Chapter 28

61.3K 1.1K 42
                                    

Catherine Faith's POV

Nandito kami ngayon sa mall.

Nakakainis 'tong si Jiyong eh. Sabi magpapa-laundry lang daw kami pero dinala na ako dito sa mall.

Walangya talaga!

"Kain muna tayo?" tanong niya.

"Sige lang." bored kong sagot.

"Where do you want to eat?"

"Sa Jollibee." natatawa kong sagot. Pero syempre hindi ko pinahalatang natatawa ako.

"Seriously?"

"Seriously." sagot ko.

"Tch. Whatever. Stop kidding..." nakasimangot niyang sagot.

"Halika na. Arte. Psh." hinila ko siya sa Jollibee.

Dumiretso ako sa may counter.

"Wala ba ditong waitress na kumukuha ng order?" pabulong niyang tanong.

Pfft. Hahahahaha!

"May nakikita ka ba?" natatawa kong tanong.

"Just asking."

"Oh, anong gusto mo?" tanong ko nung turn ko na para mag-order.

"Ikaw nang bahala. Hindi ko alam kung ano yung masarap diyan. Psh." nakasimangot niyang sagot.

"Ang arte talaga. Daig pa babae." bulong ko.

"Uhmm. 2 Kitkat Mixins, 2 Large Fries, 2 Jolly Spaghetti Solo, 2 Amazing Aloha Champ." order ko.

"Uhmm okay po Maam. P578.00 po ang total." ang mahal pala ng inorder ko.

Kumuha ako ng pera sa wallet kasi nakakahiya kay Jiyong kasi ako nag-aya sa kanya dito kahit ayaw niya.

"Here's the payment. Keep the change." naglapag si Jiyong ng P1,000 sa counter.

"Ay sir. Bawal po dito ang hindi magbalik ng sukli. Ang laking amount pa naman po ng ibibigay niyo." sabi ng kahera.

"No. Keep it. Ikaw na lang magtago. Bahala ka na diyan. Ayoko lang bg barya sa wallet." sagot ni Jiyong.

Wow yabang. Nakawan niyo na 'tong lalaking 'to!

"Okay, sir. Thank you po." sabi sa kanya.

Magtataka pa ba ako kung magsasabi yan ng keep the change? Youngest billionaire ba naman eh. Kung hindi lang naka-shades 'tong isang 'to, malamang nakilala siya ng mga tao dito.

"Uy, ako magbabayad." bulong ko sa kanya.

"Ako na. Nabayad ko na." sagot niya.

"Kung alam ko lang na ikaw magbabayad edi sana dinamihan ko pa." bulong ko.

"Anong sabi mo?" tanong niya.

"Ah-eh, wala."

"Maam, sir. Eto na po yung order niyo." sabi nung kahera samin nung matapos niyang ilagay sa tray yung order namin.

Isang tray lang yun. Dahil pinagkasya nila sa isang tray.

Minamatahan ko si Jiyong na ang magbuhat ng tray pero iniiwasan niya ako ng tingin.

Opo guys, nagpe-pretend siya na hindi niya ako napapansin. Bait noh? Bait sobra.

Bwiset talaga.

"Jiyong!" medyo mahinang tawag ko sa kanya.

"Ano?" naiinis niyang tanong.

"Ikaw na magbuhat. Lalaki ka." utos ko sa kanya.

Pero lalaki nga ba? Dejoke.

Ms. Innocent Meets Mr. F*cker [R16] #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon