hindi sakanya."

"Hindi ako galit kung yun iniisip mo dahil gaya nga ng sinabi ko, matagal ko ng alam. Bakit kaba napatawag? Kung sasabihan mo  lang akong layuan sya, wag kanang magsayang ng panahon dahil hinding hindi ko sya lalayuan."

Naninigas yung kamao ko sa galit habang naririnig yung mga salitang ako dapat ang nagsasabi para protektahan si Kim. Pero wala ako sa posisyon ngayon para sabihin yun sakanya.

"I want you to make her fall inlove with you."

--

Gotta Have HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon